EMAY "Hello, Nicole. Napatawag ka?" garalgal ang boses kong bungad mula sa kabilang linya. Pinipilit kong hindi niya mahalata na umiiyak ako. Nicole is a good friend. Simula noong nagkakilala kami sa event ng Trios, naging madalas na ang kumustahan namin sa chats. "Emay, okay ka lang ba?" "Oo naman, Nics, okay lang. May kailangan ka ba?" pagsisinungaling ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I know you're not okay. Sama ka bukas. Pupunta daw sila Ma'am Sandra dito sa Pangasinan, sabi ni Ms. Vhiel, para makapag-unwind ka rin." "Parang nagbago na ang isip ko na sasama," malungkot kong tugon. "Pwede kang magkwento. Makikinig ako. Hindi mo naman kailangang solohin yan. What for na naging magkaibigan tayo," ramdam ko ang concern sa kanyang boses. Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

