Lj Legson "Babe, kailan mo planong sabihin sa mga empleyado mo ang desisyon ng board?" tanong ni Yannah habang binabagtas namin ang daan papuntang Isabela. Saglit akong lumingon sa kanya at muling ibinaling ang paningin sa daan. "Babe, this is not the right time to talk about it," seryoso kong tugon. "Babe, yung secretary mo, mukhang hindi mo matanggal 'yon." "Empleyado 'yun ni Mama, kaya siya ang may karapatan na magsesante. Atsaka, after ng feeding program, hindi na siya muling babalik ng RJv." "Hmm, puwede ba tayong pumunta kay Tita Sandra after ng feeding program?" "Sure, babe. Gusto ka din makilala ni Mama at Akhiro," masaya kong tugon. "Hindi alam ni Mama na naghiwalay tayo, babe, kaya sana huwag mo na lang ikukuwento, please." Nakalabi akong lumingon saglit sa kanya. "Babe, n

