Emay Malidom Maaga kaming nag-out sa trabaho at nagpaalam na rin kay Ma'am Sandra. "Masarap luto nila dito," nakangiting wika ni LJ sabay hila nito sa upuan. "Maupo ka." Medyo kinakabahan ako, tila nilalamig, knowing na isa itong date with LJ Legson, ang kauna-unahang babaeng lihim kong nagustuhan. "Are you okay?" bigla nitong hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa mesa, dahilan para magulat ako. Napatawa na lang siya. "Nasobrahan ka na naman sa kape," bulong nito. Mas lalo tuloy siyang gumanda ngayon na ngumingiti na siya. Halata sa kanyang mata ang saya. Pero di ko mag-gets—kaninang umaga, ni hindi siya umiimik nang pauwi na kami. "Ahm, LJ, kaninang umag—" "Sshh, forget what happened this morning. Isipin mo, walang nangyari," nakangiti nitong saad. "Narinig mo ba ang mga sin

