Lj "Saan ka pupunta niyan? Bakit ang bilis niyo namang magsayaw ni Emay?" Medyo nagulat ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. "Si Akhi, gusto niya katagalang kasayaw," walang emosyon kong tugon. "Sows, nagseselos ka, noh?" pang-aasar nito sa akin. "Should I?" Pinagtaasan ko ito ng kilay. Akmang tatalikuran ko ito nang humawak siya sa aking braso. "Tara doon," sabay turo nito sa upuan na nasa garden. Maaliwalas ang gabi. Mapula ang buwan. "Ang ganda ni Luna," wala sa sariling saad ko habang nakatingala sa buwan. "Gaya mo, maganda," tugon nito. Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin papunta sa mukha nito, nakangiti itong nakatitig sa buwan. "Alam mo, dati may isang taong sobrang mahal na mahal ko. Mga bata pa kami noon. Gustung-gusto naming maglaro kapag maliwanag ang buwan.

