“GISING ka na pala, Miss Ganda!” “Alam ko, nagtataka ka kung bakit hindi ka makagalaw. “Apat na minuto na lang pala at makakagalaw ka na. Kailangan na kitang patayin!” “Paalam na sa iyo, ha?” Hindi mapakali si Eloisa mula sa kaniyang pagkakahiga. Gising na ang diwa niya pero hindi pa niya magawang ibukas ang mga mata. Natatakot siya sa boses ng lalaki na naririnig niya sa kaniyang utak. Boses iyon ng lalaking nagtangkang pumatay sa kaniya. Gustong gumalaw ni Eloisa pero hindi niya magawa. Inipon niya ang lahat ng lakas na meron siya hanggang sa maigalaw na niya ang hinliliit sa kanang kamay niya. Nang magawa niyang igalaw iyon ay tila iyon ang naging sanhi para maibukas niya ang kaniyang mga mata! Isang mahabang paghinga ang kaniyang ginawa. Kusang umangat ang likod niya sa kama at

