CHAPTER 15

1202 Words
ADIRA POV May bigla na lamang yumakap sa akin ng buksan nila ang maindoor ng canteen. Ang higpit ng pagkakayakap nito at hinayaan ko na lamang dahil babae naman siya. "Sinasabi ko na nga bang ikaw yan eh! " naiiyak niyang wika sakin. Tumikhim ako. Dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Ni hindi ko nga siya kilala at isa pa ay humihikbi na ito. Napatingin ako kay Brandon na siyang akala ko'y siya ang yayakapin at nagkatitigan na lamang kami. Kahit kasi siya ay nagulat din. Nanlalaki pa nga ang mga mata nito. At ng tumingin naman ako kay Tyron ay salubong naman ang mga kilay nito. "Anong ginagawa mo dito!? " naluluha niyang tanong na tumingin na siya akin. "Eiiiihhh!? " reaction ko. Hindi ko talaga siya kilala. "Kakainis.... Bakit di mo ako matandaan Ady!!! " na biglang sumama ang mukha niya pero bigla rin siyang ngumiti at ang ngiti nayun ay hindi ko makakalimutan. "Wait! " dagdag niya at bigla itong tumikhim. Saka niya inawit ang DORAEMON theme song. Alam ko na naman kung sino na sya at kahit hindi na siya kumanta. Salubong lang ang kilay ko na tinitingnan lamang siya. May kataasan lamang ako sa kanya dahil siya ay may taas na 5'3" sa tansiya ko at samantalang ako ay 5'7". Nang umawit ito ay may mga nagsisipagtawanan. Sa pangalawang stanza ay pinatigil ko na ito. "Enough." Tiningnan ko siya mata sa mata. At dito ko napansing paiyak nanaman siya kaya mabilis ko siyang kinabig at niyakap ko na siya ng dalawa kong kamay. "Iyah. Goddammit! Di ka parin nagbabago! Iyakin ka parin. Ofcourse I know you. Sorry muntik na kitang di makilala. You grown up. " ani ko ng bumitaw ako sa pagkakayakap. I was 18 years old when I meet her at 13 years old lamang siya during that time. She still remember me. But how? At sa sinabi ko ay lumandag ito at naglambitin na sa aking katawan. "Yaaaahhhhhh!!!!! Sabi ko na nga ba talaga ikaw yan eh! Nunal mo pa lang! kilalang kilala ko na! " "Ahhhhh! gotyah!" Tinapik ko ang kanyang likod at bumaba na ito. Pero pinipisil pisil naman niya ang aking pisnge. "Enough! So Brandon is your older brother!?" at tumango siya. "Okay. Tara na! May laban pa ang siga mong kuya sa mayabang kong alaga! " "Yahhhhh!!!!! Sinong ma-? " putol na wika ni Tyron dahil nagkataong tumingin na ako sa kanya ng matalim. Kasalanan nya ang nangyari kanina kung tutuusin. Pinagsabong niya ang dalawang babae kung bakit sila nasa kalagayang ganito. Sininyasan ko na si Tyron na mauna ng maglakad kung saan ay katabi nito ang kanyang girlfriend na kanina ko pang napapansin na sa akin nakatingin. Sumunod naman ako sa kanilang likuran kung saan naman ay katabi ko si Mike. Nagpatianod naman si Iyah na kinuha pa ang aking braso at niyayakap niya ito. "Bea! " dinig kong tawag ni Brandon sa kapatid at tumabi ito rito. "What? " "f**k! Kababae mong tao ay naglalambitin ka lalaki! Wala ka na bang kahihiyan!" ang tinig na yun ay para lamang sa magkapatid pero malinaw ko silang naririnig kahit mahihina ang kanilang mga boses. Inakbayan ko si Iyah at may ibinulong ako na ikinatuwa niya. Para tuloy siyang batang tuwang tuwa sa part na binibigyan siya ng candy. Biglang hinawakan ni Brandon ang kamay kong nakaakbay kay Iyah at maagap naman ang isa kong kamay na pinalipat ko sa kabila ang kaibigan ko. Saka ako nakipaglaro ng lakas kay Brandon at mabilis ko itong naitulak sa kanyang dibdib palayo sa amin ni Iyah. "f**k! " sigaw niya na nakaagaw ng pansin sa paligid. "Behave kuya! Ady's love me. Yang tapang mo mamaya mo ilabas dahhhh! Wala ka kaya sa Ady ko kasi ganito ka lang " pang-aasar ni Iyah sa kanyang kapatid na itinuro ang maliit na daliri at kinalhati pa niya ito habang kami ay naglalakad. "Tsk! " tanging maririnig mo lamang kay Brandon ngunit napupuno ang pagkapinoy nitong mukha ng inis. I meet Bea or Iyah, short for iyakin in Tokyo Japan. At si Brandon ay tanging sa phone ko lamang noon nakausap when I asked him na sunduin niya ang kanyang kapatid sa address na ibinigay ko. I accidentally save Iyah from the human trafficking. Ng makarating kami sa zone ay biglang nakaramdam ng takot si Iyah. "Is this your first time here? " tanong ko sa kanya. "Yes. Iilan lang ang nakakapunta dito dahil sa takot lalo na ang grupo ni -. " putol nyang wika sabay hugot ng buntong hininga at napatingin sa kabilang grupo. "This is hell." mahina niyang sagot sakin. "Ahuh. " Pumagitna na si Tyron at Brandon. Si Kisha naman ay nasa pagitan ni Matthias at Valmor na gusto pa atang lumipat sa pwesto namin. Tumingin sakin si Brandon at ang mga mata nito ay may mensahe. Mensahe para sa seguridad ng kanyang kapatid. Tumango lamang ako. Nakita ko si Seb na patay ang emosyon at wala ang mata sa dalawang maglalaban kundi sa akin. Ganun din si Greg na malademonyo ang mukha pero kay Bea naman nakatingin. Iniabot naman sakin ni Mike ang tictac niya. Alam na nito ang gagawin. "Teyka Ady! " tawag sakin ni Brandon. "Hindi pwedeng ako lang ang pagbabawalan mong huwag suntukin ang mukha nyan. Eh mas maganda naman ang mukha ko sa ugok na toh !" ani nya. "Let's have a deal. Ang unang bumali ng rules mo ang talo. " dagdag nito. Tumingin lang ako kay Tyron at ngumisi ito sakin. Ngayon palang ay talo na si Tyron. Dahil ang taong yun ay padalos dalos mag-isip ng hindi nya namamalayan. Mainitin ang ulo at mayabang pa. At mula sa dalawang segundo ay nagsimula na silang magpalitan ng suntukan. Bigla namang napayakap sakin si Iyah. "Ady.... . " "I'm here. " Nag stay sakin si Iyah ng halos dalawang Linggo noon at ayaw na nitong humiwalay sakin. Ito ay dahil sa takot kung kayat hindi rin ito nagsasalita at mabilis umiyak. Kaya naman during my Kendo training ay isinasama ko siya. Nilalagyan ko siya ng headset sa kanyang teynga at pinapanood ko siya ng doraemon na nakakatuwang panuurin dahil sa maraming laman ang maliit niyang bulsa . Ang takot niyang mukha noon kapag may training ako at sa point na nanunuod siya, ay nakikita ko siyang ngumiti. Tahimik lamang siya sa isang sulok at hinihintay lamang nito na tawagin ko siya bago niya ako titingnan at sasama na sa akin. At kapag may misyon ako ay kailangan ko pa itong patulugin bago ako makakilos. Ang alam niya ay hindi ko siya iniwan sa lahat ng oras. Pinahanap ko kay papan ang pamilya ni Iyah noon pero di ko na inalam kung anong pangalan nito. Binigyan lamang ako ng isang contact mula sa pamilya ni Iyah. Dito ko nakausap si Brandon. Graduating na si Brandon ngayon. At alam ko na ang dahilan niya kung bakit siya ganito. Sana nga sa pinili niyang maging siya ay mailayo nya si Iyah sa kapahamakan. At dito ko pinitik ang isang butil ng candy bago pa dumapo ang pinaghandaang suntok na yun para sa mukha ng isa. Nawala ito sa balanse dahil sa siko ko ito pinatamaan. "Enough. You loss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD