Emay Malidom "Maliligo lang ako, bro, para mahimasmasan. Medyo lasing na ata ako," baling ni LJ kay Vhiel. Tumango lang si Vhiel at naupo ito sa tabi ni Nicole. Napansin kong tila inaaral ni Vhiel ang kilos ni Nics. "Okay ka lang? May problema na naman ba?" sabay akbay nito. Napangiti ako, na tila may something sa kanilang dalawa. "Okay lang ako, Ate Vhiel." Napalo ko ang aking noo dahil sa narinig. Sisterly love lang pala 'yung gesture ni Vhiel kay Nicole. "Bakit, Emay? Masakit ulo mo at may pasampal ka pa sa noo," nakatinging saad ni Ms. Vhiel. Natawa at napailing na lang ako dahil sa advance ko mag-isip. "Maligo na kayo. Mamaya magja-jamming tayo; may palaro si Clere. Susunod ako, magbibihis lang din ako," sabay na tumayo si Nicole at Vhiel. Lumapit si Nicole sa akin at hinawak

