INUNAHAN na ni Theo si Lorraine sa pagpunta sa gate ng kaniyang bahay upang ipagbukas ito ng gate. Sa kauna-unahang pagkakataon ay dinala niya ito sa bahay na sana ay titirahan nila noon ni Eloisa. Isinama niya doon si Lorraine upang magkaroon ito ng idea kung ano ba ang dapat baguhin sa bahay niya. May mga suggestion ito na sinang-ayunan naman niya dahil sa tingin niya ay mas ikakaganda iyon ng tahanan niya. Sa kasalukuyan ay mag-isa siyang nakatira sa bahay na iyon. Humiwalay na siya sa nanay niya pero minsan naman kapag may oras ay dinadalaw niya ito doon. Hindi rin nagtagal ay lumabas na si Lorraine. “Ang laki naman pala ng bahay na ipinagawa mo. Balak mo siguro na magkaroon ng maraming anak, `no?” Natatawang sabi nito nang makalapit na sa kaniya. Natawa naman si Theo. “Tama ka. Tot

