Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa balat ko. Naginat-inat ng kaunti nung napagtanto kong hindi ko ito kwarto. Nilibot ko ang aking mata para tingnan ang kabuuan. Agad kong binaling ang aking tingin sa sout kong plain white shirt na hanggang tuhod yung haba. Fudge! Ano ba kasi yung ginawa ko kagabi? Pinilit kong matandaan yung bagay na nangyari subalit tanging pag-inom lang ng alak yung aking natatandaan.
Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa ulo. Sinimulan na akong kabahan dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano. Wala naman rin akong nararamdaman na kakaiba. Wala namang masakit sa katawan ko. At lalong hindi na masakit yung gitna ko. Walang nangyari. Nakatulog lang ako dito. Ilang ulit kong sabi sa isipan ko dahil kung ano-ano na kasing sumagi sa isip ko.
Tumayo na ako. Ipinukol ko ying tingin ko sa mga bagay na nandito. Mapapaghalataan mong hindi talaga ito kwarto dahil bukod sa walang ka bagay-bagay dito ay simple lamang yung disenyo. Nasaan ba kasi ako? Walang kahit na isang picture frame na siyang unang kadalasan mong nakikita sa loob ng isang kwarto.
Pero sinong nagbihis sa akin? Saka asan si Klein? Si Brent? Paulit-ulit na naglaro sa isipan ko ang mga tanong na iyon. Naikuyom ko yung kamay ko sa naisip ko. Sinadya ba talaga akong iwan ni Klein don? Naku! Malilintikan talaga siya sa akin!
Halos lumundag ulit ang puso ko sa kaba nung narinig ko ang pagbukas ng pinto. Unti-unti ay inangat ko yung tingin ko sa taong pumasok sa pintuan.
"Sounds great, you are now awake." walang bakas na emosyong sabi niya sa akin. What do you expect from him Lee? Ganyan naman talaga yan palagi. Hindi ka pa ba nasanay? Takbo naman ng isipan ko.
"Anong ginawa mo sa akin Klein?" nagkibit balikat naman siya saka humiga sa kama. He is facing the ceiling now. "Wala. Pero ikaw may ginawa ka sa akin."
Ako bang pinagloloko niya? "Huwag ka ngang sinungaling diyan. Baka kung ano nang ginawa mo sa akin... susuntukin talaga kita. Baka pinagsamantalahan mo na yung kahinaan ko dahil lasing ako." pagbabanta ko pa. Iginaya niya yung mata niya sa direksyon ko.
"Anong akala mo sa akin? r****t?" umupo naman siya kama saka ako tiningnan habang nakatayo pa rin. Tinuro pa niya yung sarili niya. Tiningnan niya pa ako mula hanggang paa. "Tsaka hindi kita type para pagsamantalahan ko. May taste naman ako. Hindi ka naman sexy at isa pa---"
"Shut up!" binato ko siya ng unan. Mabuti na lang at naharang ito ng dalawa niyang kamay. Kung makalait naman siya. "Sinabi ko bang laiitin mo ako? Hindi naman diba? Bwesit ka talagang Montemayor ka."
"So who undressed me? Saan yung suot ko kagabi?" dagdag ko pa.
"Sinukahan mo yung damit mo kaya napilitan akong palitan iyon at bihisan ka ng panibago. Yan lang yung available kaya huwag ka nang umangal pa. Pasalamat ka at nagkusang loob na akong bihisan ka." plain na sabi niya.
"So? Nakita mo?"pagtukoy ko sa underwear na aking suot. He nodded. "Huwag kang mag-alala dahil maraming beses na akong nakakita nun. Ang pinagkaiba lang... maliit sayo, malaki sa kanila." mas lalong kumulo yung dugo ko dahil sa naging saad ng bibig niya.
"Manyak! Tumigil ka na nga diyan sa kakasat-sat mo." tinalikuran ko na siya dahil baka kung ano pang magawa ko sa lalaking yun. Pumunta ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko. "Where did you slept?" bigla na lang lumabas ang katanungan na iyon mula sa labi ko. Maybe out of my curiosity.
"Where do you think?" he made me even clueless. Alam kong nakangisi siya habang tinanong ako basi sa tono ng pananalita niya.
"Nagtatanong nga ako Klein kasi di ko alam. Naninigurado lang ako na hindi tayo tabi natulog kagabi." sarkastikong sagot ko naman pabalik.
"Of course we slept on the same bed. Wala namang malisya don. You are my sister remember?" nakangisi niyang tanong sa akin.
"Sister? Hindi mo nga ako tinuring na kapatid. Ayaw mo nga sa akin kaya Ayoko rin sayo. Wala ba talagang nangyari?" paninigurado ko dahil mahirap siyang pagkatiwalaan. Napakatuso kaya ng lalaking ito. Alam ko lahat ng mga gusot na pinapasukan niya. Lahat ng mga pinagagawa niya.
"Gusto mo talagang may mangyari sa atin? Gusto mo talagang matikman ang isang Klein Montemayor?" panunuya niya. He even chuckled.
I turned in order to face him. Tinaasan ko siya ng kilay saka nagcross arms. "Yak! As if namang gugustuhin ko. Hindi ko hihilinging mapabilang sa mga babae mo. Wala sa taste ko yung mga lalaking tulad mo."
"Talaga?" tumayo naman siya habang nakangisi. Papalapit siya papunta sa direksyon ko. Bawat hakbang niya ay siyang paghakbang ko paatras.
"If you just remember what you did last night. I know na pinagnanasahan mo ako." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang kapal naman ng mukha niya. Mas lalo ko tuloy gustong maalala yung nangyari kagabi. Ano ba kasi yung totoong nangyari?
"Bakit? Ano bang ginawa ko kagabi?" naramdaman ko ang paglapat ng likuran ko sa puder. Nacorner na niya ako gamit yung bisig niya. He came closer to me. We are just inches away. Yung ilong namin ay tumama na isat-isa. At mas lalo niya lang idinikit yung noo niya sa noo ko.
Nagsukatan lang kami ng tingin. Walang nagpapatalo at walang ni isa ang pumuputol sa titigan namin. "Gusto mo talagang maalala? Gusto mong malaman yung ginawa mo?" pagtatanong niya ulit sa akin. Tumango naman ako. Sa bawat salita na lumabas sa bibig niya ay naaamoy ko yung mabango niyang hininga.
Walang gumalaw sa amin. Pareho lang kaming nagtitigan ulit. He then grin. "Edi ikaw na maghanap ng paraan para may maalala ka." umalis na siya kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.
"Teka nga! Nasan ba kasi tayo?! Bakit ba tayo nandito?!"
"I was drunk and I couldn't drive safely anymore kaya nandito tayo sa isang inn." paliwanag naman niya sa akin. "Magbihis ka na." tinuro niya yung paper bag na nasa gilid ng side table. "Nandiyan na susuotin mo. Bilisan mo na lang."
Kinuha ko yung paper bag at tiningnan yung susuotin ko. Halos lumuwa naman ang mata ko sa nakita ko. "Are you serious?" tumingin siya sa naging reaksyon ko.
"Papasuotin mo ako nito?" Kulang kasi sa tabas yung tela. Hindi naman sa napaka-conservative ko. Halos nakahubad naman kasi ako pag sinuot ko yan. Kulay black na tank tops at ripped super short shorts.
"Huwag ka nang umangal pa kasi yan lang yung nahablot ko. Nakakapagod kayang pumili ng mga damit na susuotin mo." panunumbat niya.
"Ano na lang sasabihin ng mommy at daddy mo kapag nakita nila akong nakaganito."
"For sure mom and dad won't still be there. Wear that or you'll just have to wear your undergarments." tiningnan ko siya ng masama kaya napangisi siya.
"I would be happy to see that view again."