Emay Malidom "Emay, pakipirmahan 'to para maideliver na sa kabilang bayan," saad ng nakangiting si Ace. "Ace, puwede naman kay Ma'am Sandra na lang 'yan," ngiti ko ding tugon. "Remember, you're the C.O.O ng company, and stop being too humble. Sapat na 'yung napaniwala mo kaming personal secretary ka ni Ma'am Sandra," nakalabing tugon nito. "Haha, eh totoo naman, personal secretary niya ako dati," natatawa kong sagot. Noong nakapag-ipon ako, binalak kong umalis ng Sandra’s Clothing and Apparel. Pero nag-offer si Ma'am Sandra na sa kanya na lang akong mag-invest at maging co-owner. Pero hindi ako nagpapatrato na may mataas na posisyon dahil gusto ko, normal na usapan at tawagan lang. Tutol man si Ma'am Sandra, pero pumayag din ito. Malaki ang tiwala ni Ma'am Sandra sa akin kaya ayaw k

