CHAPTER 10

1274 Words
PABALIK balik si Tyron sa kanyang balcony matapos makita niyang lumundag mula roon si Adira. At naabutan pa nga niyang bumubwelo ito sa bawat lagapak ng paa sa wall pababa. At ng mapagtagumpayan na nitong makababa ay nagkatitigan pa sila mula sa kanilang mga kinaroroonan. Hindi man kalinawan ngunit kitang kita niya kung paanong binigyan siya nito ng ngiti. Ang mapuputi nitong ngipin mula sa baba ang kanyang nasisilayan. At sa tuwing ngumingiti sa kanya si Adira ay halos matunaw siya at kinikilabutan. Ito ang damdamin na kinaiinisan niya ngayon. Binigyan pa siya nito ng babala na "I'm watching you" ng ituro ng kanyang dalawang daliri ang kanyang mata at itinuro sa kanya. Sunod sunod nanaman siyang napalunok ng laway. Agad niyang kinuha ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang ama. "What the-! Voor het eerst belde je mij ook. Wat is er mijn zoon?" bati agad sa kanya ng kanyang ama. (For the first time son tinawagan mo ako. What is it my son?) "Goddammit dad! Waarom heb je me een vrouwelijke lijfwacht vader gegeven? Ze is een monster!" ito naman ang tugon niya kay Mr. Smith sa kabilang linya. (Why did you give me a female bodyguard dad? She's a monster!) "Whoahhh whoaaah whooaaahhh! Tell me son, you like her !? She's amazing eiiih!? She's different from the other isn't it!? She's incredible! " maririnig mula sa kabilang linya na ito ay lubos na humahanga kay Adira kalakip ang boses na punong puno ng kasiyahan. "What the f**k dad! I called you coz I want you to get Adira out on her job! I don't need a bodyguard dad! " may mga diin na ani naman ni Tyron. "Hij is niet alleen je lijfwacht. Hij zal je ook leren wat je moet weten en als ik jou was, zou ik aardig zijn. Zoals je zei, hij was een monster. Het is geen grapje het enorme bedrag dat ik aan zijn bureau heb betaald, dus verspil het niet eiiiihh! See you soon son. Im on my meeting now. " paliwanag naman ni Mr. Smith sa anak saka ito nawala sa kabilang linya (Hindi lang siya bodyguard mo son. Ituturo din niya sa iyo kung ano ang kailangan mong malaman sa laban at kung ako ay ikaw, I will be kind. Tulad nga ng sinabi mo, siya ay isang halimaw. -laughing- Hindi biro ang napakalaking halaga na binayaran ko sa kanyang ahensya, kaya huwag mo itong sayangin eiiiihh!) TYRON POV Sa inis ko ay ibinalibag ko ang aking mobile phone sa wall. Gusto kong putulin at alisin ang malaking lubid na nakikita ko sa aking balcony. Pero dahil sa kinikilabutan ako o sabihin na nating nakakaramdam talaga ako ng takot sa impakta na yun ay hindi ko magawang gawin. Naduduwag akong kalabanin siya ngayon. Nakakainis. Wala pa akong sapat na lakas dahil hanggang ngayon ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Pero baka mamaya ay mayroon na. Kailangan ko lang siguro sa ngayon ng energy. Agad ko ng nilantakan ang mga pagkain sa aking harapan dahil ako ay gutom na kanina pa at dahil yun sa pagod. Hindi ko na nga namalayang naubos ko na pala sa unang pagkakataon ang mga pagkaing inihanda sa akin at di ko narin napansin na ang pinag-inuman ni Adira ay siyang pinag-inuman ko narin. Napatitig na lamang ako sa long glass ko at biglang nagreflex sa aking imahinasyon ang pinakawalang lagok niya kanina sa pag-inum. Ang kinis ng leeg niya. "Eihhhh? " Ang impakta na yun ay ginugulo na ang utak ko kung kayat napasabunot ako ng sarili kong buhok. Mabilis na akong naligo kahit masakit pa ang aking katawan at nagbihis. Alam kong busy ang babaeng impakta na sa labas kaya naman ay iiwanan ko na siya. Ayaw kong makita at makasama kahit ngayon lang ang Adirang unggoy. Patakbo kong tinungo ang aking sport car lamborghini aventador at pumasok na ako sa loob. Napatawa ako ng malakas sa loob ng aking kotse dahil malaya ko ng binabagtas ang kahabaan ng Alabang express way patungong Taguig. Nagawa ko pang kumanta at sumipol. At ng marating ko na ang entrace gate Countrial Manila University ay bigla akong nagulat ng biglang bumukas ang window ng aking sasakyan sa likod. Dapat ay mageescanner lamang ako ng aking index finger patunay na nasa loob na ako ng university. Pero ang impaktita! "What the mother fucker eiiiih!? Pa-panong? paano ka napunta dyan!? " tanong ko ng siya ay lingunin ko. Hindi niya ako pinansin at sa halip ay nagsulat lamang ito sa logbook ng gun surrender. Ang impaktang babae ito ay ginawa pa akong driver sa whole time duration ng pagbyahe. Bweset! Sinisira nya talaga ang araw ko! Nagpupumiglas ang aking emosyon ngayon kung kayat pabalandra kong ipinark ang aking sasakyan. Bahala na ang mga impaktong kagaya niya na darating pa kung saan magpapark. Nabwebweset ako tagala dahil lumabas na siya ang amo ko! Pinagdrive ko ang anak ng unggoy! Pagkalabas ko ng aking kotse ay sinipa ko ang aking gulong sa inis. "Master! " tawag sakin ni Matthias ng biglang gumalaw ang aking sasakyan at bigla akong napatakbo sa isang tabi. Balak pa ata akong bungguin. Nagkikiskisan na talaga ang mga bagang ko. Ang impaktang babae talaga na yun ay sinusubukan ako. Mabilis at walang pag-iingat siya magpatakbo ng aking sasakyan. Atras, abante. "What the f**k!" Reverse! Akala ko ay ibabangga niya ang aking lamborghini aventador sa dalawang sasakyan na kakapark lang at walang karurap kurap ang aking mga mata plus pigil ang aking hininga na inilusot niya sa makitid ang kotse ko at doon ay ipinark nya ito ng walang kahirap hirap sa tamang parkingan. Ang impakta! Ang mga bibig ko ay nakanganga maging si Matthias at Valmor na naroon. Napasuklay ako sa aking buhok ng makabawe at sinalat ko ang aking dibdib. Baka makahalata na naamaze ako. Kaya inayos ko ang sarili ko. Ng bumaba na iyon sa aking sasakyan ay mabilis na akong naglakad palayo sa kanya. Hinila ko si Matthias sa kanyang kwelyo sa likuran at gayun din si Valmor. Di rin makarecover ang mga ito sa kanilang nakita. "Goddammit Master, it's Ady! His a good goddammit driver eiiihh! "bulalas ni Matthias bago ito umayos sa posisyon ng kanyang paglalakad. Gayun rin si Valmor na tahimik lamang pero salubong parin ang mga kilay nito. May lihim na galit ito sa aking bodyguard at iyun ay aking nasesense. Di ko palang naitatanong kung bakit. Kakaiba talaga ang porma ni Adira! Di mo aakalaing babae ito dahil sa mas may dating pa ito dito sa dalawa kong kasama. She's wearing a ripped loss pants at nakablack loss T-shirt ito na pang emo ang dating with his pangmilitary boots na idagdag mo pa ang itim niyang sumbrero at may dark sunglasses pa siya. Papasok na kami sa classroom ng may biglang dumamba sa aking likuran. Tinakpan nito ang aking mata ngunit sa amoy niya ay kilala ko na ito. Kisha Atkenze. Ang babaeng kinagigiliwan at pinag-aagawan dito sa campus pero sa akin sya. Ahead sakin ng dalawang taon ito pero ok lang. Di naman ako pahuhuli sa experience ng maalala kong sinabihan ako ng guts ng impakta! "Babe! " ani ko at humarap na ako dito. Saka ko siya hinalikan ng mariin sa harap nilang lahat na ang mga mata ko'y mapanuksong hinahanap si Adira pero ang empakta ay nawawala. Nawala ako sa konsentrasyon ng paghalik ko sa girlfriend ko ng makita ko si Mike at Adira na nag-uusap na bakas sa mukha ni ugok kong pinsan ang saya. Naglalaro tuloy sa isip ko ngayon kung ano ang kanilang pinag-uusapan. At hindi ko mapigilan ang pagngalit ng aking mga ngipin habang tinitingnan ko sila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD