CHAPTER 16

1331 Words
ADIRA POV Nagkaayos ang pagitan ni Kisha at Iyah. Nag-usap kami ni Brandon hindi kalayuan sa aking alaga. Nagpasalamat lamang ito sakin matapos niyang malaman mula kay Iyah na ako ang tumawag noon sa kanya. Nang malaman niya ito ay kinuha pa nito ang sumbrero ko upang kumpirmahing babae ako at inilagay pa sa kanyang kapatid ang sumbrero ko saka niya ako niyakap bilang pasasalamat na ikinagulat ko. Bigla ko din naman siyang itinulak dahil ayaw na ayaw kong may yumayakap sa akin maliban na lamang na ako ang yumayakap at kung babae ito. Maging si Mike ay bigla na lamang hinila ako sa aking braso at nagkasukatan sila ng tingin. Nagawa pang nitong itago ako sa kanyang likuran na akala mo naman ay pinuprotektahan ako. Hindi pa natatapos sa ganitong eksena ay kinuha ni Tyron ang sumbrero kay Iyah at muling isinuot sa aking ulo. "Always wear that goddammit cap!" utos pa niya na may diin ang mga salita. Saka siya mabilis na tumalikod at umalis kasunod si Kesha na humahabol sa boyfriend niya kaya naman ay hinila ko narin si Iyah dahil totoong hindi safe sa zone na toh at dahilan narin ng mga ibang miyembro upang sumunod. Nakita kong pumasok na si Tyron sa kanyang room kung kayat narito ako sa ilalim ng mangga. Aakyat na sana ako ng naramdaman kong may papalapit sakin kaya napalingon na ako. Si Brandon iyon at sinundan naman ni Mike. May problema ang dalawang ito kapag nagkakadikit. Laging nagsusukatan ng mga nanlilisik nilang mga mata. Hindi pa ako nakakabawe ay may Tyron naman sa peripheral vision ko na parating. May saltik ang alaga ko ngayon dahil hinila na niya ako bigla papasok ng room nila. Pinaupo niya ako sa bangkong inupuan ko kahapon matapos niyang paalisin ang payatot. At tahimik lamang itong umupo sa kanyang upuan. Habang nagklaklase ay wala naman akong choice kundi makinig na lamang keysa mabagot. Hanggang sa nagbigay na ng pagsusulit ang prof at ipinaskil sa white board. This is the problem solving in basic electronic engineering. Seryuso namang sumasagot sa puting bond paper si Tyron maging ang lahat maliban sa katabi kong si George na payatot. Kanina ko pang napapansin na parang masama ang pakiramdam nito at nawawala siya sa concentration kaya dahil sa inip ko ay kinuha ko ang kanyang isang bond paper at ako na sumagot saka ko ibinalik sa kanya ang papel. Nakatingin lamang siya sakin at bigla na lamang itong nagsulat. Siya rin ang kauna unahang nagpasa ng solution na ikinagulat ng lahat at nauna pa itong lumabas dahil umano sa pupunta pa siya ng clinic. Nagpipigil pala sa LBM ang luko. Matapos ang klase ni Tyron ay napag-alaman kong pupunta ang mga ito sa batangas circuit. Naghintay lang kami ng isang oras sa labas ng university bago sabay sabay silang nagsipagdatingan. Nauna ng umuwi ang girlfriend niyang ni Kisha kanina na hindi man lamang niya inihatid although may oras pa naman siya. Ibang klase rin talaga ang lalaking ito. Para siyang baliw na makikipaghalikan na kailangan pang tumingin sakin hanggang sa dumating nga si Mike. Kissing in front of me at kahit s*x pa yan ay walang malisya sa akin dahil sa bansang kinalakihan ko. Umikot na ako sa driver seat upang ako na ang magmamaneho pero hinila niya ang neck shirt ko sa likod at pinaalis. "Baka magasgasan ang ventador ko! Masyado kang magaslaw magpatakbo! Tabi! " utos niya na ikinangisi ko. Mayabang. Para, makakapagpahinga ako. Pumunta ako ng passenger seat kaya lang ay nagalit ito. "What!? " tanong ko. "Ginagawa mo ba talaga akong driver eiiih? " "Eh gago ka pala eh! kung iumpog ko kaya ang ulo mo eihhhh!? Drive! Pesteng yawa ka! May saltik ka nanaman!" inis kong sagot. Ako ang magdridrive ayaw nya! Tinatanga nya ba ako! Eh sa rules niya dapat lageh akong nasa likuran niya. Pasabugin ko kaya ang cheap nyang sasakyan! Yawaaa! Gusto kong matulog kaya sa likod ako pupuwesto. Kulang kulang ring dalawang oras ang naging byahe namin at nakita ko ang galit ni Tyron na nakatingin sakin ng ako ay uminat. Ang sarap ng tulog ko. He is a good driver at pulido ang bawat kabig nya. At isa pa ay kailangan ko yun dahil alam kong kailangan ko ng lakas dahil magpupuyat ang lalaking ito at bukas naman ay maaga ko siyang gigisingin na tiyak na ikawawala niya ang bagay nayun. Lalo nat weekend. Magbabar daw sila after. "Tangna sarap ng tulog ng amo ko ah! " pang-aasar nya while embrassing himself. "Thank you! " tugon ko dito at inayos ko ang aking weight vest na hindi mapaghahalataan. Kaya siguro malaking tingnan ang aking katawan na nagmumukha akong lalaki ng dahil dito. Mag aalasais na ng gabi pero maliwanag pa ang paligid. I noticed that there were lot of unknown guests na ngayon ko lamang nakita. Inayos ko ang aking salamin. Isa itong photochromic lenses kung kayat ang pagiging dark nito kanina ngayo'y mintgreen na. Nakita kong dumating na Seb at ang mga kasamahan nito. Ganun din si Greg. Si Brandon at ang mga kasamahan rin nito ay wari ko'y manunuod lamang. Ayon sa nakalap kong information kanila lang ay relay race ang magiging laro nila. Tatlong representative sa isang kupunan. Sa grupo ng Hell ay sina Mike, Tyron at Adam na napag-alaman kong matalik pala nitong kaibigan na nakapagtapos na. Ang kanilang sasakyan ay may dress code. Red. Color of hell. haha. Sa kupunan naman ng empire ay sina Greg, Ivan Drake at yung n***o na si Joseph. Kulay puti naman ang kanilang sasakyan. Ready to die. haha At sa grupo naman ng Fatality na sina Seb , ang kanyang kanang kamay na si Lexdrie at Zius sa sasakyang nilang yellow. Minion team eiiih? Unang player ay sina Mike, Seb at Greg, na sinundan ng player two na sina Adam, Joseph at Zius. At ang huling iikot sa circuit ay sina Tyron, Drake at Lexdrie na naka ready lamang sa isang tabi habang ang second player ay nakahanda na tulad ng unang manlalaro sa gilid. Nagsisuot na sila ng auto helmet at itong si Tyron ay hinagisan rin ako ng isa na may kasamang nakakalukong ngiti. "Yeahhhh!!!!" sambit ng bibig ko at napangisi ako sa kanya. Nakita ko rin na sa ibang player ay may mga kasama sila kaya naman ay isinuot ko na rin ang inihagis nito sakin matapos kong alisin ang eye glasses ko. "This is what I want!" Ang mga nakita kong mga guest ay may sariling pinagkakaabalahan. Normal na sa ganitong laro na may pustaan, kaya lang kapansin pansin na may mga iba pa silang hidden agenda rito. Talamak talaga sa Pilipinas ang droga. Nagsimula na. Matapos magbigay ng speech ang may hawak ng flaglets ay humarurot agad ang tatlong sasakyan. Ayun sa nakikita ko sa monitor ay nangunguna na agad ang sasakyan ni Seb at nag gigitgitan naman ang dalawa na sina Greg at Mike. Ngayon palang ay naging tuso na ang kupunan ni Greg. Marunong maglaro si Greg Black at ganito talaga ang ginagawa sa relay. May sacrifice kang gagawin for the team. This is called teamwork. Sa laro, you and your opponent want same thing. The only things that matters is who works the hardest for it. At dahil sa ginagawang strataheya ni Greg ay pumangalawa ito kay Seb ngayon. Malapit na si Seb sa finish line at kaya humanda na si Zeus. Ganun rin ang ginawang paghahanda ni Joseph at Adam. Hanggang sa mabilis na tumabi ang sasakyan ni Seb na siyang naging signal upang humarurot na ang kotse ni Zeus. Nakangising ngumiti si Seb matapos hubarin nito ang kanyang auto helmet. Humarurot narin ng patakbo si Joseph na sinundan ni Adam. "Couz, ikaw na ang bahala! Like what I'm expected." ani ni Mike at sumangga ng braso kay Tyron as goodluck. Dahil busy sila sa pag-uusap ay sumakay na ako sa loob ng aventador. Alam kong maeenjoy ko ang araw na toh! "Hey buddy, be nice to me eiiihhh!!! I will show you what world is fit for you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD