Emay Malidom Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan—dalawang babae, nagtutukaan? Agad akong lumabas sa opisina ni Ma’am LJ. Ramdam ko ang tila may kurot sa aking puso. "Bakit naman ako masasaktan? Sino ba siya?" Napasandal ako sa wall malapit sa pinto nang maisara ko ito, saka ako huminga nang malalim at bahagyang pumikit. Pagdilat ko, lahat ng officemates ko ay nakatingin sa akin na tila nag-aalala. Nagkibit-balikat lang ako at nakangiting umupo sa aking table, malapit sa pintuan ni Ma’am LJ. Itinuloy ko ang mga ine-encode ko. Hindi na rin ako nag-lunch dahil nawalan na ako ng gana, at hindi ko ramdam ang gutom. Kanina pa nakaalis ang jowa ni Ma’am LJ. Napabuntong-hininga ako bago kumatok. "Come in," sagot niya. "Ma’am, remind ko lang yung meeting mo kay Mr. Arthur. Papunta

