CHAPTER 17

1549 Words
TYRON POV Hindi ako natalo sa laban. Pinatalo ko ito sa hindi ko malamang dahilan. May kung ano kasi akong nakikita sa magkapatid na ikinatutuwa ko. Nakita ko rin ang isang side ni Brandon. Kapatid nya pala ang kahinaan nya. Sana lang binigyan ako nila mom ng kapatid. Fuck! Nakakaramdam ako ng inggit! And that's girl is really right. Hindi na kailangan may magmanipula sa mga kababaihan. Tama na kaming mga kalalakihan ang maghariharian. Kaya naman okay lang sa aking matalo basta maisahan ko lamang siya ng sapak sa kanyang mukha at bawe na ako. Pero sa ginawa kong action ay halos pagsisihan ko. May bigla akong naramdamang kuryente mula sa aking siko na pati buo kong katawan ay halos manghina. Kaya napaoutbalance ako. Nakalimutan kong may impakta na gumagamit ng mahika! "Ahhhh!!! Pakshit!!!! " sigaw ko. "Whooooaah! " sigaw ko at napahiga na nga ako. Pinakalma ko ang aking kamay. Nakakainis talaga ang babaeng yun! Ang dami nyang alam! Saan kayang impyerno nagmula ang impakta na yan at nagawang mahanap ni dad!? Ngunit nabawe niya ang inis ko ng ako ay inalok niyang tumayo. Iniabot niya sakin ang kanyang kamay at inalalayan niya ako. "Good! " bati nya pa sakin. Ang hirap palang magpigil ng ngiti kaya napalaro nalang ang aking dila sa loob ng aking bibig. Pinag-usap niya ang girlfriend ko at ang kapatid ni Brandon. Napabilib ako kay impakta dahil ang girlfriend kung mataray ay napaamo niya. Tangshit! For sure na ginamitan nya rin ito ng magic tricks. Mangkukulam. Nakakagulat pa rito ay hinalikan ng dalawang babaeng ito ang pisngi ni Adira ng sabay. Fuck! Hinayaan nya lang na gawin sa kanya yun ng dalawang babae na toh! Paano kung ako ang gumawa? " s**t!!! Goddammit Tyron Smith!!!" sigaw ng isip ko. Nakakaaduwa na talaga ang impakta na toh! Sinisira nya ang ulo ko. Feeling lalaki! Feeling gwapo! Pati girlfriend ko ay susulutin! Nakakarami ka talaga siya sakin. Eeksena na sana ako pero nauna si Brandon. Hinablot niya ang kanyang kapatid palayo kay impakta. Napatawa ako sa aking sarili. Magkakaroon ng maraming kaaway ang impakta na toh kung hindi siya lumagay sa kinalalagyan nya. Hindi na ako mahihirapan. "Master girlfriend nyo oh! " ani sakin ni Matthias na ininguso si Kisha. Dito ko nakita ang girlfriend kong di mapuknat ang mata sa katititig kay Adira at namumula pa ang maputi nitong pisnge, habang kausap naman ni impakta si Mike pero ang mata ay nasa akin. Patay emosyon lamang siyang nakatingin sakin at kinikilabutan talaga ako. Pero ang girlfriend ko! Isang Linggo siyang di makakatikim ng hotdog ko! At para makaiwas sa nakakapangilabot na tingin ni impakta ay hinanap ko si Valmor. Ngunit kakalingat ko palang ay lumandi si Adira! Ang impakta!!!!! Nakita kong yakap na ni Brandon ang putang ina! Namaligno narin ang putang ina! Agad kong nilapitan ang kinaroroonan nila matapos itago ni Mike si impakta sa kanyang likod. Hinablot ko kaagad ang sumbrero nito sa kapatid ni Brandon at binalik sa kanyang ulo. "Always wear that goddammit cap!" utos ko dito sabay alis. Fuck! f**k! f**k! Bakit ko ginawa ang bagay na yun!!!? Sinipa ko ang pakalat kalat na coke in can at di ko sinasadyang tamaan sa puwet si Valmor na nasa unahan. "Dude sorry! " ani ko ng makita ko ang madilim niyang mukha. Mabuti nalang at binalewala na niya ang nangyari. Inihatid ko muna si Kisha sa kanyang room bago ako bumalik sa aming room. Kakaupo ko palang ay napatingin ako sa puno kung saan ay natanaw ko siya kaninang umaga. Napansin kong wala pa ito doon kung kayat tumayo ako upang silipin siya. Laking gulat ko ng makita ko siyang kaharap ang aking pinsan at ni Brandon. Nag-uumapaw nanaman ang inis ko. Kaya walang pag-aalangan na pinuntahan ko siya at hinila pabalik sa room ko. Nagtratrabaho sya sakin! Dapat ang atensyon nya ay nasa akin. Pano nalang kung may tumarget sakin ? Pero ang impakta ay nagagawa pang humaharot. Pinaupo ko siya sa likuran ko. Dapat lagi ko siyang nasa tabi ko! Yan ang trabaho ng isang bodyguard! tangna nya at dapat alam nya yun! hindi yung siya ang babantayan ko!? Fuck! Nakahinga ako ng maluwag hanggang sa natapos ang klase ko. Di ko na pinahawak ng aking manubela si impakta ng lumabas kami ng University. May parking area rin dito kaya dito kami maghihintayan. Tiningnan ko si impakta na nakasandal na sa hood ng aking aventador. Feeling ni impakta ay siya ang may-ari habang ako ay narito sa conrete flow line waiting for Kisha. Aventador is my first love sport car. Kareregalo lamang sakin ni dad nito kaya naman iniingatan ko. Hanggang sa nakita kong bumaba ng kotse sa aking harapan si Kisha. Hindi ko na ito hahatirin pauwe dahil sa may lakad pa kami. Nagpaalam na itong uuwe at hahalikan ko na ito sa labi niya ng mapansin kong ang impakta ay may kausap sa kanyang phone at narinig ko ang pangalan ni Mike. Paanong nagkaroon si Mike ng number ni Adira!? Eh ultimong ako nga ay hindi ko alam ang phone number ng bodyguard ko. At sakto pang parating narin si Mike at ngayon ay magkasama na sila. I mean magkadikit nanaman. Nagkwekwentuhan ang dalawa na nakaharap sakin. Mga nakakasira ng araw ko! Mga bweset! At nagawa pa ng girlfriend kong magpaalam rin sa dalawa pero ang mata ay na kay Adira. Tumango lang si Adira gayun din si Mike. Tsk! Kung totoong lalaki si Adira ay nakalbo ko na ito ng malupit! At ilang pang sandali ay nakumpleto na kami dahil dumating na si Adam kung kayat humanda na kami sa pag-alis. Dinig kong inaya ni Mike si impakta na sa kanyang sasakyan ng sumakay ito pero hindi niya ito pinansin. At nagtaka akong sa driver seat ko ito pupunta. Kaya nagmamadali akong sinundan siya at hinila ito sa kanyang leegang damit. Masamang tingin ang ipinukol niya sakin na waring nagtatanong. "Baka magasgasan ang ventador ko! Masyado kang magaslaw magpatakbo! Tabi! " agad kong sabi. Napansin kong humakbang lamang ito paatras na ilang hakbang palayo sakin at papasok sa passenger seat. Kaya mas lalo akong nainis at tiningnan siya ng masama. "What!? " tanong nya "Ginagawa mo ba talaga akong driver eiiih? " tugon ko. "Eh gago ka pala eh! kung iumpog ko kaya ang ulo mo eihhhh!? Drive! Pesteng yawa ka! May saltik ka nanaman! " na ngayon ay siya pa ang galit. Hindi pa umiinit ang aking pwet ko sa upuan ay napansin kong nakatakip ang kanyang sumbrero sa mukha. Tinulugan ako ng impakta! Ginawa na niya akong driver, ginawa narin niya akong bodyguard! Pero lintik lang ang walang ganti dahil ito na ang oras na hinihintay ko. Kahit ngayon lang ay makabawe ako. I hate seing her smiling while I'm suffering from her devil hands. Ako lang dapat ang nagpapatikim ng disaster eh! "Tangna sarap ng tulog ng amo ko ah! " pang aasar ko at ng mahiya naman. Bweset kasi! Naiinis nanaman ako. Doble doble na ang pambabastos nya sakin. Im the boss here but she's the one acting as a boss. Feeling. "Thank you! " Ahhhhh! Nagawa pang magpasalamat!!! Nang-iinsulto nga!!!! Nanggigigil ang mga kamay kong nakayakap sa sarili ko. Bumubuntot siya sakin ng mga tatlong metro ang layo. Nagfill up narin kami ng mga panuntunan nila sa loob dito sa racing circuit for security purposes. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang relay racing. Naglalaro na sa aking isip ang mga mangyayari sa paghihiganti ko. Ipaparanas ko sa kanya ang impyerno. Itinapon ko na sa kanya ang auto helmet at nagawa nyang magmasid sa iba. Dito ko nakita ang nagpakilabot sa akin. Ngiti nanaman na galing sa hukay! Fuck! Para tuloy ipinaramdam niya sakin na mali ang desisyon ko! Tahimik lamang kami sa mga sandaling nasa field na sila at nag-uunahan na ang unang manlalaro. Seryuso si Adira ng ito ay natapunan ko ng pansin. Nakita ko rin itong tumingin sa map ng circuit at muling ibinalik ang tingin sa monitor. Magkatabi lamang kami. Nagpupuyos naman ang aking damdamin ngayon. Ano kaya ang nangyari kagabi at natalo kami? Naunang nakarating si Seb na sinundan ni Greg na finish line. Player nga talaga ang Empire. Sunod sunod na nagpaharurot ng mga sasakyan ang sumunod na manlalahok. Huling nagpark si Mike. "Couz, ikaw na ang bahala! Like what I'm expected." salubong ang mga kilay ni Mike nang dumikit sakin. "Yeah! " Kami na ang susunod. Wala na si Adira sa tabi ko ng lingunin ko ito at maaaring nasa loob na ng aking sasakyan. Nang biglang umalingawngaw ang aking aventador na parang halakhak ng demonyo. "f**k!!! " sabay naming sambit ni Mike. "Beautiful!" dagdag nito. True. This is the sweetest sound I ever heard!!!! The f*****g music to my ears! Goddammit!!! Ang ganda! Ang sarap sa teynga! May ganito palang tinatago ang aking Aventador!!! At ang mga manlalahok at manonood ay sa amin na nakatingin. Patuloy na umaalingawngaw ang engine ng sasakyan ko. Ang tambutso nito ay umaapoy! Pumuputok na akala mo ay nagngingitngit sa galit na magbibigay ng matinding kilabot sa katawan mo. Ang galing!!! Punong puno ng kilabot ang bumalot sa buo kong katawan ngayon. Maging sila Seb at Greg ay napalapit na sa kinaroroonan namin. But f**k!!!! What the hell!!!! Ng maalala ko si impakta! My aventador!!!! "Adira!!!!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD