Emay Malidom Mas lalong hindi na ako pinansin ni Lj pagkatapos ng confrontation namin. Hindi na rin healthy na manatili pa ako sa kumpanyang ito kung kapalit naman nito ay ang unti-unti kong pagkadurog. "Hi, Emay," nakangiting bati ni Clere. "Andiyan ba si Boss Lj? Para sa'yo pala, coffee and donut," sabay lapag nito sa aking mesa. "Ahm, yeah, she's inside. Pasok ka na lang kung may appointment ka sa kanya," pilit kong nginitian siya. Tumuloy siya sa loob. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas si Clere, kasunod si Lj. "I told you magiging maganda yung outcome ng suggestion ko sa'yo," malambing na wika ni Clere. "I don’t think so, Clere, but let’s see," nakangiting tugon ni Lj. Mamimiss ko ang ngiting ‘yan. This time, I decided to leave this company and never come back again. Plan

