NAPANSIN ni Almira na may kakaiba kay Brad nang mag-out siya sa trabaho at makitang nakatayo pasandig sa pader ng hallway ang lalaki at hinihintay siya. Wala ang malawak na ngiti na palagi nitong bungad sa kaniya. Katunayan ay hindi nga nito agad napansin ang presensiya niya. Mukha kasing malalim ang iniisip nito. “Huy,” untag ni Almira sabay hawag sa braso ng lalaki nang makalapit siya rito. Noon lang siya tiningnan ni Brad na parang nagulat pang makita na naroon na siya. Pagkatapos ay agad nitong tinabunan ng ngiti ang kanina ay ekspresyon ng mukha nito. “Nandito ka na,” usal ng lalaki at hinalikan siya sa pisngi. “May problema ba?” takang tanong ni Almira kahit nang umayos na ng tayo si Brad, ginagap ang kanyang kamay at nagsimula silang maglakad

