EMAY Natatawa ako sa reaksyon ni Lj matapos sabihin ni Clere na baka magkapatid kami. Napakaseryoso talaga niyang tao. "Eh ayaw mo ‘non? Pag naging magkapatid tayo, araw-araw na tayong magkikita at hindi na mahihirapan sa pagtuturo sa'yo sa mga hindi mo pa alam sa negosyo ni Ma’am Sandra," natatawa kong saad. Umirap ito at nilagok ang alak na laman ng kanyang baso. "Kung magkatotoo man iyon, umpisahan mo nang lumayo sa pamilya ko," sinamaan niya ako ng tingin. Napansin ko ang palihim na pagsulyap at pagngiti ni Clere kay Lj. Minsan gustong-gusto niyang asarin; minsan, para siyang nag-e-enjoy na tinititigan si Lj. "Baka matunaw si Lj niyan," natatawang bungad ni Vhiel sabay hila sa upuan na nasa pagitan ni Lj at Clere. "Andito ka din, bro?" Halata ang pagkagulat sa mukha ni Lj. Magin

