YOU'LL BE IN MY HEART
Part 2
After 1year and 8 months.
Nagmamadaling bumaba ng hagdanan si Elisse upang habulin ang kanyang Daddy na narinig na niyang nagpapaalam sa kanyang mommy.
Lalo pang nataranta ang dalaga ng abutan niyang pinapaandar na nang kanyang ama ang sasakyan nitong minamaneho.
"Dad, wait! Daddy...!" pasigaw niyang tawag upang marinig siya ng kanyang ama.
Siguro ay narinig naman siya kaya ng malapit na ito sa gate ay napatigil ito.
Natuwa naman si Elisse sa paghinto ng ama kaya mabilis siyang tumakbo palapit sa kanyang Daddy.
"Bakit Elisse!?" tanong ni Luis sa anak.
"Pasabay ako Dad, may bibilhin lang ako sa bookstore." aniya sa ama na tinanguan sya.
"Mom, may bibilhin lang ako. Magtataxi na lamang ako pabalik." paalam niya sa ina habang umiikot siya sa kabilang side ng sasakyan at umupo sa shotgun seat ng kotse.
"Mag iingat ka, Elisse!"
"Luis, magdahandahan ka sa pagdadrive ha." paalala at bilin naman ng kanyang ina na kinawayan pa sila hanggang sa tuluyan ng makalabas ng gate ang minamanehong kotse ng ama.
Pagkahatid sa kanya ng ama sa isang mall na malapit sa kanila ay inulit pa nito ang bilin ng asawa sa anak na ikinangiti niya at sumagot na lang siya ng "Opo Daddy, Ikaw rin ha! Bye Dad, see you later." at naglakad na siya patungo sa bookstore na madalas niyang puntahan.
Nagtitingin tingin siya ng mga ilang maari niyang basahin ng hindi niya sinasadya na makabangga siya ng tao.
Dahil sa pareho silang hindi nakatingin ay napasubsob siya sa dibdib nito na ikinahawak naman ng lalaki sa magkabilaan niyang braso.
"A-ay naku po s-sorry mister hindi ko sinsadya." hinging paumanhin niya.
"Okay lang! Ako rin sorry miss, paumanhin hindi rin kase ako nakatingin." turan naman ng lalaki sa kanya.
"It's okay kasalanan ko pa rin." aniya sa lalaki na parang naiilang siya. Bigla kaseng bumilis ang pag t***k ng kanyang puso na gustong kumawala ata sa kanyang dibdib sa sobrang lakas.
Naitapat pa niya ang isang kamay sa kanyang dibdib dahil sa kakaibang pagkabog ng puso nya.
Napakunot noo ang lalaki sa naging kilos niya.
"Are you okay miss?" tanong nito sa kanya.
"Ah oo, okay lang ako. Sige ha!" sagot niya.
Tumalikod na siya at nagtungo sa cashier upang bayaran ang mga pinamili niya. At binalewala na lang niya ang naramdaman kanina.
Naglakad siya at pumasok sa convenience store sa loob ng mall at bumili siya ng bottled water at naupo muna sa isang bench na malapit lang din roon.
Nagpalipas pa siya ng ilang oras sa loob ng mall.
At nang mapadaan siya sa isang coffee shop ay namataan niya ang lalaking nakabanggaan niya kanina na nasa loob noon at tutok ang paningin sa cellphone nito.
Nakikita niya ang lalaki dahil wala naman harang ang coffee shop. Lalagpasan na sana niya ang lalaki pero tila ba may nag uudyok sa kanya na lapitan ito at magpakilala siya.
Pumasok siya sa loob ng coffee shop at nag order at habang naghihintay ng order niya ay hindi niya inaalis ang tingin niya sa lalaking busy sa pag seselpon. Nang makuha na nya ang order niya gawa ng self service ito ay binitbit niya ang tray na may lamang coffee at sandwich.
"Hi! Pwede makiupo? Mukha namang wala kang kasama pero kung may hinihintay ka sa iba na lang ako makikiupo." ani ni Elisse na binalingan ng tingin ng lalaki nang marinig siya nito.
Ayun na naman ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. "Weird!" anas niya sa sarili na siya lang din ang makakarinig.
Hindi man lang siya sinagot ng lalaki kaya akmang tatalikod na siya ng magsalita ito.
"I wont mind miss kung gusto mong makiupo."
saad ng lalaki sa kanya na muli niyang ikinaharap rito at pasimple siyang ngumiti sabay tango at iayos na ang dala niya at umupo na sa tapat ng lalaki.
"Thank you mister. Im Elisse nga pala ako yung babae kanina sa book store yung nakabanggaan mo." pakilala at pagpapaalala niya pa sa kaharap.
"Natatandaan kita miss. Im Patrick, Patrick Ricaforte. Mauna na ko sa iyo ms. Elisse. Nice meeting you!" seryosong ani pa ng lalaki na tumayo na ito at iniwan na siya sa pwesto nila.
"Ah okay!" tanging nasambit niya.
"Ang aloof naman niya." nasabi niya sa isipan.
"Pero bakit sobrang bilis ng pagkalabog ng puso ko kapag kaharap ko sya, Iba talaga eh! Ay sigurado naman akong hindi ko siya kilala." pagkausap pa niyang muli sa kanyang sarili at minadali na ang pag ubos ng kape at sandwich.
Magmula ng araw na yun ay hindi na nawala sa panaginip niya si Patrick.
Ilang gabi ng paulit ulit sa panaginip niya ang imahe ng lalaki at may kasama itong babae pero blurb ang mukha kaya hindi niya masabi kung siya nga ba ang babaeng iyon o hindi.
Isang araw na sumama siya sa Animal Clinic ng kanyang ama ay hindi nya inaasahan na makikitang muli si Patrick lalo na at sa clinic pa ng ama nya.
Nagulat si Patrick ng masulyapan niya si Elisse na kakapasok lang sa pinto kasunod ang vet doctor na palagi niyang pinagdadalhan sa alaga niyang aso kapag may dinaramdam.
Ang asong chihuahua na niregalo niya kay Lynette noong nag second year anniversary sila bilang magkasintahan na naging baby babyhan nila ni Lynette.
"Patrick, may problema na naman ba si Cody?"
bati ni Luis sa kanya.
"Ah yes doc, matamlay siya ilang araw na. Kaya dinala ko na rito Doc." sagot ni Patrick na hinimas himas pa ang chihuahua na karga karga nito.
"Baka kase nangangailangan na nang kapartner si Cody mo, Patrick." biro ng Dad niya sa lalaki na nagpabaling ng sulyap ni Patrick kay Elisse.
Saktong nagtama ang kanilang mga mata na ikinabitaw din agad ni Elisse dahil sa bigla siyang na concious.
Napansin naman ni Luis ang pagtingin ni Patrick sa anak niya, na lihim na ikinangiti ng ama ni Elisse.
"Patrick, si Elisse nga pala. Ang anak kong panganay." saad pang muli ni Doc Luis.
"Nagkakilala na po kami Doc, pero hindi ko alam na mag ama pala kayo." pahayag ni Patrick na sinegundahan ni Elisse.
"Nakilala ko siya Dad sa mall. Sa book store kami unang nagkita." paliwanag naman ni Elisse sa ama na napapangiti lang.
"Ang cute naman ng aso mo Patrick, Hello Cody! Im Elisse. Dad, parang gusto ko rin pong mag alaga ng chihuahua." saad ni Elisse na walang pakialam na naglambing sa ama.
"Pwede naman na. Bakit hindi ka bumili ng aso mo?" natatawa pang ani ng ama.
Awang ang bibig ni Elisse sa sinabi ng ama.
Inirapan na lamang niya ang kanyang daddy at di na nagsalita pa.
Sa lahat ng eksenang iyon ay nakamata lamang si Patrick sa mag ama. And he finds that Elisse is cute.
"Dad, lalabas na muna ako ha! Maglalakad lakad lang." paalam niya sa ama dahil piling niya hindi siya komportable na nasa paligid lang si Patrick. Dahil iba na naman ang nararamdaman ng puso niya.
Tahimik naman si Patrick na napatingin kay Elisse. Napakunot noo pa siya ng parang pakiramdam niya ay umiiwas ito sa kanya.
Natapos ang pag check up kay Cody na niresetahan lang ng pampagana kumain at inulit ni doc Luis ang suhestiyon sa kanya na bigyan ng kapartner si Cody na isang chihuahuang babae.
Nagdadrive si Patrick pabalik na sa bahay niya. Ang bahay na sana ay magiging bahay nila ni Lynette kung hindi lang ito namatay noon.
Patapos na noon ang bahay na ipinagawa niya para sa nobya. Na plano niyang i pang surprise kay Lynette pero hindi na naihadya na matupad ang pangarap na iyon ni Patrick para sa kanilang dalawa.
Mabagal siyang nagmamaneho ng mapansin niya ang dalawang lalaki na may hinaharangan na isang babae. Kahit na nakatalikod ang babae sa kanya ay nakilala niyang si Elisse iyon dahil sa suot nitong damit.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya sa tapat nila Elisse at agad siyang bumaba ng kotse upang tulungan si Elisse sa mga lalaking nambabastos ata sa dalaga.
"Hoy anong ginagawa ninyo ha!?" paninita ni Patrick sa mga lalaking humarang kay Elisse.
"Uy, maynagpapaka knight in shining armour dito ah! Wag kang makialam dito!. Nagpapakilala lang kami kay miss beautiful." saad ng isa sa mga lalaki.
"P- patrick." sambit ni Elisse sa pangalan niya.
"Lalayuan niyo ang girlfriend ko o tatawag pa ako ng police!?" pananakot ni Patrick sa dalawang lalaki na ikinatapik ng isang lalaki sa kasama.
"Tara na pare, boyfriend pala eh! baka tumawag nga ng pulis yan." ani ng isa na mabilis ng naglakad palayo sa kanila na ikinahabol ng kasama nito at naiwan na silang dalawa.
"Salamat Patrick." ani ni Elisse.
"Halika na ibabalik na kita sa clinic ng Daddy mo at baka balikan ka pa ng dalawang yon." saad ni Patrick.
Sumakay na ng kotse si Patrick na kasunod na rin si Elisse.
Mauupo sana si Elisse sa harapan kaso naka pwesto pala ang aso nitong si Cody roon. Kaya sa back seat na lang siya pumwesto ng upo.
Tahimik lang si Elisse na nakaupo sa likod ni Patrick iba talaga ang bilis ng pintig ng puso niya pagkaharap o nasa paligid ang lalaki.
Nag ring ang phone ni Patrick na sinagot naman nito agad.
"Ma!?" pagsagot ni Patrick sa caller.
( Where are you son? Nandito ako sa labas ng bahay mo. Walang tao, wala ata ang katulong mo. Sabado ngayon kaya alam kong wala ka sa work.) ani ni May Ann sa anak.
" Wala si Juliet. Ma, may family outing daw ang pamilya niya at gusto niyang sumama kaya pinayagan ko na. Sa lunes pa ng umaga ang balik niya. Dinala ko naman si Cody sa clinic dahil matamlay na naman." aniya sa ina.
( So, paano yan ngayon!?, maghihintay ako rito sa gate ng bahay mo ang init init pa man din dito sa kinatatayuan ko. Nagpahatid lang ako kay Omar dahil kasama niya si Lucing na mamalengke. Bumalik ka na at ayokong maghintay ng matagal dito sa labas ng gate mo son. ) angal ni May Ann sa anak.
"Sana kase Ma, bago ka nagpahatid sa bahay ko tumawag ka na muna." Angal naman niya sa ina.
( Pabalik ka naman na ata bilisan mo na lang iho! maghihintay ako rito. Bye.) saad na lang ni May Ann sa anak.
Humugot ng malalim na paghinga si Patrick at kinausap si Elisse. "Okay lang ba na ihatid na muna natin si Cody sa bahay ko? Naghihintay si Mom sa akin sa labas ng gate, walang magbubukas para sa kanya." pakiusap ni Patrick kay Elisse.
" O-Okay lang sa akin Patrick, hindi naman ako nagmamadaling makabalik sa clinic ni Dad, kaya okay lang talaga. No problem, may tiwala naman ako sayo." sagot ni Elisse na malawak na ikinangiti ni Patrick.
Tumango pa si Patrick at tahimik na silang muli sa loob ng kotse. Na coconcious naman si Elisse sa tuwing mahuhuli niya si Patrick na nakatingin sa kanya sa salamin kaya iniwasan niya ang mapatingin sa harapan ng sasakyan, hanggang sa makarating sila sa isang subdivision at malayo pa lang tanaw na niya ang isang babae na halos kaedaran lang din ng mga magulang nya.
"Finally dumating ka na rin Patrick! Grabe ang init dito sa labas." Salubong na wika ni May Ann sa anak.
Lumabas si Patrick sa kotse at binuksan ang gate ng bahay. "Ma, pumasok ka na. Kukunin ko lang si Cody sa sasakyan." utos niya sa ina.
"Hindi mo ba ipapasok ang kotse mo?"
Kinuha ni Patrick ang aso at iniabot sa ina na giliw na giliw naman kay Cody.
Ngunit si Cody ay nagpupumiglas at nagtatahol na ikinapagtaka nila dahil hindi naman ganoon si Cody dati.
Nabitiwan ni May Ann ang aso at nakalusot kay Patrick na tuluyang nakapasok sa loob ng kotse at dumiretso kay Elisse na dinilaan ng dinilaan ang dalaga sa mukha.
Pinasok ni Patrick ang kalahati ng katawan sa loob ng kotse at nakita niya ang ginawa ni Cody kay Elisse na madalas din gawin nito kay Lynette noon.
Natigilan pa si Patrick ng masulyapan ng mga mata niya ang nakapikit na dalaga na halatang nakikiliti sa ginagawa ni Cody.
Hindi namalayan ni Patrick na nabuksan na nang ina niya ang pinto ng backseat at nakita ang babae na nasa loob ng sasakyan ni Patrick.
"Hindi ko alam na nagtatago ka na pala nang babae ngayon sa kotse mo, Patrick." aning wika ng ina nya na nakataas ang isang kilay.
"Ma, wala kaming relasyon okay! Anak siya ng Doctor ni Cody. Ihahatid ko na sana siya sa clinic ng Dad niya ng tumawag ka, kaya naisama ko sya rito." paliwanag nya agad sa ina.
Alam niyang gumagana na naman ang isipan ng mommy niya ngayon. Magmula kase nang mag death anniversary si Lynette ay madalas na siyang kulitin ng ina na makipagdate ng muli.
Maraming beses na siyang inireto ng ina sa mga anak ng kaibigan nito. Kaya ngayon nakita nang ina niya na may kasama siyang babae ay panigurado siyang ipagtutulakan siya nito sa dalaga.
"Hi iha! Im May Ann Ricaforte ang magandang mommy ni Patrick. Ang ganda mo naman iha anong pangalan mo?" pagpapakilala ng mommy ni Patrick kay Elisse.
"Hi din po Mrs. Ricaforte! Elisse po, Elisse de Guzman po. Thank you po maam, kayo din po ang ganda." nakangiting saad ni Elisse na kalong kalong si Cody.
"Patrick, bakit hindi mo muna papasukin si Elisse sa bahay mo. Look at Cody he really like Elisse. Iha, iniinvite kitang pumasok sa bahay ni Patrick. Pagbibigyan mo naman ako di ba?" wika ni May Ann.
Nailing si Patrick sa itinuran ng kanyang Mama. Wala din siyang nagawa ng imbitahan na nito si Elisse na papasukin sa bahay niya.
"Sige po Mrs. Ricaforte." pagpapaunlak ni Elisse.
"Tara na iha! Patrick lets go!" aya na ni May Ann sa dalawa na pumasok.
"Ma, ipapaalala ko lang bahay ko to ha!" ani ni Patrick sa ina.
"So!?" sagot sa kanya nito.
Lihim naman na natawa si Elisse.
Tumuloy sa kusina si Patrick pagkabukas niya ng entrance door. Hinayaan niya na ang ina na muna ang mag entertain kay Elisse. Maraming idinaldal si May Ann tungkol sa anak na si Patrick habang itinutour siya nito sa buong bahay at marami ring tanong ito sa kanya. Lalo na sa usapang pang puso tulad ng kung may karelasyon ba siya ngayon kung nagkanobyo na at kung okay lang ba raw sa kanya na may edad sa kanya ang lalaki.
Nasabi rin ni Mrs. Ricaforte na single pa rin si Patrick sa edad na twenty nine at wala na ring naging girlfriend ito mula ng mamatay ang kasintahan nito na magdadalawang taon na.
Natigil sila sa paglalakad ng makita nila ang malaking Photo frame na nakasabit sa wall.
"Ate Lynette!?" sambit ni Elisse sa pangalan ng nakalarawan sa frame.
"Kilala mo si Lynette? Ang girlfriend ni Patrick na namatay?" bulalas na tanong ni May Ann sa kanya.
"Yes po, pinsan ko po siya at siya rin po ang naging heart donor ko. Mrs Ricaforte." sagot niya sa ginang na umawang ang bibig nito sa sinabi niya.
"Kaya ba? kaya ba ganoon na lamang ang pag t***k ng puso ko kapag nasa tabi ko si Patrick!?"
Tanong ni Elisse sa kanyang isipan.