YBIMH FINALE

3560 Words
"A-anong sabi mo Elisse!? Ang puso ni Lynette ay nasa sa'yo! Pinsan mo ang namatay na kasintahan ng anak ko!?" hindi lubos mapaniwalaan ni May Ann ang nalaman mula sa kanya. "O-Opo, anak po si ate Lynette ni tita Myrna, na kapatid po ng Daddy ko, kaya po magpinsang buo po kami." bigay impormasyon pa ni Elisse. Pag i explain pa niya sa ginang na halata ang pagkagulat nito. Na kahit siya naman ay nabigla rin sa nalamang nobyo pala ng pinsan niyang si Lynette ang anak ng ginang na si Patrick. Nalaman niyang si Lynette ang naging heart donor niya dahil ng maging stable na ang kalusugan niya after ng heart transplant operation niya ay ipinabatid na sa kanya ng mga magulang kung sino ang nagdonate ng puso para sa kanya. Doon lang din niya nalaman na mahigit isang buwan na rin palang nailibing ang kanyang pinsan. Ikinuwento ng ama niya sa kanya ang nangyare kay Lynette. Ang naging dahilan ng pagkawala ng buhay ng pamangkin ng mommy niya. Nalulungkot at nanlulumo man siya sa pagkawala ng ate Lynette niya ay wala na rin naman siyang magagawa pa kundi ang ipagdasal ang kaluluwa nito at pasalamatan na rin dahil sa mabuting kalooban ng pinsan. "W- what did you say Elisse? Naging heart donor mo si Lynette!? Totoo ba yang sinasabi mo!?" tanong sa kanya ni Patrick na parang hindi rin makapaniwala sa kanyang inihayag. "P- Patrick, y-yun ang sinabi sa akin nila Dad at Mommy. Si tito Rolando raw ang nagsuggest sa mga doctor na sa akin na lang daw ibigay ang puso ni ate Lynette dahil sa malubha na rin ang lagay ko noon at kailangan na talagang mapalitan ang puso ko. Tanging heart transplant na lang kase ang makakasalba sa akin that time para mabuhay pa. Kaya nagdesisyon si Tito Rolando na sa akin na lamang ibigay ang puso ni ate Lynette. W-wala ka bang alam? H-hindi mo ba alam ang bagay na yon?" nakayuko nang pahayag ni Elisse na pakiramdam niya ay galit si Patrick sa kanya o sa nalaman nito. "H-Hndi nila sinabi sa akin ang tungkol sa pagdodonate ng organ ni Lynette." seryoso niyang saad pero ramdam ni Elisse ang tensyon. "Patrick, anak nila si Lynette at nobyo ka pa lang din naman. May karapatan sila kay Lynette." paliwanag ng ina at pagpapaalala. "Sana man lang Ma, ipinaalam nila sa akin ang tungkol sa bagay na yun," may bahid pagtatampo sa boses ng binata. At napansin ni Elisse ang pag igting ng panga ni Patrick. Mabilis na umalis si Patrick sa harapan nila May Ann at Elisse na nagkatinginan sa isat isa. Hahabulin pa sana ni Elisse si Patrick pero pinigilan siya ng mommy ng binata. Napatingin siya sa ginang at inilingan siya ng ulo nito. Na waring nagsasabi na hayaan niya na muna ang anak nito. Narinig nila ang pag andar ng makina ng kotse at pag alis ni Patrick. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni May Ann na narinig ni Elisse mula kay Mrs. Ricaforte. "Mrs. Ricaforte, aalis na po ako! Mag taxi na lamang po ako pauwi. Pasensya na po sa mga nangyare hindi ko po talaga alam na si Patrick po ay nobyo pala ni ate Lynette." "O Siya iha, wag mo masyado pakaisipin yon at baka makasama pa sa iyo! Magpapatawag na lang ako ng taxi sa guard sa labas nitong subdivision. Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Medyo naguguluhan lang yon ngayon!" saad ni Mrs. Ricaforte. Tumango si Elisse at bumigkas ng pasasalamat sa kaharap. " Salamat po maam! " mahigpit na hinawakan at pinisil naman ni Mrs.Ricaforte ang kanyang kamay. Samantala, sa byahe pa lamang ay panay na ang hampas ni Patrick sa manibela ng kanyang sasakyan. Masama ang loob niya dahil sa pakiramdam niya ay hindi man lang pinahalagahan ng parents ni Lynette ang relasyon niya sa anak ng mga ito. Pupunta siya sa bahay ng mga Suarez. Gusto niyang kumpirmahin kung totoo ba ang nalaman niya kay Elisse. Bigla siyang naguluhan ngayon sa nararamdaman dahil sa kanyang nabatid. Ang totoo ay una pa lamang niyang nakita si Elisse ay nagustuhan na niya ang dalaga. Pero hindi niya pinagtuunan ng pansin ang bagay na yon dahil hindi pa siya handang magmahal muli. Ilang beses din niyang naalala ang una nilang pagkikita mula ng mangyare ang pagkakabunggo ng dalaga sa kanya na para siyang nakuryente ng mga oras na yon. At nang lapitan naman siya nito sa may coffee shop ay para siyang nagbibinata na sinusundan ng may crush sa kanya ang pakiramdam nya noon. Na ikinasilay ng ngiti sa kanyang mga labi na hindi niya nagawang ipakita sa dalaga ang kilig na kanyang naramdaman. Dahil sa pinipigilan niya ang maattract sa ibang babae. Kaya kanina sa clinic ng ama nito nang muli niyang makita ang dalaga ay napatalon ang puso niya. Humanga pa siya kay Elisse dahil sa pagiging malapit nito sa ama. Nakaramdam siya nang konting kirot ng maramdaman naman niyang iniiwasan siya nito. Pero desidido na rin siyang makipaglapit na sana sa dalaga at nag iisip na rin siya nang plano kung papaano siya makikipaglapit kay Elisse ng hindi maiilang ito sa kanya. Kaya nga ng magkaroon si Patrick ng chance ay ginrab na niya. Hindi lang niya talaga iniexpect ang narinig niya mula kay Elisse na ngayon ay bigla na lamang nagpasakit ng kanyang ulo at Nagpapagulo sa kanyang isipan. Nagustuhan ba niya si Elisse dahil na sa kanya ang puso ni Lynette o nagustuhan niya ito dahil sa katangian mismo ng dalaga? Nasa tapat na si Patrick ng bahay ng mga magulang ni Lynette. Nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy pa ba niya ang pagkausap sa mag asawa na noon ay hindi na iba pa sa kanya. Na itinuring na din niyang mga magulang nung nabubuhay pa ang nobya at nirerespeto. Palabas naman ng bahay si Rolando noon ng mamataan niya ang kotse ni Patrick sa tapat ng bahay nila. Naglakad palapit si Rolando kay Patrick na nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot na cargo short pants nito. "Gusto mong makipag usap? Sa loob tayo ng bahay!" maawtoridad na sabi ni Rolando kay Patrick. Hindi na hinintay pang sumagot si Patrick at tinalikuran na siya ng ama ni Lynette na diretso lang na naglakad pabalik sa bahay. Lumabas si Patrick ng kotse at sumunod kay Rolando sa loob ng bahay ng mga ito. "Hon, narito si Patrick. Ipaglabas mo kami ng baso at yelo." Utos ni Rolando sa asawa habang namimili sa mga alak na nakadisplay sa bar counter. "Good morning po, tita Myrna." bati ni Patrick sa ina ni Lynette ng mula sa isang silid ay lumabas ang ginang. "Nadalaw ka Patrick, maupo ka. Saglit at papasok na muna ako sa kusina ha." nagagalak na bati naman sa kanya ng ina ni Lynette. "Maupo ka, Patrick. Anong gusto mong pag usapan natin? Matagal kang hindi nagpakita sa amin at nagparamdam. Bakit ngayon ay narito ka at gustong makipag