Chapter 34

1493 Words
MADIE'S POV Nandito na kami sa gas station kung saan sinabi nila Coco na nandito sila. Agad naman nila kaming sinalubong—— parang maiiyak na si Coco sa aobrang pag-aalala. "Tinry niyo na ba siyang tawagan?" Tanong ni Jaydee sa kanila. "Oo kaso hindi siya sumasagot kanina pa nga namin siya tinawagan—-" sabi naman ni Brei. Nakita naman namin ang pagdating ni Kielle—- "Where is she?" Patakbong pumunta ito samin at halatang halata mo rin sa mukha nila yung pag-aalala. Pinaliwanag naman namin lahat ang nangyare tsaka kami naghiwahiwalay dito para hanapin si Frances. Imposible namang nawala siya na parang bula. Gosh—- Halos naikot na namin tong buong gas station at nakapagtanong tanong na din kami pero wala— Tinry ulit naming tawagan si Frances and this time sumagot na siya! Agad namang niloudspeaker ni Coco yung phone niya. "Hello? Frances? Asan kaba ha?" Derederechong sabi ni Coco sa phone. "Hello?" Lalaki yung sumagot kaya naman agad kinuha ni Kielle yung phone ni Coco at nagsalita. "Bakit nasayo phone ng girlfriend ko?! Nasan siya?" Galit na tanong naman ni Kielle. "Easy easy---" Narinig naman namin ang pagtawa niya. "Hindi moba ako natatandaan ha?" Tanong naman niya samin-- actually kay Kielle. Naguluhan naman kaming lahat sa pinagsasabi niya samin. "I don't care who you are? Where the hell is my girlfriend?!" She shouted. "If you wanna see your lovely girlfriend meet me at the warehouse near at the bar where you punched me." Tsaka naman binaba nung caller yung phone ni Frances. "s**t s**t!" Sigaw naman ni Kielle. Tinatawagan ulit nila to pero hindi na nila macontact. "What does he actually saying?" Pagtataka naman ni Kielle. Nakatahimik lang kamming lahat. Si Coco naman ay nakayakap kay Brei. Si Jaydee naman mukhang malalim yung iniisip. Nagulat naman kaming lahat ng biglang nagtext yung lalaki na kaninang tumawag--- gamit parin niya yung phone ni Frances. "DON'T YOU DARE TO CALL A POLICE OR ELSE I'M GONNA HARM YOUR BEAUTIFUL GIRLFRIEND. PUMUNTA KA MAG-ISA" That is the text we recieved. "May nakaaway kaba Kielle? I mean kanina bago niya ibaba yung phone sabi niya if I'm not mistaken ay imeet mo daw siya sa warehouse malapit sa bar kung san mo siya sinuntok." Tanong naman ni Brei sa kanya. "Wala--- i mean hindi pa naman kami ulit nagbabar ni Frances dapat nga ngayon kaso diba nagkaemergency meeting ako." Sagot naman ni Kielle. "Come on stop questioning--- we should find a warehouse near at some bar." Sabi naman ni Jaydee atsaka ko siya nakitang nag google maps. "I think I know where is she--- sundan niyo ko." Hinila naman niya ako papunta sa kotse atsaka kami nagmadali para puntahan iyon, nakita ko namang nasa likod lang namin sila Brei. Huminto kami dito sa isang warehouse kaso parang sarado—- bumaba na kami atsaka kami luminga linga. "Ako nalang ang pupunta sa loob. Dito lang kayo—."Sabi ni Jaydee  "No—- I should go there." Papasok na sana si Kielle pero pinigilan siya ni Jaydee. "Sasama ko. Brei bantayan mo si Madie at Coco pag hindi pa kami nakalalabas in 30mins. Tumawag na kayo ng police" Sabi naman samin ni Jaydee. Pinigilan ko siya pero hindi siya nagpapigil. Pumasok kaming tatlo sa kotse atsaka kami nag antay. JAYDEE'S POV This is my fault! Arg. Bakit ba kasi sinapak kopa yung lalaki na yun. Hindi ko naman alam na babalikan niya kami. Dahan dahan kaming pumasok ni Kielle dito sa warehouse. Wala namang tao. Umakyat kami. Pero wala parin. Nagring naman ang phone ni Kielle atsaka kami pinapunta sa 3rd floor ng warehouse. Sa dulo daw non merong kwarto. Andon daw sila. Agad naman kaming tumakbo ni Kielle papunta don. Binuksan namin yung pinto agad agad at nakita namin si Frances na nakaupo—- nakatape yung bibig niya at nakatali siya. Pagkakita niya samin agad ko namang nakita ang mga luha niya. Lalapit na sana kami ng biglang lumabas ang tatlong lalaki sa gilid niya—- may mga hawak na baseball bat. "Sabi ko ikaw lang mag-isa pumunta diba? Bakit naman nagsama kapa ng rich kid" Sabi niya sakin—- nakatingin siya sakin. "Anong sinasabi mo?" Gulong tanong naman ni Kielle. "Ayan kasing jowa nitong babae na'to sinapak lang naman niya ko sa bar habang nagsasayaw kami ng maganda niyang girlfriend." Sabi niya saamin atsaka hinawakan ang baba ni Frances. Napayukom ang mga kamao ko dahil sa ginawa niya at sinabi niya. "Jowa? Ako girlfriend ng babaeng kinidnap mo!" Sigaw naman ni Kielle na halatang halata ang pagkagulo sa isip niya. "Oh no—— dalawa kayong girlfriend nitong magandang babae nato?" Tanong naman nung lalaki atsaka sila nagtawanang tatlo. Napalingon naman sakin si Kielle. "Anong sinasabi ng lalaki na yan?" Galit na tanong niya sakin. "Mamaya na tayo mag-usap Kielle." Sagot ko atsaka bumaling sa tatlong lalaki na nagtatawanan. "Pano ba yan Ms. Beautiful hindi ko naman alam na player ka pala—- sayang ang ganda mo pa naman" Sabi nung lalaki atsaka niya dinilaan si Frances sa pisngi. Hindi ko naman na mapigilan yung sarili ko sinugod kona sila nakita ko rin naman na sumugod na din si Kielle. Ilang minuto rin yung tinagal ng sapakan naming lima puro sugat na kami ni Kielle dahil bukod sa tatlo sila—- lalaki parin sila, babae pa rin kami. Buti nalang medyo mga lasing sila kaya na-out of balance agad sila kapag nakakaiwas kami ni Kielle sa mga hampas nila. "Umalis na kayo dito Kielle! Bilis! Dalin mo na sa labas si Frances!" Nakita ko namang mabilis siyang pumunta kay Frances pero nakita kong may hahampas kay Kielle kaya agad ko itong tinulak. Naramdaman ko naman ang pagpalo sa likod ko kaya napaubo ang ng dugo. Nakita kong hahabulin ng isa sila Kielle pero hinawakan ko yung mga paa niya. Tumayo ako at tatakbo na sana pero nahabol nung sinapak ko yung buhok ko—- "San ka pupunta ha—" Bago pa niya ko masapak— sinapak ko na siya atsaka ako tumakbo kahit na iika ika ako palabas. Nakita ko naman ang pagsalubong sakin ni Kielle atsaka agad na pinatakbo yung kotse. Sa kotse ko—- nandito si Kielle siya ang nagmamaneho. Sa passenger seat naman ay si Frances at ako dito sa likod. Nakita ko naman na agad sumunod samin sila Brei. Nandito na kami sa Condo nila—- inakay ako kanina ni Madie pagkababa namin sa kotse. Wala pa haloa nagsasalita samin. Pagkapasok namin sa unit nila agad naman kaming umupo ni Kielle sa sofa. Agad namang kumuha si Brei at Madie ng yelo para yeluhan ang mga sugat namin ni Kielle. Si Coco naman ay tumabi kay Frances na mukhang hindi pa nagsisink in sa kanya lahat ng nangyare. Hingal na hingal naman kami Kielle. "Are you guys crazy?" Tanong samin ni Brei. Pagkatapos nilang linisin sugat namin. "What are you guys really thinking ha? Ikaw lalo Jennifer!" Sigaw sakin ni Madie. "Guys—- don't blame them. It's my fault. Kung hindi nalang sana ako nagcr hindi sana nila ako makikita." Singit naman ni Frances. "Ano ba kasi talaga nangyare Frances? Sino ba yung mga lalaki na yun ha?" Natigilan naman kaming lahat sa tanong ni Coco. "Nung gabi kasi na nag-away kami ni Kielle—- naisipan kong magbar mag-isa tapos ano.." Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya nung tumingin siya sakin at kay Kielle. "Hinanap ko siya agad dahil hindi siya nagpaalam sakin— nakita ko siya na kasama yung lalaki na yun kaya ko siya sinuntok. Siguro bumawi." Derechong sagot ni Kielle na nakatingin sakin. "Eh diba sabi mo wala naman kayong nakaaway ni Frances kanina?" Tanong ulit ni Brei. Nakita ko naman na nakatingin sakin si Madie—- kinakabahan ako. Please let it just go. "Come on guys. We need to rest na. Umaga na oh. Hayaan niyo munang magpahinga tayong lahat." Singit ko nalang para hindi na sila magtanong. Dito naman na kami nagpalipas ng oras. Agad naman silang sumang ayon atsaka nahiga dito sa lapag ang CocoBrei tsaka kami naman ni Madie dito sa couch. Nakahiga yung ulo niya dito sa lap ko kasi hindi ako makahiga. Masyado pang masakit yung pagkakapalo sakin kanina. Naramdaman ko naman ang malalim na paghinga ni Madie kaya naman dahan dahan akong tumayo para kumuha ng tubig. Lumabas naman si Kielle sa kwarto nila atsaka lumapit sakin. "Hindi ko pa alam yung buong nangyare that night—- but I think si Frances nalang ang kakausapin ko about that. You should tell Madie everything. I know you asked for my help kanina the way you looked at me kaya kita sinalba— pero hindi ko yun ginawa para sayo. Ginawa ko yun para sa girlfriend mo. Tell her before she knows everything Jaydee and..." bulong niya sakin. "Don't you ever call my girlfriend yours Jaydee." Atsaka siya tuluyang pumasok sa kwarto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD