Emay Malidom Nagising ako sa tahol ng mga aso sa paligid. Ang sakit ng braso ko, nangangalay. Bakit parang ang bigat ng katawan ko? Nanlaki ang mata ko ng makitang nakaunan si Lj sa aking braso at nakayakap ito sa akin. Napangisi ako ng maalala ang nangyari kagabi. "Emay, tulog ka na, hindi ka ba magpapatay ng ilaw?" saad nito habang niyuyogyog ako sa balikat. "Hindi na, para makita yung butiki kung may lalabas. Madami kasing butiki dito sa amin," nakapikit kong tugon. Ramdam ko ang paglikot nito sa higaan. "Bangon ka diyan, huwag na tayong matulog. Samahan mo nalang ako sa kotse, doon nalang tayo matulog. May aircon pa doon," kinakabahan nitong tugon. Tumalikod ako sa kanya. "May fan naman dito, okay na yan. Magtiis ka, sumama-sama ka pa kasi," inaantok kong saad. Hindi naman na i