usap!?" diretsahang tanong kay Patrick ng makalapit na si Rolando at naupo sa pang isahang sofa. Naupo naman sa mahabang upuan si Patrick. "Totoo po ba Tito Rolando, na ang puso ni Lynette ay na kay Elisse na ngayon?" Saglit na natahimik si Rolando pero sinagot din ang tanong niya. "Kanino mo nalaman ang bagay na yan?" seryosong tanong na muna ni Rolando sa kanya. "Kay Elisse po Tito Rolando, magkakilala kami at kanina lang ay nasabi niyang mag pinsan sila ni Lynette at ito ang naging heart donor niya. Totoo po ba tito?" saad na tanong pa ni Patrick. "Totoo at hindi lang ang puso ng anak ko ang idinonate niya pati ang kanyang mga mata, Patrick. Ang pagiging organ donor ni Lynette ay may consent niya. May Organ donor Card din siya katulad ko. Alam kong masakit para sayo. Ganoon din naman sa aming mga magulang niya pero yun ang gusto ni Lynette at nirerespeto namin ang desisyon niya. Sana ay ganoon ka rin. Magdadalawang taon ng wala si Lynette, Patrick. Natanggap na naming mag asawa ang bagay na yon. Kaya dapat ay tanggapin mo na rin na kailanman hindi na tayo mababalikan pa ng anak naming si Lynette." seryoso mang wika ni Rolando ay mahihimigan pa rin ng kalungkutan ang ama ng nobya. "Maiintindihan ka ni Lynette kung magmamahal kang muli. Deserve mong makahanap ng taong makakasama mo sa habang buhay mo, sa pagtanda mo. Huwag mong sayangin ang buhay mo Patrick. Enjoy your life and palayain mo na ang sarili mo sa pagluluksa sa pagkamatay ng anak ko. Sapat na ang almost two years." tinapik pa ni Rolando sa balikat si Patrick. Parehong natahimik sina Rolando at Patrick. Hindi sila nagkikibuan ng ilang minuto na tanging silang dalawa lang sa sala. Hinayaan lang ni Rolando na makapag isip si Patrick. Ramdam niyang kaya nang magmove on ng binata pero nagpipigil pa ito at ayaw pa ring bitiwan ang ala ala ng kanyang anak. " Si Sofia Alcantara po ba ang nakatanggap ng mga mata ni Lynette? " basag sa katahimikan na tanong ni Patrick. Na nagbuntong hininga pa nga. " Siya nga, Patrick. " sagot ni Myrna sa tanong na iyon ng binata. Na inilapag na ang baso at yelo na dala ng makalapit na sa kanila. " Paano mo naman nakilala si Sofia? " usisa ni Rolando sa kanya at iniabot ang baso na may lamang alak at yelo na. " Dalawang beses kaming nag pang abot na dumalaw sa puntod ni Lynette, Tito Rolando. Nagpakilala siya sa akin pero hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa pagiging donor organ ni Lynette sa kanya. " pahayag niya at napatango tango si Rolando. Sabay tungga ng alak na inisang lagok lamang nito. " Si Elisse, narinig kong binanggit mo siya kanina. Matagal na ba kayong magkakilala ng pamangkin ko? " tanong naman ni Myrna. " Mag iisang buwan pa lamang ng magkakilala kami. Hindi ko rin po inasahan na anak siya ni Doctor de Guzman ang doctor na gumagamot kay Cody. Na ang sabi ni Elisse ay kapatid niyo raw po Tita Myrna. " pahayag niya sa magulang ni Lynette. " Ah! Oo kuya ko nga ang ama ni Elisse si Kuya Luis. Kumusta na nga pala si Cody? Namimiss na namin ang makulit na chihuahua na yon. Minsan ay dalhin mo naman rito si Cody. " ani ni Myrna sa kanya na maaliwalas ang mukha. " Kumusta na nga po pala ang kaso ni Lynette tito Rolando? " tanong pa niya. " Naiganti ko na ang ginawa nila sa anak ko. Hindi naman kami papayag ng kuya