Lj Legson Hindi ako makakain ng maayos dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Nagpapalit-palit ang aking tingin sa dalawang babaeng nasa aming hapag-kainan. Sino sa kanila? Sino ang anak ni Papa sa labas? "Tita Sandra, matutuloy ba ang punta mo sa Canada?" pambabasag ni Clere sa katahimikan. Kumuha ako ng tubig at uminom. "Oo, kaya nga habang wala ako dito, dito muna sa bahay titira si Emay para magkabonding silang magkakapatid," nasamid ako sa sinabi ni Mama, kaya lumabas tuloy yung tubig sa aking ilong. "Okay ka lang?" Agad na lumapit si Emay sa akin na may hawak itong panyo na siyang ipanpunas sa aking mukha. Hinaplos din nito ang likod ko. "‘Yan! Hindi kasi nag-iingat," natatawang saad ni Clere. Inirapan ko na lang ito at pahablot na kinuha ang panyong hawak ni Emay. Base sa sina

