Emay Malidom Halos sumabog ako sa galit dahil sa inasal ni Ma'am Lj kaya napagdesisyunan kong tawagan si Ma'am Sandra. "Ma'am Sandra, I'm sorry, pero hindi ko na talaga kaya ang ugali ni Ma'am LJ," alam kong halata nito ang inis sa aking boses. "Iha, mag-stay ka muna. Isang buwan na lang. Gawin mo yung inuutos ko sa'yo. Gusto kong malaman ang totoong nangyayari inside her company," pakiusap nito sa akin. Wala na akong nagawa kundi pumayag dahil kay Ma'am Sandra pa rin ako nagtatrabaho. Hindi na sana ako papasok ngayon after what happened yesterday, pero no choice. Pagdating ko sa elevator, halos nag-unahan ang mga empleyadong pumasok. Malapit na rin kasi ang start ng office hour. Medyo siksikan sa loob. May katabi akong lalaki sa left side; hindi ko alam kung anong floor siya. Sa ri

