CHAPTER 13

1153 Words
MIKE POV Masaya akong naabutan ko si Ady my love na bumaba nanaman sa puno. Ang gandang nakaka-astig talaga niya sa aking paningin at hindi mapigilan ng aking mga labing ngumiti. Sa kanya ko lamang nagagawa ang bagay na ito. Napagkamalan na nga ako ng aking mga kasamahan na tumatalo sa kapwa lalaki. Mga gonggong! Hindi kasi nila alam kaya naman para hindi bumaba ang tingin nila sa akin ay sinabi ko na. At ng sinabi ko sa kanila na babae ni Ady ay gulat na gulat nga ang mga ito. Pinuri pa nila ako dahil sa ang lakas daw ng pakiramdam ko. Nababagay lang daw sakin ang pagiging leader ng grupo. Pero ang hindi nila alam ay hindi ko sinasadyang mahipo ang dibdib nito kahapon. Kasama na ang aking babala na si Ady ay akin lang ng sila ay kinausap ko. Walang pupurma dahil bubugbugin ko ang sumulot ng para sa akin. Halos apat na metro ang layo ng aking si Ady kay pinsan kaya malaya kong nasosolo si Ady kahit na masama ang tingin na pinupukol ni Tyron sa amin. Ng marating namin ang canteen ay napatigil kami sa likuran dahil sa tumigil rin sa isang sulok ang tatlo na sila Tyron, Valmor at Matthias. May nagtatalo sa counter at nagpapaligsahan sila ng lakas ng boses. Nakaobserba lamang kami. Dinig na ding ko ng malinaw ang kanilang usapan at may point na masakit sa teynga sa tulad kong unfair nga sa mga ibang studyante. Nagngangalit ang aking mga ngipin sa babaeng iyon at iniinsulto niya ang aming samahan! "Miss pwedeng sakin nalang toh!? " nakaagaw ng pansin sakin ang malamig na boses ni Ady ko na minsan lamang magsalita. May katabi kaming table na panay babae at kumakain ang mga ito ng kung anu ano. Kinuha nya ang pack ng nagaraya matapos na tumango ang isang babae na titig na titig sa kanya at nagblublush pa ang pisnge. Kinikilig. Ang putcha. Binuksan ni Ady ang nagaraya. Matapos niyang kumuha ng dalawa o tatlo ay ibinigay niya sakin. Ang sweet ng Ady ko at hindi ko mapigilang kiligin kaya hindi ko matikom ang aking mga labi. Sabay kumikilos ang aking isang paa at pasimpleng nagtitip toe at ang ngiti ko ay di ko maitago. Napakuha ako ng nagaraya at tyempo na kakainin ko na sana ng makarinig ako ng sigaw at kalansing ng stainless na nahulog. Ang sama ng tingin ni Tyron sa aking nagaraya at tumingin pa ito sakin na nanlilisik ang mata. Napansin ko na agad na may hawak itong nagaraya. Napatingin ako kay Ady at nakita ko itong kausap ang babaeng nagbigay sa kanya ng nagaraya. "Mike!? " galit na tawag sakin ni Tyron at ipinakita sakin ang isang butil ng nagaraya. "Hey! " sagot ko. Ang putang ina. Naisahan ako ni Ady my love ko. Umayos ako ng tayo at hindi nagpahalatang naisahan. Sininyasan ko ang mga nasa likuran ko na pumila na sila roon sa simpleng pagnguso ko kalakip ang mata ko ring nakakasindak kaya sumunod naman sakin ng nangangamot ang mga ulo. Nakuha ni Tyron ang ibig kong sabihin at dinala niya si Kesha sa isang table na lamang ngunit masama talaga ang tingin nito sakin. Ang babae namang nakasagutan ni Kesha ay di ko na napansin kung nasan na. Muli kong tinapunan ng pansin si Ady. Kumakain na pala ito mula sa babaeng iyon at ang dami pang mga nakahaying pagkain sa kanyang harapan tulad ng mga pack of red ribbon at kung ano ano pa. Ako at si Tyron ay magtatagpo ngayon sa counter dahil kaming dalawa na lamang ang nakatayo ngayon roon. "Go ahead. " at itinuro ko na siya na ang mauna. "Are you the one who did that!? " seryoso niyang tanong. Napakamot ako ng aking batok at napatawa. "Adira!? " "Hehe! Just lets eat couz! " aya ko. Pero kita kong ang sama ng tingin nya sa kinaroroonan ng aking si Ady habang si Ady naman ay patay malisya namang nakatingin sa kanya. Matapos kong kumuha ng pagkain ay pinili kong tumabi narin sa mga girls na tuwang tuwa naman sila dahil sa unang pagkakataon ay puro babae ang makakasama ko. Ang ending, kaya ko palang maging clown. Patapos na kami sa aming kinakain ng biglang dumating ang grupo ni Brandon. Bigla nitong isinara ang dalawang maindoor ng canteen. May gulo. Pero sino naman ang pupunteryahin nila ngayon? Naging alerto ako sa aking kinatatayuan at maging si Basty na aking bodyguard ay napatayo na malapit sa akin habang si Ady naman ay tahimik na kumakain ng bakemac. Ang lupit talaga nito. Hanggang sa nakita kong may kumakalampag sa glass door at patungo sa malapit na window samin. Malinaw kong nakita ang mukha ng babae na galit at may halong takot , at naririnig ko ang boses niya sa mahina. "Kuya!?" sambit ko at napansin ko si Brandon na ang target pala ay ang kinaroroonan ng magkasintahan Kisha at Tyron. Dito ko napansin ang pagkamukha ng dalawa. Magkapatid kung ganun. "Tsk! " napailing ako. "What the f**k!" ng biglang tumaob ang mesa nila Tyron at pinalibutan na sila ng mga criminology students. Pagkalingon ko kay Ady , ay wala na ito sa aking tabi. Para siyang multo na biglang nawawala. Tumayo na ako at pinilit ng aking matang hanapin siya. At nakita ko itong malapit lamang sa kinaroroonan ni Tyron. Nasa grupo ni Seb. Nasa table ni Seb. "Kelan pa sila naging close eiih? Iniwan niya ako dito at makikita kong magkadikit na sila? " bulong ng isip ko. At ang gagong yun ay titig na titig kay Ady ko. Balak pa atang tunawin ang Ady my loves ko ng biglang susuntukin na sana ni Brandon si Tyron ng nagulat akong napunta si Ady sa gilid ng dalawa at hawak hawak na ni Ady ang kamao ni Brandon. "Ahhhhh!!!! Ahhhh!!!! Shitttt!!! " na waring nasasaktan ito sa pagkakahawak ni Ady. "What the f**k!!!!! " sigaw pa nito. "Papayagan kitang makipagsuntukan o makipagbasagan ng katawan sa alaga ko, iwasan mo lang ang mukha nya eiiih!? " seryuso nitong tanong ngunit hindi ko makita ang mata dahil sa suot nitong sumbrero. "At sino ka para sundin ko!? " "Just do it! " may diin niyang ani. " If ever na makita kong hindi ka sumunod sa simpleng rules ko, mangingialam ako! Deal!? " "f**k you! " sagot nito at bigla nitong gagamitin ang isang kamay upang ipanuntok kay Ady. Ngunit mabilis nanaman na kumilos ang kamay ni Ady my loves ko na hulihin nito ang isa pa niyang kamao at mabilis na ipinilipit patalikod. "Just do it then I will let you do whatever you want hangal! At kapag di ka sumunod, may kalalagyan ka sakin! " ulit niya na nakakakilabot ang kanyang boses. Ngunit matigas ang ulo ni Brandon at sininyasan nya pa ang mga kasamahan nito na atakihin si Ady. "f**k!!!!! " mura ko at napanganga ako ngayon sa aking nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD