Lj Legson Akala ko maaga akong pumasok ng opisina, pero may mga mas nauna pa pala sa akin. Lahat sila, tila nakatingin lang sa akin, na parang may gustong sabihin. Nakatayo si Mr. Martinez, kasama si Yannah at ilang miyembro ng board. “Good morning, Ms. Legson. Mabuti naman at pumasok ka ngayon. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Lumabas na ang majority vote ng mga empleyado at board members ng RJVCC,” malamig niyang wika habang naglalakad paikot sa akin. “Napagdesisyunan na tanggalin ka na sa kumpanyang ito.” Iniabot niya ang isang sobre. “Narito ang huling bayad namin sa’yo—300,000 pesos,” dagdag niya, sabay ng isang ngisi na punong-puno ng panunuya. Nanatili akong nakatayo, pilit pinipigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Nakita ko ang lungkot sa mukha ng ilan sa mga empley

