"s**t!"
padabog na ibinaba ni Taru sa mesa ang mga dokumentong hawak niya. Kanina pa sumasakit ang ulo niya mula sa pagbabasa ng mga dokumentong hindi naman niya maintindihan.
"Focus, just focus!" inis na turan niya sa sarili.
Ilan araw na siyang balisa at palaging mainit ang ulo. Ang usap usapan nga sa opisina ay mas naging terror boss pa daw siya nitong mga nagdaang araw.
Crap! Kung nalalaman lang sana ng lahat kung ano ang nangyayari sa kaniya ngayon. Pagod na isinandal niya ang likod sa sandalan ng swivel chair. Nang ipikit niya ang mga mata ay ang magandang mukha ng babaeng nakaniig niya ang lumitaw sa isip niya.
Mandie..
naghatid ng kakaibang init sa dibdib niya ang nakitang ngiti sa mga labi nito. Bigla ay kinakapos ng paghinga na iminulat niya ang mga mata at huminga ng malalim. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito magawang alisin sa isip niya.
Nang magising siya ay wala na ang babae sa hotel room na inookupa nila. Nakaalis na pala ito ng hindi niya namamalayan. Nalito siya noong una at inakalang panaginip lang ang lahat.
Papaano siya makikipagniig kung wala naman kakayahan ang p*********i niya na gawin iyon?
Tatlong taon na ang nakalipas pero sariwang sariwa pa rin sa alaala niya ang nakaraan. Nakipagrelasyon siya sa isang babaeng may asawa na. Hindi naman niya alam iyon noong una dahil ang sabi ni Aika sa kaniya ay single ito. Dahil nga likas na playboy ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataon nang mahalata na may gusto ito sa kaniya.
Dalawang buwan na ang relasyon nila nang matuklasan niya na may asawa at anak na pala ito. Pilit na nakipaghiwalay siya kay Aika pero nagmakaawa ito. Nagmatigas siya pero nagbanta ito na magpapakamatay kapag iniwan niya. Natakot siya kaya hinayaan na lang ang gusto nito. Hinintay niya itong magsawa sa relasyon nila. Hanggang sa matuklasan ng asawa ni Aika ang tungkol sa kanilang dalawa.
Sinundan pala sila ng mister nito sa apartment na naging tagpuan nila. Doon na nagsimulang tumigil sa pag ikot ang mundo niya. Nagbago siya. Dahil sa mismong mga bisig niya namatay ang babae. Magkaniig sila noon ng biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang lalaki. Binalak siya nitong barilin pero prinotektahan siya ni Aika at duguan itong bumulagta sa katawan niya nang tamaan ito ng bala. At sa mismong oras rin na iyon ay nagbaril sa sarili ang mister nito. Hindi marahil nito matanggap na kayang isakripisyo ni Aika ang sariling buhay para sa isang bawal na relasyon.
Isang malagim na bangungot iyon para sa kaniya. Pilit niyang kinalimutan ang nakaraan pero hindi niya magawa. Sa tuwing makikipagniig siya sa isang babae ay paulit ulit na naalala niya ang duguang anyo ni Aika. Nawawalan ng sigla ang katawan niya. Hindi nabubuhay ang p*********i niya. At kahit ilan beses niyang sinubukan noon ay wala kahit sino sa mga babaeng nakilala niya ang pumukaw sa namatay na init ng katawan niya.
Pero si Mandie....hindi lang init ng katawan niya ang ginising nito. Nang makasama niya ito pakiramdam niya ay umikot ng mabilis ang mundo niya. Sa buong magdamag na magkasama sila at magkaniig ay hindi maipaliwanag na kasiyahan ang bumalot sa kaniya.
Pero nasaan na nga ba ito? bakit bigla itong nawala at hindi nagpaalam sa kaniya? nasisiguro niyang hindi isang panaginip ang nangyari sa kanila dahil nang magising siya ay nararamdaman pa rin niya ang epekto ni Mandie sa katawan niya.
Para masiguro ay ginamit niya ang koneksiyon para ipacheck ang CCTV footage ng gabing magkasama sila sa hotel. Tama siya, totoo nga ang lahat. Totoo si Mandie. At ngayon ay nagkakasya na lamang siya sa panonood ng mga footage nila na magkasama sa lobby ng hotel.
Parang wala sa sariling binuksan niya ang laptop at pinindot ang enter key. Iglap lang ay lumitaw sa screen ang video nilang dalawa na magkasama sa hotel. Walang sawang pinagmasdan niya ang dalaga.
Hindi na niya alam kung makakaya pa niyang tiisin ang araw na ibinigay na palugit niya sa isang detective para mahanap si Mandie. Kapag tuluyan nang nasaid ang pasensiya niya ay baka libutin na niya ang buong Pilipinas para lang mahanap ito.
Napakislot pa siya sa pagkagulat nang tumunog ang intercom. Nakakunot noong sinagot niya ang tawag.
"Yes?" aniya sa sekretarya niya. Napadiretso siya ng upo nang ipaalam nito na naroon sa labas ang inupahan niyang detective at gusto siyang makausap. Daig pa niya ang pusang hindi maihi habang inuutusan niya ang sekretarya na papasukin sa opisina niya ang detective.
Inasahan na niya na isa sa mga araw na iyon ay susulpot sa opisina niya ang detective. Sadyang hindi lang siya makapaghintay kaya parang magigiba sa labis na kaba ang didbib niya. Ilan sandali pa at naroon na sa harap niya ang detective.
"Nahanap ko na po siya, Mandie Lyn Guevarra po ang buong pangalan niya at nakatira sa isang squatter's area. Ulila na sa ama at may ina at dalawang nakababatang kapatid na binubuhay. High school gradute at pangangalakal ng bote, dyaryo ang ikinabubuhay nila." imporma ng detective sa kaniya.
Iniabot nito sa kaniya ang isang envelope. Nang buksan niya iyon ay bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang larawan ni Mandie. Isang luma at kupas na bestida ang suot nito habang nakatayo ito sa labas ng isang maliit na kapilya at may kasamang dalawang bata.
Napakunot noo siya. Hindi pala katulad ng inaasahan niya na nagmula rin sa isang mayamang angkan si Mandie na kagaya niya. Hindi naman mahalaga sa kaniya ang estado nito sa buhay. Nakakagulat lamang iyon dahil wala sa kutis at hitsura ng dalaga ang bakas ng hirap na pinagmulan nito.
"May isa pa akong natuklasan tungkol sa pagkatao niya, sir Kentaru."
"Ano iyon?" tanong niya at lumipat ang tingin sa detective. Nang magsimula itong isalaysay sa kaniya ang totoong pagkatao ni Mandie at ang tungkol sa tunay nitong ama ay nadurog ang puso niya.
Ah, my poor baby!
Ano ba ang pwede niyang gawin para matulungan si Mandie?