TAHIMIK na pumasok si Arthur sa pinaka dulong kwarto na matatagpuan sa ikatlong palapag ng kaniyang bahay. Pagpasok niya ay nakita niya ang katawan ni Eloisa na nakahiga sa kama. May mga tubong nakakabit sa katawan ng babae na nakakonekta naman sa mga aparatus. Naging matagumpay siya sa kaniyang plano. Matapos makita ni Theo ang katawan ni Eloisa sa morgue ay itinakas niya iyon sa tulong ng tauhan ng ospital na nasa morgue. Naging madali sa kaniya ang paglabas ng katawan ni Eloisa dahil sa kanila ang ospital. Binayaran niya ang tao na nasa morgue at iyong isang babaeng nurse na tumulong sa kaniya ng malaking halaga. Sa laki ng perang ibinigay niya sa dalawa ay nangako ang mga ito na mananahimik at walang pagsasabihan tungkol sa ginawa niya. Ngayon ay kampante na siya dahil ang akala ni Th

