Chapter 4: Awkward Encounter (Anne Marie)

2105 Words
"Gusto mo ba ng kape?" tanong sa akin ni Karen nang makalipas lamang ang mahigit isang oras na pagtatrabaho namin. Abala kasi ako sa pagbabasa tungkol sa mga dapat kong malaman sa trabaho at isinantabi ko muna ang pag-iisip sa CEO ng Villar Steel. "Bakit? Breaktime na ba?" tanong ko na hindi nakatingin sa kaniya. "It's coffee break," sagot niya sa akin. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Nine thirty na ng umaga at tiningnan ko rin ang mga cubicle. Mangilan-ngilan na lamang ang mga taong nagtatrabaho. "Sumama ka na sa pantry. Maganda roon at makapamili ka pa ng gusto mong kainin at inumin," aya sa akin ni Lester. "Let's go, guys. Gutom na ako at wala pa akong breakfast," ani Juvy at nauna na itong umalis. "Ano na?" muling tanong sa akin ni Karen. Busog pa naman ako ngunit interesado akong makita ang pantry ng aming department kaya sumama na ako. "Tara!" Nasa dulo ng seventh floor ang sinasabing pantry katabi ng recreational area. Pagpasok namin ay pinagtitinginan ako ng mga empleyadong naroon. Mukhang naiilang sila sa akin. "Alam naman na siguro nila na ako ang anak ng Presidente ng kompaniya. Kunsabagay, sino bang empleyado rito ang hindi nakakakilala sa akin. O baka hindi lang sila makapaniwala sa kagandahan ko," sabi ko sa aking isipan. Natuwa naman ako nang makita ko ang kabuuan ng pantry. Bilang anak ng may-ari ay super proud ako kay Daddy at inisip din niya ang kapakanan ng mga empleyado. Tama nga ang sinabi ng mga kasamahan ko. Ilang coffee machines ang nakahilera na may iba't ibang flavor ng kape. May mga pagkain ding pang meryenda na libre rin sa lahat ng empleyado. "Anong gusto mong inumin?" tanong sa akin ni Karen. "Ah, hot coffee without cream then less sugar." "Coming up, Ma'am!" Natawa naman ako sa sinabi ni Karen. Habang naghihintay ay bahagya kong nginitian ang mga nakatingin sa aking empleyado. "Thank you!" sabi ko kay Karen nang iniabot na niya sa akin ang kape na nakalagay sa styro cup. "Gusto mo ba na roon na tayo sa loob ng opisina? Medyo crowded na kasi rito," ani Lester sa akin. "Sige sa office na tayo," sagot ko sa kaniya. Bumalik na kami sa opisina na bitbit ang aming mga kape. Si Juvy naman ay may dalang kakanin dahil nga sa gutom na ito. "Anne, may boyfriend ka ba?" tanong sa akin ni Karen habang nagkakape kami. "Wala!" maiksi kong tugon. Nanlaki ang mga mata nila nang marinig ang naging sagot ko. "What? Sa ganda mong 'yan?" bulalas ni Juvy na puno ang bibig ng kakanin. Maging sina Karen at Lester ay hindi rin makapaniwala. "Echusera ka rin ano? Niloloko mo lang ata kami eh?" ani Karen sa akin. "Eh sa wala talaga. Alangan namang sabihin ko na meron?" natatawa kong sabi sa kanila. "Grabe, halos nasa iyo na ang lahat. Maganda, sexy, makinis ang balat, matalino, mayaman tapos walang boyfriend? Eh, paano na ako nito? Baka tumanda na akong dalaga dahil wala man lang ako sa kalingkingan ng kung anong meron ka," maktol ni Karen na tila problemado. "'Wag ka ng umasa, Karen at masasaktan ka lang. Ipaunat mo muna ang kulot mong buhok at baka lingunin ka man lang ng crush mo," pang-aasar ni Lester kay Karen. Inirapan naman ito ni Karen. Natatawa ako habang pinagmamasdan ko sila. Ngunit pumasok din sa isipan ko ang tanong kung bakit nga ba wala pa rin akong boyfriend. Sa tagal ko sa America ay hindi rin naman mabilang ang lalaking nanligaw sa akin pero wala akong sinagot ni isa sa kanila. Tanging si Brayden lang naman ang pinagbigyan ko ng aking sarili. Parang naging friends with benefits lang ang set-up namin hanggang sa ako na rin ang nagsawa at basta ko na lamang siyang iniwasan. "Maybe, it's because I haven't found the right man," sabi ko sa aking isipan. "Anne, tawag ka ni Miss Trinidad," narinig kong sabi ni Juvy. "H-ha?" "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong ni Karen sa akin. "Iniisip ko kasi ang sagot sa tanong mo kung bakit wala pa akong boyfriend," pabulong kung sagot sa kaniya bago ako tumayo at magtungo kay Miss Trinidad.Natawa naman siya at binigyan ako ng thums up sign. Pagdating ko sa table ni Miss Trinidad ay nadatnan ko siyang may kausap sa telepono. Sinenyasan niya ako na umupo at nginitian ko naman siya. Ilang saglit lang ay tapos na itong makipag-usap. "Miss Hernandez, napag-aralan mo na ba ang tungkol sa Villar Steel?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Yes, Ma'am." "Good. Just make sure na maayos ang relationship natin sa kanila dahil alam mo naman na sila ang major supplier natin. Pero 'wag mo ding hayaan na sila ang magdikta ng lahat. Tayo pa rin ang kliyente nila." "I'll take note of that, Ma'am. I'll do my best para magampanan ko po ng maayos ang trabaho ko," nakangiti kong tugon sa kaniya. "I'm so honored na rito ka dinala ng iyong Daddy para mag-training. I know mahirap sa part mo bilang heiress ng kompaniya lalo na at sa States ka pa nag-aral. It means na masunurin kang anak." "Wala lang po akong choice, Ma'am," nakangiti kong sabi na nagpatawa kay Miss Trinidad. "You are right, wala ka ngang choice. Well, malawak ang scope ng trabaho natin and your Dad knows what's best for you. You will learn a lot from her and later on ay magagamit mo iyon kapag nasa mataas ka ng posisyon. Just be patient, okay?" Yes, Ma'am!" Pagkatapos naming mag-usap ni Miss Trinidad ay bumalik na uli ako sa aking puwesto. Ipinagpatuloy ko ang aking trabaho hanggang sa nakita kong nagtatayuan na ang ibang mga empleyado. "Lunch break na," sabi sa akin ni Karen. Hindi ko man lang namalayan ang oras at tanghali na pala. "Saan tayo kakain?" tanong ni Lester sa amin. "May masarap bang restaurant na malapit dito?" tanong ko sa kanila. "Diyan sa tapat ng building. May Japanese restaurant diyan pero hindi namin keri ang presyo. Pang karinderya lang kami," tugon ni Karen. "I'll treat you!" sabi ko sa kanila. "Talaga?" ani Karen na lumaki bigla ang mata. "Yes. Since it's my first day at work at mababait kayo sa akin ay ililibre ko kayo." "Iba talaga kapag may mayaman kang kasama sa trabaho. Ang swerte talaga nating tatlo," ani Lester na may pasipol-sipol pa. "Tara na at baka maubos na ang oras natin at hindi na tayo makakain ng husto," sabi ni Karen at nauna na itong naglakad. Dinampot ko ang aking bag at sumunod na sa kanila. Pagdating namin sa reataurant ay halos mapuno na iyon. Mabuti na lang at meron pang isang mesa na bakante ngunit nasa sulok na iyon nakapuwesto. Pagkaupo namin ay binigyan na kami ng waiter ng menu. Panay ang tanungan ng tatlo kung ano ang o-order-in. "Which do you want, ramen or rice?" tanong ko sa kanila. "Rice!" sabay-sabay na sagot ng tatlo. "Gyudon, Tonkatsu, tempura, miso soup and rice. Okay na ba sa inyo?" tanong ko uli sa kanila. "Deal, Miss Heiress!" sabay na namang sagot ng tatlo. "Miss Heiress?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanila. "Ano kasi eh, napag-isipan namin na masyado namang plain na tawagin ka sa pangalan mo despite na anak ka ng President ng kompaniya. Paano na lamang kung malipat ka na sa mas mataas na posisyon? Kaya napagkasunduan namin na tawagin kang Miss Heiress na lang," paliwanag sa akin ni Lester. "Kailan kayo nag-usap? Wala naman akong narinig sa mga pinag-uusapan niyong tatlo." "Sa GC namin," sagot ni Karen. "May GC kayo?" "Yup. Doon kami madalas mag-usap lalo na kapag hindi puwedeng malaman ng iba," sagot ni Juvy. "Ah, kaya pala ang busy niyo sa computer kanina. Busy pala kayo sa kuwentuhan. Naku, lagot kayo sa akin," sabi ko na kunwari ay galit. "Naku, galit na si Miss Heiress. Sabi ko naman kasi sa inyo na 'wag ng sasabihin," paninisi ni Karen sa dalawa. "Gusto mo bang sumali sa gc?" tanong sa akin ni Karen na hindi man lang apektado sa naging reaksiyon ko. "'Wag niyo na akong idamay diyan. Just save my number at ibigay niyo rin sa kin ang number niyo. You can reach me by just call or text." "Okay," malungkot ang mukhang tugon ni Karen. Sinabi ko na ang order namin sa waiter saka nagpaalam ako na magtungo sa cr. "GC? Ang jologs talaga nila," sabi ko sa aking isipan sabay iling. Dahil nasa dulo na kami nakapwesto ay malayo na iyon sa cr. Saktong pagliko ko ay bumangga ako sa isang matigas na bagay. Nawalan ako ng balanse at muntikan na akong matumba. Mabuti na lamang at may kamay na sumalo sa akin. Saka ko napagtanto na tao pala ang nakabanggaan ko. Itinaas ko ang aking paningin at muntikan na akong masamid ng aking laway nang makilala ko kung sino ang nakabanggaan ko. Si Renzo Villar. Naramdaman ko rin na biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Miss, are you okay? Are you hurt?" magkasunod niyang tanong sa akin. "I-I'm f-fine!" nauutal kong sagot sa kaniya. "s**t! Ang guwapo nga niya. Kamukha niya talaga si Captain America. Tapos ang kaniyang katawan, ang macho niya. Ang sarap niya sigurong kayakap. May abs kaya siya?" tanong ko sa aking isipan habang nakatitig pa rin ako sa kaniya. "I'm sorry, nagmamadali kasi ako kaya hindi na kita napansin. Mabuti naman at okay ka lang," sabi niya sa akin. "Grabe, ang boses niya ang lamig sa pandinig ko. Ang sarap niya sigurong kausap sa telepono?" sabi ko na naman sa aking isipan. "Sige, Miss. Pasensiya na uli," sabi niya saka umalis na. Pagkatalikod niya ay saka ako natauhan. Lumingon ako saka ko siya hinabol. "Wait!" tawag ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglakad at nilingon ako. "I'm Anne Marie Hernandez," pagpapakilala ko sa kaniya sabay lahad ng aking kanang kamay. Napangiti naman siya na lalong nagpaguwapo sa kaniya. Muli ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "I'm Renzo Villar." Nakipagkamay siya sa akin. Pakiramdam ko ay may kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan nang magdaop ang aming mga palad. Mainit ang kaniyang mga palad na para bang kayang bumuhay ng malamig na bangkay. "Nice to meet you, Miss Hernandez," nakangiti niyang sabi na siyang nagpabalik sa aking katinuan. "Nice to meet you, too." Binitawan na nito ang aking kamay at tuluyan na siyang nagpaalam sa akin. Nakita kong nagtungo siya sa parte ng restaurant na para sa mga reserved at VIP customers. "Sino kaya ang kasama niya sa loob? Siguro naman walang babae lalo na at sabi ni Karen wala pa raw siyang girlfriend." Hindi na ako tumuloy na pumunta ng CR at bumalik na lamang ako sa aming puwesto. Sakto naman na dumating na ang aming pagkain. "Bakit parang ang saya mo?" tanong sa akin ni Karen habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. "Hindi ka ba masaya na makita ang pagkaing 'yan?" balik na tanong ko sa kaniya. Marahil ay nahuli niya ako na pasimpleng napangiti habang iniisip ko ang napakaguwapong si Renzo Villar. "Thank you so much, Miss Heiress. Salamat sa masarap na pagkain," sabi sa akin ni Karen na todo ang ngiti. "Stop talking na at magsikain na tayo." Tahimik kaming apat habang kumakain ngunit patuloy ko namang iniisip si Renzo. Pabalik-balik sa aking isipan ang eksena ng una naming pagtatagpo. Naisip ko na ang awkward at ang jologs pa ng first encounter namin. Napanood ko na kasi sa mga palabas ang mga gano'ng eksena. Nagkabanggaan tapos nagkagustuhan. "Yes, I like him! Kaya kailangan kong gumawa ng paraan na makausap siyang muli," sabi ko sa aking isipan. "Isali niyo na ako sa gc," bigla kong sabi sa tatlo. Sabay naman silang napatingin sa akin habang ngumunguya. Napainom din sila ng tubig. "What's wrong with you?" tanong sa akin ni Lester. "What's wrong with me? Nothing!" "Nakakagulat ka kasi. Kanina todo tanggi ka pa tapos ngayon bigla ka na lang pumayag? Kaya nagtataka ako kung anong nangyari sa'yo," paliwanag sa akin ni Lester. "Napag-isipan ko lang na mas convenient na mag-usap sa group chat para isahan na lang ang pag-reply sa message. Unlike na isa-isahin ko pa kayo," palusot ko. Ang totoo ay gusto ko lang naman makakuha ng impormasyong tungkol kay Renzo Villar na hindi nila mahahalata na interesado ako sa lalake. "Add mo na at 'wag ka ng makipagtalo," sabi naman ni Juvy kay Lester. "Hindi ako nakikipagtalo. Nagtatanong lang naman ako," sagot naman nito. "That's enough! Tapusin na natin ang pagkain then add niyo ako later," sabi ko sa kanila. Nagkibit ng balikat na lamang ang tatlo habang pasimple na naman akong napapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD