Esther May Malidom (EMAY) "Doc, kumusta na ang anak ko?" narinig kong tanong ng isang babae. Inikot ko ang aking mata. Puno ng aparato ang aking katawan. Bakit lahat ng nakikita ko ay parang mga estranghero? Biglang sumakit ang aking ulo, dahilan para mapasigaw ako. "Aahhhggh!" sabay pikit ng aking mata. "Doc, anong nangyayari sa anak ko?" Tila may kirot sa aking puso habang pinapakinggan ang iyak ng babaeng tumatawag sa akin na "anak." Muli akong dumilat. "Anak, si Mama 'to. Ano, kumusta ang pakiramdam mo?" Nakatingin lang ako sa kanya, pero walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha. Nadudurog ako sa nakikita ko. "Sino po kayo?" Napahinto ito sa paghikbi at tinitigan ako. "Anak, ako 'to… a-ang mama mo," nangangatal ang labi nitong tugon. "Iha, hindi mo ba kami naaalala?" tanong na

