Emay Malidom "Bakit ganyan ka makatingin, Nicole?" taas-kilay kong tanong. "Nagtataka lang ako. Bakit parang mainit ang dugo sa'yo ni Ms. LJ?" "Gano'n lang talaga siya, pero mabait 'yun," ngiti ko sa kanya. "Sige, magpahinga na tayo." Humiga na ako sa tabi nito. May tatlong double bed size sa kwarto. Si Chelsia, may kausap ito sa phone habang nakahiga sa kabilang kama. "Sino pa kaya kakwarto natin? Sana dito rin sila Ms. Rich," may kakaibang ngiting saad nito. "Type mo si Ms. Rich?" diretsong tanong ko. "Cute kasi niya," natutuwang sagot nito. "Ang hangin kaya n'un! At saka marami nang napaiyak na babae 'yon, kaya kung ako sa'yo, Nicole, huwag ka nang pumila sa mga sasaktan niya," sambit naman ni Chelsia, na nakikinig pala sa usapan namin. "Oh, ayan, narinig mo na, Nicole ha? Kaya

