EMAY Nanatili siya sa kanyang kinaluluhuran, hindi natinag sa aking galit. Kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang balikat, ang sakit sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ko maaaring hayaan ang damdamin kong lumambot—hindi ngayon. "Emay, alam kong nagkamali ako, pero… hindi ko kayang mawala ka ulit." Mahina ngunit buo ang kanyang boses. Napapikit ako, pinipigilan ang pag-apaw ng emosyon sa aking dibdib. "Bakit, LJ? Bakit ka bumalik? Hindi ba sapat na ang sakit na ibinigay mo sa akin noon?" Napahawak ako sa aking sentido, umaasang mawala ang bumabalik na mga alaala—mga kirot na pilit kong nilimot. "Alam kong hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Pero hindi na ako aalis, Emay. Hindi na ako magpapadala sa takot, sa mga rason na nagpahina sa akin noon." Napailing ako, tumalikod, pilit na k