niya na matakasan ng mga walang kwentang nilalang na yon ang ginawa nila sa bunso namin. Inuuod na ang mga katawan ng mga hinayupak na naglakas loob na ambushin ang anak ko. kaya nakakatulog na rin ako ng maayos, Patrick! " proud sa sariling wika nito sa kanya. Tumingin ito sa asawang si Myrna na hinawakan ang isang kamay at ipinaupo sa kanyang tabi. " Salamat po tito, tita. Maluwag po ang aking dibdib na lalabas ng bahay ninyo dahil sa magandang balita na aking narinig. Naunawaan ko na rin po ang ginawa nyo. Paumanhin po kung nakaramdam ako ng tampo noon sa inyo tito Rolando patawad po! " ani ni Patrick na tumayo pa sa harapan ng mag asawa at iniyukod ang ulo. " Naiintindihan ko, namin ng tita Myrna mo. Patrick! Pare pareho tayong naiwan ni Lynette at nasaktan sa nangyare. Alam namin kung gaano mo kamahal ang bunso namin kaya hindi ka namin masisi kung bakit ganoon ang naging reaksyon mo noon. Ayos lang, ang importante nagkaunawaan na tayong lahat. " saad naman ni Rolando. Nang araw din na yon ay muling dinalaw ni Patrick ang libingan ni Lynette. Kinausap ang puntod ng babaeng minahal ng lubos. Nagpaalam siya kay Lynette na aalis na muna at hahanapin ang sarili. Sisikapin na makapag move on ng talaga sa pagkawala ng nobya sa kanyang buhay at susubukan na buksan muli ang puso para sa iba. Kinabukasan ay umalis nga si Patrick at sinimulan ang pag so soul searching. Umalis siya na hindi na nakapagpaalam pa sa ina. Pinalipas ni Patrick ang ilang buwan bago niya napagdesisyunan na bumalik na. Ninais niyang hanapin na muna ang sarili after niyang makausap ang parents ni Lynette. Nilibang niya ang sarili sa pag ha hiking at pag to tour sa iba't ibang lugar sa pilipinas. Sinubukan din niyang makakilala ng mga girls sa bawat lugar na mapuntahan niya pero bigo siyang mawala sa isipan niya si Elisse. Hanggang sa kumbinsido na siyang gusto niya talaga ang dalaga. Samantalang si Elisse ay umaasa na makikita at makakausap niyang muli si Patrick. Pagkatapos ng nangyare sa bahay nito at malaman na si Lynette ang heart donor niya ay di na niya nakita pang muli si Patrick. At sa bawat araw at buwan na lumilipas ay namimiss niya ang lalaki. Akala niya nung una gusto niya si Patrick dahil sa ito ang nilalaman ng puso ni Lynette. Pero alam niyang sa isip niya si Patrick ang ideal man para sa kanya. Gusto niya ang binata at hindi niya maitatanggi na malakas ang atraksyon ni Patrick sa kanya kahit na saglit lang niya nakasama at nakausap ang binata. Araw ng sabado nasa Laundry shop si Elisse at siya ang nagbantay sa shop dahil busy ang kanyang mommy kaya pinakiusapan siya nito. Wala naman siyang trabaho kapag araw ng weekends at wala rin siyang lakad. Kaya pumayag na rin siya. " Ate.. Ate Elisse, may naghahanap sayo! " malakas na pagtawag ni Aldrin sa kanya at sa pagpasok nito sa Laundry shop ay sinalubong niya ng masamang tingin ang kapatid dahil sa pag iingay nito. " Sino naman ang maghahanap sa akin? " pa asik niyang tanong sa kapatid dahil iniisip niyang pinagloloko na naman siya nito. Madalas kase mang prank si Aldrin sa kanila ng mommy at Daddy nila. Natatawa naman ang kapatid niyang si Aldrin sa kanya dahil very obvious na hindi siya naniniwala talaga sa sinabi nito. " Ayaw mong maniwala ha! Pumasok ka na, ayaw maniwala ng ate kong hinahanap mo siya eh! " Sambit na utos ni Aldrin sa kasama nito na nasa labas pa. " Hi! " nakangiting bati ni patrick kay Elisse na may bitbit na boquet of flowers pa na iniabot sa kanya pagkapasok nito sa shop nila. " P-Patrick, i-ikaw? H-hinahanap mo ko, bakit? And this, wow may pa flowers pa ha! di ka na sana nag abala pa. " nauutal na wika ng dalaga nang makita niya ang binata sa kanyang harapan na malawak ang pagkakangiti na lalong ikinagwapo nito sa paningin nya. " Elisse, pwede ba akong manligaw.? " walang patorpe torpeng saad ni Patrick. Na ikanagulat ng dalaga. " H-ha? " patanong niyang sagot dahil sa kabiglaanan. " Ate Elisse, tinatanong niya kung pwede ka raw ligawan? Pumayag ka na ng magka lovelife ka na! " singit sa usapan ni Aldrin na sinamaan na naman niya ng tingin. " Bumalik ka na nga sa bahay, panggulo ka sa usapan namin dito eh noh! Hilig mo talaga makisabat sa may usapan kahit na nga di ka kasali sa pinag uusapan. " aniya sa kapatid na tinawanan lang sya. " Uuwi na nga lang ako para walang istorbo sa inyo. Ikaw, galingan mo pangliligaw sa ate ko ha ng hindi ka maidagdag sa mga nabasted niya. " pahabol pang wika ni Aldrin sa kanila. " Isusumbong kita kina Dad at Mom para ma grounded ka! " pasigaw niyang sabi sa kapatid. " Ang cute ninyong magkapatid mag asaran. " seryosong sabi ni Patrick. Nag init naman ang mga pisngi ni Elisse. At muling kumabog ang puso niya. Hindi na niya napigilan na hawakan ang kaliwa niyang dibdib dahil pakiramdam niya gustong lumabas nito sa kanyang ribcages na napansin ni Patrick. " Bakit Elisse, may problema ba? " dahil sa pag alala ay nahawakan niya si Elisse sa braso. " Ang bilis ng heart beat ng puso ko! Pero nang hawakan mo ko ay biglang kumalma." pag amin niya. At inabot ang papercup at kumuha ng tubig sa water dispenser at nilagok ang tubig. " Elisse, okay ka na? " tanong ni Patrick ng makita niyang nakainom na ng tubig ang dalaga. Tumango si Elisse. " Thanks nga pala sa flowers. Pasensya na nakalimutan ko magpasalamat agad. " ani ya sa binata. " Elisse, i like you! Mali, hindi lang 'to basta like palagay ko mahal na kita. " pag amin na ni Patrick sa tunay na nararamdaman sa dalaga. " Baka naman sinasabi mo lang yan kase alam mong nasa akin ang puso ni ate Lynette? " ang sabi niya kay Patrick na may agam agam sa feelings ng lalaki para sa kanya. " Nang una kitang makita sa bookstore nakuha mo na ang atensyon ko, Sa coffee shop nakaramdam ako ng kilig ng lapitan mo ako at makipagkilala ka sa akin. Magmula noon hindi ka na nawala sa isipan ko. Nang makita kitang muli sa clinic ng Dad mo gusto ko ng makipaglapit sayo pero piling ko iniiwasan mo ko, kaya ng magkaroon ako ng chance para makilala pa sana kita ay saka ko naman nalaman na nasayo ang puso ni Lynette. " litanya ni Patrick. " Lumayo ako after kong malaman ang lahat. Gusto kong hanapin ang sarili ko. Sinubukan kong tumingin sa ibang babae pero ang ending ikaw ang hinahanap hanap ko ng puso ko. Now, tell me Elisse paano mo masasabi na dahil sa puso ni Lynette kaya kita nagustuhan kung sa una pa lang ay gusto na kita bago ko pa nalaman na nasa iyo ang puso niya! " seryosong pag co confess pa ng binata kay Elisse. " G-gusto mo rin ako? Mahal mo rin ako? Nakapag move on ka na talaga kay ate Lynette, Totoo ba talaga!? " sunod sunod na tanong ni Elisse na hindi pa ata makapaniwala sa mga salitang lumabas sa mismong bibig ni Patrick. " You love me too? Totoo, Elisse!? " paniniguradong tanong pa ni Patrick. Dahil nag echo sa kanya ang sinabi ni Elisse na " Mahal mo rin ako? " dahil baka nag a a assume lang pala siya. " Oo, sa bookstore pa lang naging crush na kita. Hindi dahil sa kilala ka na ng puso ko. Gusto talaga kita Patrick. Hindi ka na mahihirapan pang suyuin ako kase you'll be in my heart na noon pa man. " nangingiting saad ni Elisse. " Thanks Elisse. Thank you for coming into my life. And about Lynette, like tito Rolando said wala na si Lynette. Minahal ko siya ng lubos pero kailangan kong pakawalan ang ala ala namin para makapag move on ako upang maging malaya na rin akong magmahal ng iba na alam kong yon din ang gustong mangyare ni Lynette para sa akin. Ang magmahal muli at mahalin ng iba. Nagkataon lang na puso pa rin ni Lynette ang tumitibok para sa akin. " masayang ani ni Patrick. Yumakap naman si Elisse sa baywang ng binata. " Iisa man ang puso namin ni ate Lynette dalawa naman kaming tunay na nagmamahal sayo. Narito ka na sa puso ko hindi pa man kita kilala kaya sana ay pakaingatan mo pa rin ang pusong ito, Patrick. " aniya sa binata na inilapat niya ang palad ni Patrick sa tapat ng kanyang puso. " Pinangako ko noon kay Lynette, pinapangako ko din sayo Elisse aalagaan ko ang pusong ito." ani ni Patrick na hindi pa rin inaalis ang palad niya sa tapat ng puso ng dalaga. Ngumiti na si Elisse at tumingkayad na pilit inabot ang labi ni Patrick na dinampian ng halik. Sabay talikod niya sa binata dahil biglang nahiya sa ginawa. Malakas na natawa si Patrick at yinakap sa likod si Elisse. 2nd year death anniversary ni Lynette. Maaga pa lang ay naroon na ang mga magulang ni Lynette at ang kuya nito na nag on leave vacation sa trabaho para lang makadalo sa araw na ito. Ilang saglit pa ay may paparating na naglalakad patungo kina Rolando na masayang sinalubong ni Myrna. Sina Sofia at Arjay na akay akay na ang anak ng mga ito na kasama din sina Manuel at Luisa . Masaya silang nagkamustuhan at nagsalo salo. Hanggang sa dumaan pa ang ilang minuto ay sunod naman na dumating sina Patrick at Elisse na kasama ang kapatid na si Aldrin at ang mommy Gina at daddy nila na si Luis. Ipinakilala ni Rolando ang mga magulang, anak at asawa ni Sofia kina Elisse at Patrick gayun din sa pamilya ni Elisse na parehong namangha sa isa't isa dahil sa ipinabatid sa kanilang dalawa na ang mata ni Sofia ngayon ay ang mata ni Lynette at ang puso ni Elisse ngayon ay ang puso ni Lynette na magbubuklod sa kanilang dalawa. Nagyakapan ang dalawang babaeng nasa tapat ng puntod ngayon ni Lynette, nagkangitian sila ng maghiwalay ang kanilang katawan at naghawak kamay at sabay na pumikit at nanalangin. Ipinagdasal nila ang kaluluwa ni Lynette at nagpasalamat silang muli rito. Dahil sa kabutihang loob ng dalaga ay nagkaroon sila ng pagkakataon na mamuhay ng normal at makasama pa nang matagal ang mga mahal nila sa buhay. Sabay pa silang nangako kay Lynette na aalagaan ang mga magulang nito na sina Rolando at Myrna para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Lynette. Na ikinayakap ni Rolando at Myrna kina Sofia at Elisse. Wakas..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD