Freed 5

1279 Words
"I just want to distance myself to you at baka kung ano pa ang kaya kong magawa sayo Leeian kasi gusto kita. Sinubukan kong ibaling yung atensyon ko sa iba but it will always be you I can think of. I want you so bad. Baka di ko mapigilan yung sarili ko. You know what I am capable of and I don't waont to take advantage on you." I shook my head every time I remember what he said. Sigurado naman akong pinagloloko na naman ako nung Klein na yun. Grabe na talaga yung lalaking yun. Ngayon naman, may balak siyang paglaruan 'tong feelings ko. Asa naman siyang mahuhulog ako sa matatamis niyang mga salita. Akala niya siguro ay katulad lang ako ng ibang babae na bibigay sa kanya bigla. Hindi uubra sa akin yang ganyang paraan. Kilala ko na si Klein noon pa man. Lumabi ako. Maiging pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng rancho. Nasa labas ako ngayon. Naisipan kong magpahangin at nang makalanghap ako ng sariwang hangin. Katatapos ko lang maglinis sa mansion. Tinulungan ko kasi sina Aling Mina. Naningkit yung mata ko sa nakita ko. Napaiwas na lang ako ng tingin doon sa direksyon nila ni Klein at Shey. Kahit naghahalikan lang sila ay pakiramdam ko ay para na rin akong namboboso. Hinawi ko pa yung buhok ko na kinalat ng malakas na ihip ng hangin. Ewan ko pero napasimangot ako sa nasaksihan ko. Yan na nga ang sinasabi ko kasi. Kasinungalingan. Tanging naisambit ko sa hangin. May pa amin-amin pa siyang nalalanaman na gusto niya ako tapos nagagawa niya pang makipaghalikan. Ang utak niya talaga, bulok. Nasa ilalim na sila ng puno ng mangga ngayon. Tila masayang nag-uusap. Maharot masyado si Klein. "Lee! Hoy!" bigla akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko. Sumalubong sa akin ang mukha ni Brent. He showed his perfect white teeth. Tiningnan niya ako ng maigi. "Nakasimangot ka. May problema ba?" Heto na naman ang abnormal na pagtibok ng puso ko. Nakasuot siya ng boots. Nakasumbrero rin siya kaya tuloy nagmukha talaga siyang cowboy. Bagay sa kanya ang suot niya. Ibinaling ko yung atensyon ko sa malawak nilang lupain. "Naglalakad ka sa ilalim ng araw." ika niya saka kinuha ang sumbrero. Agad niya itong nilagay sa ulo ko. "Huwag na lang sana. Sanay na akong magbilad sa araw." pagtanggi ko sana pero nagpumilit pa rin siya. Nakita ko ang pag-ngisi niya. "Ikaw pa rin yung Lee na kilala ko noong bata pa tayo nila Klein. Yung Lee na hindi takot mangitim." Agad namang tumakbo sa isipan ko ang mga ala-alang yun. Mahilig kaming maglaro dito. Panay ang takbo namin dito. Mas maarte nga lang si Klein dahil nakakapaso daw ang init ng araw sa balat. "San ka galing?" pag-iiba ko sa usapan namin. "Binisita ko lamang si Fed." I nodded. Si Fed yung alaga niyang kabayo. "May balak ka bang mag-ikot dito?" Nagkibit balikat ako. "Ewan kung saan ako dadalhin ng paa." "Libutin na lang natin ang kabuuan ng hacienda. Sasakay tayo kay Fed." he offered. "Pupunta tayo sa ilog." biglang lumiwanag ang mga mata ko. Na miss ko na yun. Tatango na sana ako nung nakita ko sina Klein na papalapit sa amin. "Brent! Leeiean!" tawag pa niya. Ngumiti lang si Shey sa akin. Magkahawak sila ng kamay. "Tamang-tama. Pupunta kami ni Lee sa may sapa Klein. We don't mind if you'll join." pambungad ni Brent sa kanila. Ngumisi si Shey. Bakas sa mukha niya ang pagkasabik. "Sige ba!" pag-sang ayon niya. "If that's what you want then we shall go now." saad ni Brent saka ako hinawakan sa kamay. Napatingin ako don. Maging si Klein ay napansin kong nakatingin din pero agad siyang umiwas agad. "Kukunin lang namin si Fed." turo pa nya sa kinaroroonan ng kabayo. "Kunin mo na rin yung sayo." utos niya kay Klein. Nagsimula na kaming maglakad. Hinablot ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. Mas lumakas ang pagtibok ng puso ko. "Si Goldie na lang yung sasakyan ko." Ayoko nang sasakay kami sa iisang kabayo. Sa tuwing magkalapit lamang kami ay mas lalo lang akong naiilang. Kahit hindi man halata yun. Marami pa kaming dinaanan bago kami nakarating sa ilog. Tuwang-tuwa naman si Shey na lumapit sa akin pagkababa niya pa lang sa kabayo. Silang dalawa ni Klein ang sumakay dahil hindi niya daw alam ang pagpapatakbo nung mag-isa. "Geez! I'm excited! Gusto kong maligo." saad niya habang tinititigan ang daloy ng tubig. "Nagpupunta ba talaga kayo rito?" tanong pa niya. Sasagot sana ako nung biglang sumulpot niya sa tabi si Klein. Siya na yung sumabat. "Yes. Madalas kami dito ni Leeiean lalo na nung mga panahong nasa Amerika pa lang si Brent." nasa akin lang yung mata niya habang winika iyon. Gusto kong ngumiwi sa narinig ko pero mas pinili ko na lang tumahimik. Madalas? Kami? Kung tutuusin nga ay nagpupunta lang ako dito dahil pinapahanap na siya. Dito siya namamalagi pag wala siya sa mansyon nila. Minsan nga ay naabutan ko siyang naligo. Pareho kaming umuwing basa nun dahil naitulak niya ako ng di ko namalayan. "Tara na. Ligo na tayo." pag-akbay sa akin ni Brent. Nakita ko na lang si Brent na tumakbo. Maging si Shey na rin ay sumunod na sa pagtalon. Napangiti ako. Namiss ko'to. Agad akong lumapit sa may pangpang para tumalon nung naramdaman kong yinakap ako ni Klein. "Hoy! Klei--" subalit ay huli na dahil agad na siyang tumalon kasama ako. Pag-ahon ko palang ay hinihingal na ako dahil sa malakas na impak ng pagbagsak namin. Tawang-tawa naman siya marahil siguro ay sa itsura ko ngayon. "Mukha kang ewan Leeian. Ang hina mo pa rin." kantyaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Malamang dahil wala pa sa plano ko ang mahulog. Bumagsak lang ako sa tubig dahil sayo. Ikaw kayang mahulog ng di mo namamalayan." umirap ako kasabay nung pagkasabi ko nun. "Pero mas masya kapag sabay tayong mahulog." napalingon naman ako sa sinabi niya. "Shey! Come here mas maganda dito. Walang kachallenge-challenge diyan kasi hindi naman yan malalim." dagdag niya agad. Nagtampisaw kami sa tubig. Pero malapit nang mag-init yung ulo ko kasi pinagkakaisahan ako ni Brent at Klein. Si Shey walang nagawa kundi ang tumawa. Sa pag-uusap namin ay palagi nilang sinasali si Zeus. Sinabi na nga ngang hindi siya yung gusto ko. "Bahala na kayo!" padabog kong sabi saka na umahon. Pumunta ako sa may malaking bato at doon ay umupo. Kinuha ko yung maliit na bato malapit sa kinaroroonan ko. Sinuri ko itong mabuti. Ang sarap ibato kay Klein at Brent ang bato. "Sorry." yan na naman siya sa sorry niya. Hindi ako lumingon kay Brent na ngayon ay nasa tabi ko na. "Sorry na kasi Lee." nilaro ko lang yung bato na kasalukuyang hawak ko. "Huwag niyo na kasi akong itukso sa Zeus na yun." hindi pa rin ako lumingon sa kanya. Nakatungo lamang ako. "Hindi siya yung gusto ko Brent." I trailed. "So who's the lucky guy? Wala ka pang love life Lee. You are not getting any younger." For Pete's sake! I'm only 21! Seryoso ba siya?! I sighed. "Pero ikaw pa rin kasi ang gusto ko. Walang nagbago dun Brent. Akala ko, mawawala rin ito pero mali ako. Nararamdaman ko na naman ang abnormal na pagtibok nito nang dahil sayo." pag-amin ko. Hindi siya umimik. "Pero huwag kang mag-aalala. Kasi matagal ko nang tanggap na siya lang yung mamahalin mo. Kapatid lang ang turing mo sa akin." Nilingon ko siya saka ngumiti ng mapait. "I'm sorry Lee." Okay lang. Yun naman palagi. Sanay na akong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Pero di mapagkakailang, nasasaktan pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD