CHAPTER 12

1315 Words
TYRON POV Hindi ako makafucos sa klase namin ngayon dahil ang impaktang babae na yun ang pumapasok sa isipan ko. Kanina habang kasama nya si Mike ay nakakaramdam ako ng galit. Galit na kung saan ay nagagawa pa ni Mike na maging masaya sa harap ng babaeng yun. Hindi nya ba alam na halimaw ang kanyang dinidikitan at feeling close ang putcha! Kakabweset at kahit na may ginagawa sa kanya si Adira ay para itong baliw na tatawa pa! Minaligno na ata siya ni impakta. Ang impaktang aswang na yun! - Tsk! Ang mga nakakatakot nitong ngiti ay hindi ko makalimutan. Para niyang binibigyan ng sumpa ang mga iyon na huwag naman sanang pati sa pagtulog ko ay impaktahin pa niya ako. Ang malaki niyang mata at-? At kaartehan niya! Bweset! Hindi naman ganun kabaho ang aking hininga kanina pero ang anak ng uranggutan na yun ay bahong baho sa hininga ko! Akala mo naman siya ay hindi! Tsk! Oo mabango ang hininga niya dahil naunahan niya lang akong magmouthwash! Pero kahit pa! impaktita parin sya. May paguts guts pa siyang nalalaman! Siya nga itong guts ang dibdib! Bigla kong sinipa ang bangko ni Samuel at nagulat ang lahat ng ito ay tumalsik. Sa lakas ng pagkakasipa ko ay napasubsub ito sa tiles. Pati ako ay nagulat sa aking ginawa. Sinalubong ako ng sama ng tingin ng iba kong mga kaklase lalo na si prof at si Samuel na sumambil ang nguso. Sinabi ko nalang na nakaidlip ako para maging valid naman. Kaya ang ending ay pinatayo ako ng aking professor sa may labas ng pintuan na mayroong pitong aklat sa aking ulo at nakadipa na may tig apat na aklat. Bawal akong umalis roon sa loob ng trenta minuto. Ganito kalupit ang university na ito. Bweset! Pero mas ok na parusa ito sakin keysa naman lunurin ako ni impakta. Napagawe ang aking mata sa mangga kung saan ay kitang kita ko si Adira na ngiting ngiti na nakatingin sa akin at napapailing pa. Doon pala siya namamalagi. OO tama. Doon nga pala talaga. Anak nga siya ng uranggutan! Bweset talaga siya at nagawa pang mang-inis , eh kasalanan niya naman ito. Maya maya pa ay tumigil sa aking harapan si Seb. Ano nanaman kaya ang ginagawa ng mga ito sa amin building? Kay aga aga ay dumadayo nanaman sila. May kakaiba itong ningas ng tingin sakin. Napataas narin ang kaliwang sulok ng aking labi sagot sa mata nitong nagbabaga. "Loser! " dinig kong pang-iinsulto niya at ngumisi. Bweset! Ang impakta talaga na yun ang may kasalanan! Natalo ang kupunan ko kagabi dahil wala ako! Kailangan kong bumawe mamaya sa laban at naisip kong gantihan narin si empakta. Biglang nagningning ang aking mga mata na napatingin sa gawi ni Adira ng naisip ko ang bagay na yun. Pero bigla nanamang naglaho yun dahil sa nagulat akong parang may nakatutok na slingshot samin at napalunok ako. Sino ang titiradurin niya? Ang impakta ay umiimpakta nanaman ang utak! Paano kung sumablay siya at ako ang tinamaan! Buweset! Sisipain ko talaga siya ng paulit ulit! Bawal akong gumalaw at baka malaglag ang aklat sa ulo ko , maging ang mga aklat ko sa kamay na pagmamay-ari ni prof. At kapag nangyari yun ay madadagdagan ng tig sampung minuto kada aklat ang itatagal ko dito sa labas. May CCTV namang nakaharap samin kaya hindi ako gagalawin ng grupo ni Seb. Pero sa impakta na yun na invisible ang galaw ay wala akong tiwala kaya naman ay kinakapus na ako ng hinga. Nangangatog na nga ang tuhod ko dahil sa tensyon. Hindi pa talaga ako nakakabawe ng lakas! Ang mga bweset kasi na ito ay ayaw pang umalis. "Tsupe! Lalampasuhin ko naman kayo mamaya kaya maghintay na lang kayo ha! Busy pa ako! Sige na! " pagtataboy ko. At sunod sunod pang paglunok ang nagawa ko dahil ang posisyon ni Adira ay ganun parin kahit na wala na sila. Ano bang problema ng impakta na yun at parang ang lalim ng galit niya sa akin! Makakatikim talaga sya aakin mamaya! Tingnan ko na lamang kung hindi siya umiyak sa gagawin kong paghihiganti! Laking pasalamat ko ng matapos ang thirty minutes na parusa sakin at pinapaupo na ako. Ngunit ang mata ni Samuel ay hindi ko maipinta ng ako ay pumasok na. Salubong ang kilay nito at nanlilisik ang mata na maging ang kanyang nguso ay parang kinagat ng ipis. At sa pagkakataong ito ay pigil pigil kong tumawa at napahawak na ako sa aking bibig. Na mas lalo niyang ikininasama ng mukha. Siguradong mamaya ay magsusumbong na ito kay Greg. Hindi ko naman sinasadya yung kanina. MATAPOS ang klase ko ay magkikita kami ni Kisha sa canteen. Nakasurvive naman ako sa klase kanina ng magbigay ng pagsusulit si prof. At ngayon ay napatigil kami sa isang sulok ng makita ko ang girlfriend kong may kasagutan. Mula sa kinaroroonan ko ay naririnig ko ang kanilang pagtatalo. "Can't you see? Kami pumipila but you? Mang-oovertake ka nalang? Pumila ka! Kababalik mo lang feeling mo!" malumanay ngunit may diin na ani ng isang babae. Nagiisang canteen lamang ang isang ito sa loob ng university. Bawal kaming lumabas kapag naka log-in kami sa loob hanggang na matapos ang duration ng klase namin. At pagustuhan naman kami kung anong oras kami umuwe. Kung kaya't wala kaming choice. Kumpleto ang facilities dito sa university at may little hospital pa ito. Community na ngang matatawag. May sariling pila ang mga babae at kami ay gayun din. Pero sa tulad kong siga ay hindi uso ang pumila. "You shut up! This school is my home! So I will do whatever I want! " sagot ng girlfriend ko. Suportado ko sya sa bagay na ito. "Eh di sana dinala mo nalang ang nanay at tatay mo dito! O kaya ang nanny mo para subuan ka narin! f**k Kisha! Kung bahay din naman pala ang turing mo sa paaralang ito eh di sana maglatag ka narin ng kama mo dyan at matulog ka na! " "Ouch! " sigaw ng isip ko dahil sa talas ng dila ng babaeng yun at pati ako ay tinamaan. "Hey! " singit ko sa kanilang pag-uusap at nakitaan ko ang babae ng takot sa kanyang mukha. Pinay na pinay ang dating nito. Manang style. "Babe! " bati sakin ni Kisha. "Mag-oorder na sana ako ng pagkain natin pero may asungot at gusto akong papilahin pa! " sumbong sakin ng girlfriend ko. "Mawalang galang na Mr. Tyron Smith. Walang nakikialam sa inyo na tulad naming mga babae. This is all about Kisha and us. " na tiningnan ang mga nakapilang kababaihan. "Kaya sana huwag kang mangingialam. " sa sinabi nya ay nagpantig ang teynga ko. "At ikaw matapang ka lang kasi girlfriend ka ng kanang kamay ng Hell Frat! Ginagamit mo yang posisyon mo eh isa ka lang namang palamuti sa tabi nya. But you are just nothing! Kung sa mga kalalakihan ay may naghaharian pwes sa mga kababaihan sa eskwelahang ito ay we are fair. " lakas loob niyang sabi. Napatingin sakin si Kisha at humihingi ng tulong. Kaya naman sininyasan kong gawin nya ang gusto nya. Kumuha ito ng baso na saktong may tubig at ibinuhos niya ito sa mukha ng babae. Hindi pa siya nasiyahan ay kumuha pa ito ng tray na ikinaatras ko dahil bubwelo ito upang ipanghahampas niya sa ulo ng kanyang kaaway. At ng ihahampas na sana niya ay biglang napasigaw si Kisha sa sakit at nahulog sa kanyang paa ang tray. May butil naman ng wari ko ay nagaraya nuts na tumalsik sa akin at nagawa ko pang sambutin. Sapo sapo naman ni Kisha ang kanyang kamay na kung saan ng kinuha ko ito upang aking tingnan. At dito ko nakita ang pamumula ng isa sa buko buko niya at napatingin na ako sa nagarayang hawak ko. Lumuha na agad ang mata ni Kisha. Ang impakta! At nagngalit ang aking mga ngipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD