Puro ingay, usok, amoy ng alak, at paiba-ibang kulay na ilaw ang agad na sumalubong sa amin nung tuluyan na kaming nakapasok nina Klein sa isa sa bar sa lugar namin.
Hindi na ako nagulat pa sa mga nakikita ko dahil hindi na bago sa akin ang mga bagay na nasa paligid ko ngayon. Ilang ulit na rin naman akong nakapasok sa ganitong klaseng lugar dahil madalas ay inuotus sa akin ni Tita na hanapin na si Klein at pauwiin na siya. Sa ganitong klaseng lugar naman siya palaging tumatambay kaya madali lamang siyang matuntun.
Pinagmasdan ko naman yung lugar. Maraming nagsasayawan, naghihiyawan, at nag-iinuman. May mga iilan rin yung nag-uusap kahit ang lakas ng music. Mula sa pagmamasid ko ay napunta naman kay Klein yung atensyon ko na kanina pa palinga-linga na tila ay may hinahanap siya. Umangat pa ng kaunti yung ulo niya.
"There they are Brent!" turo pa niya sa bandang kanan. Dumungaw naman ako sa itinuro ng kamay niya. Isang grupo na sa tingin ko ay pamilyar sa akin mula dito. Di ko talaga kasi maaninag ng malinaw yung mga mukha nila.
"Lee, come here. Punta tayo kina Zeus." sabi sa akin ni Brent na nagpabalik sa aking ulirat. Kanina pa pala ako nakatingin doon sa kanila. Sinimangutan ko naman siya dahil sa narinig kong winika niya.
Ngumisi lang siya at naglakad na papunta sa grupo nila. Wala rin naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil kanina pa pala nauna si Klein.
"Whoa! Bro! How are you?! Long time no see." nagkamayan pa sila ni Gael. Kilala ko na sila na dahil nga ay ilang beses na silang nagpupunta ito sa hacienda. Tanyag rin sila sa School. Kung sino yung barkada ni Klein ay yun din yung kay Brent.
Dala naman ni Zeus yung girlfriend niya. Isa-isa ko silang tiningnan hanggang sa nakita ko si Klein at Shey na naghalikan pero saglit lang din iyon. Napansin rin naman agad ako ni Shey kaya binati niya ako.
"Lee! Buti naman sumama ka. Huwag kang mag-alala dahil paniguradong di ka naman mauumay pag nakasama mo na kami." masayang saad pa niya. Siya si Shey. Sa pagkakaalam ko siya yung present girlfriend ni Klein for one month. Himala nga at nagtagal sila.
"For sure, you'll enjoy our company. Right Zeus?" panunuya pa ni Klein kaya tinapakan ko ng malakas yung paa niya sa ilalim ng mesa.
Maya-maya pa ay nagkwentuhan na rin sila. Hindi rin naman ako na bored dahil nagkwentuhan rin kami nila ni Shey. Masaya naman silang kasama. Hindi naman din katulad si Shey sa mga naging past girlfriend ni Klein na ang papangit ng ugali. Tsaka ang aarte pa.
"Wait, may tumatawag. Maiwan ko muna kayo bro." paalam pa ni Brent. "Lee, just don't drink too much kung gugustuhin mo mang uminom. Okay?" paninigurado pa niya sa akin kaya tumango na lamang ako.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa di ko na siya maaninag pa. "Here, you want some drink Lee?"
Tiningnan ko namang mabuti yung alak na nakalagay sa baso. Minsan ay napapaisip ako kung ano nga ba yung lasa pag marami yung iinumin ko. Ilang beses na rin naman akong nakainom ng alak pero di naman ganito karami tulad ng nasa basong pilit na inaabot sa akin ni Shey.
"Just try, I'll swear magugustuhan mo ang lasa nito. It is one of my favorite." pangungumbinsi pa niya kaya sa huli ay inabot ko rin naman ng walang pagdadalawang isip na inumin iyon.
Sa una ay konti lang yung ininum ko pero habang napapatagal ay parang unti-unti ko na ring nagugustuhan ang lasa nito. "Sabi ko naman kasi sayo. Masarap naman siya diba?" tanging pagtango na lang yung ginawa ko habang hawak ko yung baso.
Napagtanto ko na marami-rami na rin pala yung bote na nainom ko. Nagsimula nang sumakit yung ulo ko at tila may kakaiba ng nangyayari sa paningin ko. Napahilot ako sa sentido ko at halos gusto nang sumarado yung takip ng mata ko.
Hindi ko na rin maunawaan yung sinasabi nila dahil parang kung ano-ano na lang yung naririnig ng tenga ko. Halos lahat ng mga salita ay lumabasa lang sa kabilang tenga. Damned this alcohol! It seems that my system won't function well anymore.
"Sige pare, una na kami. Gabi na rin kasi. Paniguradong lagot na naman kami sa parents namin. Alam mo naman." wala na akong naiintindihan.
"Lee, sorry pero hinahanap na ako sa amin. I'm going home. Babe, kita na lang tayo maybe I'll just text you." alam kong boses na iyon ni Shey pero ang sakit ng ulo ko.
"Leeian..." nakatalukbong na ako sa mesa. Gusto ko na talagang matulog o humiga man lang sa kama.
"Leeian, alis na tayo. Brent texted me na hindi na raw siya makakapunta dito pabalik dahil mukhang gagabihin na ata siya. He have something to attend. Biglaan daw." kay klein na boses yun.
"Stand up Leeian."
"Hindi ko na kaya Klein. Baliw ka ba? Ang bobo mo, kita mong nanghihina ako." sagot ko naman.
"Ang hina mo kasi. Iinom-inom tas hindi namna pala kaya." narinig ko pang sumbat niya. "Hoy! Kaya ko pa kaya." pagbawi ko sa sinabi ko kanina. Sinubukan kong tumayo pero nagpagewang-hewang lang ako. Buti at may dalawang kamay na sumalo sa akin.
"You're weak."
"No... I'm not!" tinulak ko pa siya pero nahawakan niya pa rin ako. "Hindi kaya ako mahina. Kung mahina ako edi sana matagal na akong bumitaw sa kanya. Edi sana noon pa ako umiyak dahil hindi niya ako mahal."
"Kung ganun, bakit mo pa rin siya mahal? Di ka lang mahina, tanga ka rin pala."
"Alam mo Klein kung bakit ko siya mahal? Dahil hindi siya ikaw."
"What if I love you?"
Napatawa naman ako sa narinig ko. "Mahal? Palagi mo nga akong inaaway tapos sasabihin mo yun? Nagpapatawa ka yata."
"Mahal kita." napatawa ako ulit. "I will never believe you Klein. Ni hindi mo nga minsan napatunayan at naiparandam sa akin. Si Brent lang nagparamdam sa akin nun. Siya lang."
Wala akong sagot na narinig pero kahit na wala ako sa sarili ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Pero mas nagulat ako nung tumugon naman pabalik yung labi ko na wari ay may sarili itong isip.
I'm just drunk......