TYRON POV
Di ko maiwasang tingnan ang kabilang table ng paulit ulit lalo nat naririnig kong nagkakasiyahan sila. Ang impakta at ang namaligno kong pinsan ay bakas na bakas sa mukha ang kawilihan.
Ipinapakita pa ni Adira ang munti niyang ngiti sa mga yun kahit pilit niyang itinatago ay nahahalata naman.
Hindi siya pwedeng ngumiti nalang ng basta basta sa mga yun! Naiinis ako.
At ang mga babae namang iyon ay -
Ay Tsk!
MAHAROT!? bweset!
At akala mo naman na itong impakta ay gwapong gwapo sa sarili, bweset talaga!
Feel na feel ng babaeng iyon ang mga nakapalibot sa kanyang nilalandi sya!
Hindi ba nila naramdaman na nagpapanggap lang ang babaeng iyon bilang lalaki?
Pero nagpapanggap nga ba siya o tanging ako lamang ang nagassume dahil sa way na kanyang mga kasuotan!?
Tomboy? Boyish? f**k! Di ko na dapat pang inaalam yun.
"Pero- Babae sya! " sigaw ng isip ko.
Dahil yun sa mga nangyari kanina. Nilalandi niya ako nung nakalambitin kami sa lubid. Kung hawakan pa nga niya ang abs ko ay feel na feel niya. At ang mga paraan ng pagbulong niya sa teynga ko ay----?
Shitt! Pati ata ako ay minamaligno na niya!
Napatingin ako kay Kisha na busy sa kadadaldal ng mga kung ano ano na hindi ko naman maintindihan.
Wala sa kanya ang pukos ko at na kay Adira.
Hanggang sa nagulat na lamang akong may kumuha ng tubig ni Kisha at ibinuhos ito sa girlfriend ko kasabay ng pag-ikot ng mga kasangga ni Brandon sa aming apat.
Si Brandon ng Shadow.
"What the f**k! " sigaw ko.
"Kisha Atkenze! Huwag ka masyadong nagpapapansin! Sa uulitin na magrereyna reynahan ka sa school na toh siguraduhin mo lang na kikilalanin mo ang babanggain mo! " ani ni Brandon.
Ramdam ko ang galit nito sa kanyang tono.
"What the f**k! " sigaw ko.
Kikilos na sana ako ng may dalawang taong pumigil sa akin kanina maging kina Matthias at Valmor ng buhusan nito ng tubig ang mukha ni Kisha. Binastos nito ang girlfriend ko at natural lamang na papalag ako.
Kasabay nito ay tumaob ang mesang nasa harapan namin.
Kitang kita ko sa mukha ni Kisha ang takot sa kanyang mukha at nakatitig ito kay Brandon.
" Hindi porket gusto kita ay hahayaan ko nalang na bastusin mo ang kapatid ko! Bakit huh!? " na dinuro ang noo ng girlfriend kong lumuluha ng tahimik.
"Kapatid!? " tanong ng isip ko.
"Itong ipinagmamalaki mong boyfriend mong ugok!? " at bumuwelo ito upang susuntukin ako sa mukha.
Pigil ang hininga kong hinihintay kong dumapo sa mukha ko ang kanyang kamao ng mapapikit ako ngunit walang sumayad sa mukha ko.
Narinig ko na lamang ang daing ni Brandon kaya napamulat ako at nakita ko si impakta na nakatingin sakin at nakangisi na para akong pinagtatawanan.
"Ahhhhh!!!! Ahhhhh!!! "
Nagmove pa siya ng ulo na parang ako'y niyayabangan.
Bweset!
Ang impaktita talagang ito ay nakakasura!
Kahit pa sinangga nito ang suntok na para sakin ay dapat lang dahil binabayaran sya para protektahan ako.
Pero ang sarap lang kutusan dahil sa kayabangan nya!
"What the f**k!!!!! " galit na tinig ni Brandon.
"Papayagan kitang makipagsuntukan sa alaga ko, pero... iwasan mo lang ang mukha nya, eiiih!? "
Ang impakta ay makikipagkasundo pa atah!
"Putcha! Pinagsasabi mo!? " bulong ko.
"Warm up!? You so weak. you need it. You need to burn calories too para naman maging strong ka. " bulong din niyang sagot sakin.
Ang lintik na babaeng ito!
Anong warm up ang pinagsasabi niya eh hindi ba nya alam na di pa nakakarecover ang katawan ko sa pahirap niya kanina! At marami na akong naiburn sa ginawa nya.
Bweset! Masisiraan talaga ako ng ulo sa kanya.
"At sino ka para sundin ko!? " agad naman na sagot ni Brandon.
"Just do it! " bulong nya sa teynga nito at nakaramdam ako ng inis!
Ang hilig niyang bumulong sa teynga!
Putang ina!
Malandi ba siya!
Fuck!
Nakakainis!
"If ever na makita kong hindi ka sumunod sa simpleng rules ko, mangingialam ako! Deal!? " dagdag pa nito.
"f**k you! "
Mabagsik na tugon nito at dinaig pa ako!!!
Ako lang ang may karapatang dapat na magmura sa kanya!
Bweset talaga!!!
At dito ko napansing bibigwasin niya ng suntok ang aking si Adira!
Ay pakshit mali! Ang impakta pala!
Nakakainis at ng pumalag ako ay naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ng dalawang lalaki.
Pero napamulaga ang aking mga mata ng walang kakurap-kurap ay nakita ko kung paanong walang kahirapang hirap na sinalag ni Adira ang isang kamay ni Brandon.
Ang galing!
Ni hindi ko maulit sa isip ko kung papaano niya ginawa yun sa bilis ng kanyang ikinilos.
"Just do it then I will let you do whatever you want hangal!" ulit nya na ang bawat salita ay may diin.
Nakukulitan narin siguro siya sa Tugas ng bungo ng leader ng Shadow.
Nakakatakot. Pero ang galunggong ay hindi man lang nasindak.
Suminyas pa ito sa kanyang kamyembro na kitang kita ko kung paanong mabilis naman na hinablot ni Adira ang pulang panyo sa unang susugod sabay pitik ng ilong nito.
Simpleng pitik pero animoy napakasakit na agad ang kanyang natamo sa daing at sigaw ng lalaki.
Kasunod nito ay ginamit niya ang panyo sa sunod sunod niyang pagtarget sa mga mata ng mga sumusugod.
Katangahan nila. Impakta kaya ang kinakalaban nila.
At ginawa niyang libreng oras ang paglayo ng mga kalaban para pasimple niyang maitali ang dalawang kamay ni Brandon ng panyo sa sariling likuran.
Kasunod nito ay sunod sunod parin ang mga sumugod kung saan kaming dalawa ni Brandon ay napatayo na lamang sa gitna kasama si Kisha, Mattias at Valmor na hindi na nakakilos.
Nakanganga na lamang sila samantalang ako ay sunod sunod na laway ang aking nalulunok.
At ang mga nasa likod ko ay sumugod narin pero napaatras sila bigla ng pinitik lamang ni impakta ang mga - - buto?
Oo, tama. Pinipitik niya ang mga joints kung saan ito ang target ni Adira.
"Ang galing! Pwede pala yun! " sigaw ng isip ko.
Pero papaano nya naman nagagawa yun? Yung may pwersa.
Ang iba ay hindi na sumugod.
Nagdadalawang isip kung sila ba ay susugod o hindi na, dahil sa nakapamulsahan na ang impakta at nagtitiptoe pa na akala mo ay walang kalaban.
Tumingin pa ito kay Mike at ngumiti doon ng pasimple.
Ang putang ina ay napakamot pa sa ulo at ng makita mo ay kilig na kilig.
Maging ang mga babae ay pumapalirit.
"I love you Ady!!! " sigaw ng babaeng may kagandahan.
At si Adira naman ay napayuko pero nasilip ng aking mga mata ang labi nyang ngumiti.
"What the!!! Ang lalandi kasi ng mga babaeng yun! Kakainis! "
"Deal!? " dinig kong tanong nya kay Brandon ng lingunin ko na itong muli.
Napabuntong hininga si Brandon at tumango naman.
Ang gago ay napasunod ni Adira?
"Sa likod kayo at hindi dito. May oras pa. "
Pagkatapos niyang sabihin yun ay sininyasan niya akong tanggalin ang panyong itinali niya sa kamay ni Brandon.
"Hah! What the f**k! " reklamo ko.
"At ba-! ?" putol kong ani sa aking pag-angal dahil pinanlisikan niya agad ako ng mata.
"Do it! " mahina pero may diin na ikinagalaw ko dahil sa nagbabadya na siyang gumalaw.
"Ito na! - gagawin nah! - Masyado kang mainit! - Godammit ! "
"At ikaw. " na nilingon niya si Kisha.
"Ha!? "
"Kapag natalo ang boyfriend mo ay ilagay mo sa tama ang sarili mo. Hihinge ka ng apology sa kapatid ng minaltrato mo. Deal!? "
"Ah ehhhh... oo. Pero kapag nanalo ang babe ko!? " tanong ng girlfriend ko.
Bigla kong nakitang ngumisi si Adira at umiling.
Ang impakta na toh ay walang tiwala sa akin!
"What do you think Mr. Brandon Nueves!? Allowing her to be the queen!? "
"f**k! okay! fine! deal! "