NAGPASALAMAT na ngumiti si Brad at tinawid ang pagitan ng kanilang mga mukha upang gawaran siya ng masuyong halik sa mga labi. “Thanks,” bulong nito. Matamis na ngumiti si Almira at sandaling niyakap na lamang muli ang lalaki. Lihim siyang napabuntong hininga. Maisip pa lang na may nagagawa siya para kay Brad, na napapangiti niya ito ng ganoon ay lumolobo na ang puso niya, naghuhumiyaw nang, Hay, mahal ko na talaga ang lalaking ito. Nang tumimo iyon sa isip niya ay para naman siyang maiiyak. She was overwhelmed with her emotions. Kailangan niya pagaangin ang usapan. Kaya tumikhim si Almira at nasabi ang unang sumagi sa kanyang isip, “So, sino ang first love mo? Si Anje ba ng bandang Wildflowers ang tinutukoy ni Mathea kanina?” Halatang nabigla si Brad sa pagbabago niya ng usapan. Pagka

