bc

Dreaming Spree [Tagalog]

book_age16+
23
FOLLOW
1K
READ
family
friends to lovers
inspirational
band
comedy
mxb
city
coming of age
friendship
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Kaoru Torres is living the new chapter of her life outside the orphanage. Her dream of becoming a singer is what's motivating her. Reign Yang, a rich law student with a solemn personality and a concealed artistry. Started from short glances followed by unexpected encounters, they eventually develop a friendship. And despite each other's differences in status and principles, one thing binds them and keeps them connected.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue At the age of five, a little kid might be asked, "What is your dream?" Then she will have silly answers like, "I want to be a doctor." At seven, she might start having a crush. Some are even having their puppy first love at twelve. Life is so sweet to a sixteen-year-old. Her world is wider, and having fun for her is now different from the kind of fun she had when she's five. Growing up is just as simple as that for many. But not for me. My story was different. "Salamat po." "Pumunta ka na lang sa bahay ko mamaya para pumirma ng kontrata." "Sige po." Lumabas na ng kwarto ang landlady nitong inupahan kong apartment. Narinig ko pa siyang kinausap ang dalawa kong kasamang babae na Kate at Missy daw ang mga pangalan. May dalawang lalaki rin sa salas na mga nobyo yata ng dalawa at bumisita rito. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinapasadahan ng tingin ang buong silid. May kalakihan naman ito. Dalawang dipa ang luwang sa bawat sulok. Pero mas malaki pa rin ang kwarto namin dati kahit marami kami. Ngayon ay mag-isa lang ako rito dahil sa kabila ang kwarto ng dalawa. Napangiti ako nang makita ang double deck na higaan. Sa wakas ay makakahiga na ako sa totoong kama at hindi na sa kutson na inilalatag lang sa sahig. "Let's go. Simulan na nating mag-ayos, Kao." Pumalakpak ako ng isang beses sa sarili. Una kong dinampot si Melody, ang gitara ko, saka inilagay ito sa itaas na bahagi ng double deck. Binitbit ko sa tabi ng cabinet ang dala kong bag at isa-isa nang inilipat dito ang mga damit. Sa simula ay masaya pa ako sa ginagawa. Pero habang tumatagal ay napagtatanto ko nang mag-isa na talaga ako. Ganito na ang magiging buhay ko ngayon. Kalahating oras lang ang inabot ko sa pag-aayos. Matapos kong magpahinga ay pinili ko nang maligo. Alas tres na ng tanghali nang bumaba ako para pirmahan yung kontrata. Tatlo ang palapag nitong apartment building at may tig-dadalawang bahay sa bawat floor. Sa second floor ang apartment namin at ang bahay sa tabi nitong building ang tirahan ng may-ari. May nadaanang park ang tricycle na sinakyan ko kaninang umaga papunta sa apartment kaya pagkaalis sa bahay ng landlady ay naglakad na ako patungo roon. Linggo ngayon kaya marami-rami ang tao pagkarating ko. Bumili ako ng squidball at abnoy, tawag namin sa orange egg, bago naghanap ng bench. Nagkalat ang playground kung saan maraming bata ang pawisan na naglalaro. Sa gitna ng park ay may circle kung saan may nagsasayaw at nag-i-skateboard naman ang mga binatilyo. Ang sasaya nila. Inilapag ko sa gilid ko ang plastic cup nang tumunog ang phone ko. Ilang segundo kong tinitigan ang screen bago bumuntong-hininga at inilabas ang pinakamalawak na ngiti. "Ma!" Napatakip ako ng bibig nang matantong malakas ang sigaw ko. "Ang saya ah. Kumusta ka diyan?" "A-Ayos naman po. Nakapag-organize na po ako ng gamit. Kaso nakakainip." Ngumiti ako ng maikli. Sinungaling ka. "Kayo po. Kumusta po yung mga bata? Umiiyak pa rin po ba sila?" "Hindi na. Tumigil na noong sinabi ko na babalik ka rin naman para dumalaw." Ibinaba ko sa lupa ang tingin at kinagat ang ibabang labi. "Kailan mo ba balak bumisita rito, anak?" Kinamot ko ang tuhod nang hindi ko malaman kung paano at kung ano ang isasagot. Ayaw ko na masanay silang umasa at maniwala sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. "Susubukan ko po kapag hindi na busy. Pasabi po na miss ko na sila." "Sige. Mag-iingat ka lagi, ha?" "Opo." Tinapos ko na ang tawag at ibinalik sa mga naglalaro ang tingin. Umihip ang malakas na hangin. Tinangay nito ang buhok ko at humarang sa mukha. Nakain ko pa ang ilang hibla. Bwisit na kalikasan. Kinuha ko ang nakalagay na pang-ipit sa pulso at sinuklay ang buhok para i-ponytail. Bigla naman akong napalingon sa gilid nang mapansin ang pagkislap ng isang bagay. Pagtingin ko ay may nakatutok sa aking cellphone. Nahuli ko pang agad na nag-iwas ng tingin ang dalawang lalaki habang ang may-ari nito ay kunwaring gumagamit lang ng phone. Pero hindi nila ako maloloko dahil nahuli kong nag-flash pa ang camera. Nanlaki ang mga mata ng lalaki saka gulat na nag-angat ng tingin. Umawang ang mga labi niya at mukhang alam na niya na nahuli ko ang ginawa nila. Nagtaas ako ng kilay. "B-Brad." Siniko niya ang mga kasama. Tumingin sa akin ang dalawa at lahat sila ay tila nakakita ng multo. "Takbo!" Mabilis silang nagtakbuhan. Hindi ko nasundan ang paglayo nila dahil napako ang tingin ko sa lalaking naiwan sa bench na inuupuan nila kanina. Nagulat siya sa biglang pag-iwan sa kanya ng mga kasama. Hanggang sa mapalingon siya sa 'kin at magsalubong ang tingin namin. I always swear at the world for being so unfair. The only thing I could say I can relate to others is that at eighteen years old, some might have already crossed paths with the person they will truly love. Yes. I found him. It was so long before I realized that. "Reign!" Pareho kaming napalingon sa mga kasama niya. Malayo-layo na sila. Mahihimigan ng takot ang mga boses nila habang tinatawag ang lalaking ito, si Reign. Tss. Iniisip ba nila na baka gulpihin ko siya? Nilingon niya ulit ako bago tumayo at naglakad patungo sa kanila. Napangiti ako at napailing nang maalala ang nangyari. Ibinalik ako ang tingin sa lalaki na ngayon ay lumilikha na ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa. If only I have known that our moment together will be limited, I should not have wasted the first time I saw him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.9K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
258.3K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
444.8K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook