MIKE POV
Maaga akong nagising kanina at unang pumasok sa aking isip ay tawagan ang Victorian house nila Tyron.
Nang marinig ko na nagtratraining si Ady at Tyron ay ninais ko na agad na pumunta sa Alabang. Hindi naman kalayuan ang Bicutan.
May klase ako ngayong umaga pero hindi ko na muna papasukan.
Mabilis rin akong nakarating sa kanila ngunit natigilan ako ng makita ko ang mga tagasilbi ng Victorian na nakatingin sa taas at patago pa silang nag-uumpukan sa may veranda sa likuran.
Nakita ko rin si Ferno, ang butler ng victorian na pasimple ring sumisilip. Ang mga nakakatanda ay nagagawa pang mag cross sign na animoy natatakot.
Dahil ako ay nahihiwagaan na ay pinuntahan ko ang gawi nila at hindi man lamang nila napansin ng aking presensya maliban kay Ferno. Nagbigay galang sa akin si Ferno at tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng mga naroon.
"Magandang umaga po seniorito!" sabay sabay na wika nilang lahat.
At agad na nagsipagbalikan na ang mga ito sa kani-kanilang mga gawain maliban kay Ferno.
"What it is!? " tanong ko kay Ferno.
"Si young master po seniorito! " na itinuro ang kinaroroonan ni Tyron.
Laking gulat ko ng makita ko si Tyron na naglalambitin sa lubid sa taas habang si Ady ay nakaupo sa lubid ng walang kahirap hirap.
Sunod sunod akong napalunok at hindi ako makahinga. Kanina lang ay excited ako ngunit ngayon ay nagdadalawang isip na ako.
Papaano siya napunta doon?
Wala talagang ideya na pumapasok sa isip ko.
"Papanong napunta si Tyron dun? "
"Wala pong nakakaalam seniorito. Nabigla nalang po kaming nariyan na sya. May narinig lamang po kaming sumisigaw. Pero kanina po ay galit na galit si young master kay Ma'am Ady. Kinababahala ko nga po dahil takot si young master sa mataas. Madalang ko nga po itong makita sa balcony. " paliwanag niyang nakatingin sa taas.
Dama ko ang takot nito dahil ngayon lamang ito nag salita ng mahaba.
"Kanina pa ba sila? " may kabado narin na tanong ko.
"Mga thirty minutes na pong ganyan si young master seniorito. "
Ng marinig ko ito ay napaup and down ang kamay ko. Iniisip ko kung ilang minuto ang gugugulin ko sa paglambitin kung ako yun.
Kinakaya nga ni Tyron, eh mas malakas ako sa pinsan ko. Baka mamaya, na kapag nag one on one kami ay matalo na niya ako.
Nasa may pool area na ako at nagawa ko ng mag-kape sa may bench with bread habang pinapanood ko sila.
Isusubo ko na lang sana ang tinapay na hawak ko ng makita ko si Ady na bumuwelo at biglang nagbackride kay Tyron. Napatigil ang pagsubo ko dahil dinig na dinig ko ang galit ni Tyron sa ginawa ni Ady.
Pinagpawisan ako sa mga eksenang nakikita ko. Para na tuloy akong naiihe. Para silang nagtatalo sa taas pero boses lamang ni Tyron ang naririnig ko.
Napatingin ako sa pool at sa kinaroroonan nila ngayon. Mataas. Hindi normal ang pagiging secondfloor ng bahay ng Victorian lalo pa't may kababaan ang area kung nasaan ang pool.
Hanggang sa biglang umiba ang posisyon ni Ady ng sumaklang na ang dalawa nitong hita sa baywang ni Tyron at may kung anong sinilip si Ady sa kanyang damit.
Pinipilit kong alamin kung ano ba ang ginagawa ng dalawa.
At dito na ako napatayo ng bigla nanamang lumipat ng puwesto si Ady na tumungo sa harapan ni Tyron. Bigla akong nakaramdam ng inis.
Palakad lakad na ako sa baba dahil sa nagtatalo nanaman sila.
Ang posisyon iyon ay ang posisyong gustong gusto ko! Nagngangalit ang aking mga ngipin na para akong nagseselos!
"What the f**k! "
Unang araw palang ay gusto ko na si Ady! Nung sinabi ko sa kanyang akin nalang si Ady ay pumayag sya kaya dapat panindigan nya yun!
May Kisha na sya kaya sa akin si Ady!
At bigla akong napatigil ng biglang mahuhulog si Ady ngunit mali pala ang inakala ko dahil sa naglambitin ito sa paa ni Tyron.
Katakot takot ang pinaggagawa ni Ady ng sa pag swing niya ay sumirko pa ito sa ere at maayos namang nakalanding sa lubid na animoy para lang talaga siyang ibon na humapon roon.
Nagtama ang aming mga mata mula sa kinaroroonan ko at ngumisi ito sa akin. Pero saglit lamang iyon dahil sa nakita ko na siyang nagdive mula sa taas.
Nakakatakot! Ang lakas talaga ng loob ng babaeng ito. Kinikilabutan ako. Mahal ko na sya!
Kitang kita ko kung paano niya pinahihirapan si Tyron.
Dahil ng magdive ito sa tubig ay kasabay si Tyron na pumailalim.
Napapalundag lundag ako at nagbibilang na ako sa aking isip. Halos limang minuto ay lumitaw na si Tyron habang si Ady ay wala pa. Swimmer si Tyron kaya he can stay long enough under the water for almost five to seven minutes I guest or more.
Nakita kong humigop ng hangin ang galit na mukha ng pinsan ko at muling sumisid.
Nasa ilalim sila ng tubig at wala akong makita. Nakakainis.
Nag-aalala na ako kay Ady na hindi pa lumilitaw.
Tumatagal na sila sa ilalim. Hindi na ako mapakali.
Hanggang sa bigla nalang umangat sa tubig si Tyron at iniisip ko kung paano nangyari ang mga iyon.
Lumukso?
Fuck! Nagslow motion ang nakita kong takot sa mukha ni Tyron habang ako ay nakanganga.
Nakita ko na itong bumagsak sa tubig at agad ring lumitaw.
Kasabay narin niyang lumitaw si Ady.
At dito ko na narinig ng malinaw ang usapan ng dalawa.
"God damn you Adira! Your crazy!" sigaw ni Tyron.
Maaari ngang ganun nga dahil sa nakita ko kanina. At nakita kong tinawag niya itong Adira.
Adira pala ang pangalan niya.
"No I'm not! Your just weak! "
At may punto naman si Ady my love sa sagot nito.
"Bullshit! Im gonna kill you! "
"Makakayanan nya kaya!? " tanong ng isip ko.
"Then do it! Are you ready!? "
Nakangising tugon naman sa kanya ni Adira sa nakakatakot na mukha pero nakakamangha sakin.
"f**k! f**k! f**k! Adira enough! " at mabilis itong lumangoy palayo kay Ady my love.
At sa unang pagkakataon ay narinig ko ang masarap sa teynga niyang halakhak.
Naiinlove na talaga ako sa kanya!
At dito na ako nakamasid sa kanya ng bigla itong lumubog sa tubig habang si Tyron ay mabilis sa freestyle niyang paglangoy.
At sa tingin ko ay gumamit ng dolphin kick si Ady ng makita ko siyang nasa unahan na habang busy pa sa paglangoy si Tyron at hindi pa nito napapansin si Ady.
Lumubog muli si Ady sa tubig na parang pinagkakatuwaan niya ang pinsan ko. Kinakabahan talaga ako sa babaeng ito. Kakaiba siya sa lahat ng mga nakilala ko.
Hanggang sa nakitaan ko ng tensyon si Tyron ng tumigil na ito sa paglangoy.
Alam na niya.
Ako ay natetense narin.
Pero s**t! Sa susunod na training ay sasali na ako! Lumalakas si Tyron at mahusay ang nakuhang trainor ni Uncle.
Hanggang sa narinig kong sumigaw si Tyron at lumubog nanaman.
Napapadila ako sa aking labi... napapalunok dahil kita kong hirap na hirap na talaga si Tyron.
At bumalik sila sa gitna.
Hanggang sa nakita kong lulubog lilitaw si Tyron pabalik dahil sa sakay na niya si Ady.
Unang umahon si Ady at nakita ko siyang pupunta ito sa gawi ko habang si Tyron ay hirap na hirap umahon na akala mo ay binogbog ng pitong katao.
"Ady! " bati ko pero hindi niya ako pinansin.
Dineadma niya ang kagwapuhan ko.
Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa may sinusuri siya sa dulo. Sa may narra.
Nakita ko itong bumuwelo at para siyang unggoy. Wala na talaga akong masabi.
At maya maya rin ay bumaba narin siya.
"Ady... daya mo naman, bakit si Tyron lang!" salubong ko.
Fuck! Ang sexy niya sa mata ko.
Hindi niya parin ako pinapansin.
"Ady.... "
"What!? "
"Sali ako sa training! "
"Ask your Uncle first not me. At higit sa lahat hindi ako nagtratrabaho ng libre. "
Sagot nya sakin at mabilis na siyang naglaho sa paningin ko.
Magkasabayan lamang ang aking sasakyan ng makarating kami sa university.
Maging si Basty na aking bodyguard ay nakita niya ang mapusok na pagpark nito. Ako ay napapikit na lamang dahil isa ang aming sasakyan sa akala ko ay bubungguin niya.
Akala ko ay mamamatay na ako.
Patakbo kong hinabol si Ady habang nakasunod lamang sakin si Basty.
At ng nasa pathway na kami ay muli ko siyang kinulit.
"Ady! I have a good news! Check your email! Kelan ang start ko? " tanong ko.
Kinuha nga nito ang kanyan phone at napangisi ito.
"Oh Ady okay na ha!"
"Tomorrow morning. Sharp 5am ."
"Yun!!!!! Whoaaahhhh!!! Ady hah!!! See you later my love! " at patakbo na akong pumasok sa building at nag elevator na ako.