"What took you so long?" tanong sa akin ni Mommy pagkabukas ko ng pinto.
"It's hard to find a dress, Mom. I don't know kung ano po ang posisyon na ibibigay sa akin ni Dad kaya 'di ko alam kung anong isusuot," pagsisinungaling ko kay Mommy na may kasama pang pagmamaktol para maniwala siya.
Kung alam niya lang ang dahilan kung bakit ako natagalan, marahil ay kinalbo na niya ako. Wala kasi silang kaalam-alam sa mga pinaggagawa ko sa States. Kasi nga hindi ko naman pinababayaan ang aking pag-aaral. And that what matters to them.
"It's okay, anak. I'll explain na lang to your Dad kapag tumawag siya uli. Smile ka na. Hindi ganiyan dapat ang itsura ng first day at work," nakangiting sabi sa akin ni Mommy.
Puno talaga ng positivity sa katawan si Mommy kaya for me siya talaga ang the best mom in the world.
"Meron pa ba expect for her? Duh! Of course she's my mom," sabi ko sa aking sarili. "I have to go, Mom. I love you!"
Hinalikan ko muna si Mommy sa pisngi bago ako sumakay ng kotse. Tahimik lang ako sa buong biyahe kahit alam ko na naghihintay lang si Mang Luis na magsalita ako. Ngunit mas pinili ko ang isipin kung anong naghihintay sa akin sa Hernandez Construction and Development Corporation.
"Good morning, Miss Anne!" nakangiting bati sa akin ng mga security guards pagpasok ko sa aming building.
"Good morning!"
Todo rin ang ginawa kong pagngiti. Tinanggal ko pa ang suot kong shades para makita ng lahat ang kagandahan ko. Naglakad ako na para bang Miss Universe sa lobby hanggang sa makarating ako sa elevator kung saan maraming empleyado ang nakapila para makasakay. .
"They recognized me pero hindi man lang nila ako ini-assist? Hindi ba nila alam na ako ang nag-iisang anak ng may-ari ng kompaniyang ito?" tanong ko sa aking isipan.
Babalikan ko sana ang mga guwardiya sa entrance ng building ngunit may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Miss Anne?"
Sinulyapan ko ang babaeng nasa tabi ko at pilit kong inaalala kung saan ko nga ba siya nakita.
"Miss Anne, kayo nga! Grabe ang ganda-ganda niyo talaga. Para kayong Hollywood star."
Napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang nakarinig sa mga papuri niya sa akin at nagbulung-bulungan pa ang mga ito.
"Ang ganda nga ng anak ni Sir Hernandez. Grabe, nakaka-intimidate tumabi sa kaniya," naririnig kong bulungan ng mga ito.
Natuwa naman ako ngunit hindi nagpahalata sa kanila. Pasimple ko silang nginitian na para bang nahihiya pa ako. Well, hindi ko naman sila masisisi. Noon pa man ay narinig ko na ang mga salitang iyon. Sabi nga nila, kamukha ko raw si Miss Charlene Gonzalez.
"Miss Anne, ako ito, si Karen. Karen Bautista. Iyong scholar ng foundation niyo," pagpapakilala nito sa sarili habang todo pa rin ang ngiti sa akin.
"Ah... Yeah! Naalaala na kita," sabi ko sabay tawa ng pilit. "Karen Bautista? Sino nga ba siya?" tanong ko sa aking isipan. Ang dami kasing scholar ang foundation namin at mula pagkabata ay present ako sa mga mahahalagang okasyon kaya kilala ako ng mga beneficiaries.
"Totoo nga ang balita na magtatrabaho na kayo rito sa kompaniya. Sana sa Department namin kayo mapunta."
"In what department are you in?" casual kong tanong sa kaniya.
"Purchasing Department."
"Gosh! Purchasing Department na puro tawaran ang ganap. Its a no for me. Sa PR team talaga ang gusto ko. Sana doon ako ipadala ni Daddy," sabi ko sa aking isipan.
Ayoko naman na magmukhang maldita sa harapan ng aming mga empleyado. Iyon ang pinakaayaw ni Daddy na gagawin ko kaya nga palagi niya akong pinaalalahanan na maging humble kaya nagkunwari akong okay sa akin ang Purchasing Department.
Nang bumukas ang elevator ay parang hinawi ang mga empleyado. Nagsitabi ang mga ito at pinauna akong pumasok.
"Thank you!"
This time ay tunay na ang ngiti na ibinigay ko sa kanila. Pagkapasok ko ay sumunod naman sa akin ang nagpakilalang si Karen saka ang iba pang mga empleyado. Pinindot ko ang fifteenth floor kung saan naroon ang opisina ni Daddy.
"See you later, Miss Anne!" ani Karen sa akin nang bumaba na ito sa seventh floor. Todo pa ang kaway niya at hindi umalis hanggat nakabukas pa ang elevator. Bahagya ko naman siyang kinawayan.
Pagdating ko sa fifteenth floor ay nagmamadali akong naglakad kasi pasado alas otso na. Siguradong galit na si Daddy.
"Good morning, Miss Anne!" bati sa akin ng secretary ni Daddy.
"Good morning, Miss Grace. Si Da---, ah I mean si Mr. Hernandez?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa board meeting pa po siya pero ibinilin na niya sa akin na sasamahan ko raw kayo sa Department niyo. Nai-brief na rin naman po ang magiging head niyo roon," tugon niya sa akin.
Napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya.
"You mean na ikaw ang magpapakilala sa akin at hindi si Da---, I mean si Sir Hernandez?"
"Yes, Ma'am! Matatagalan po kasi ang meeting niya at may naghihintay pa po sa kaniya na CEO ng isang supplier ng company," malumanay ang boses niyang paliwanag sa akin.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito ang unang araw ko sa kompaniya.
"An heiress is like a trash here," maktol ko sa aking sarili sa labis na pagka-dismaya. Hindi kasi ito ang inaasahan ko. Kunsabagay, parang hindi ko naman kilala si Daddy. Walang special sa kaniya pagdating sa trabaho. Lahat ay pantay-pantay.
Dinampot ko ang aking bag na ipinatong ko sa couch at nagdesisyon na sasama sa Secretary ni Dad ngunit biglang tumunog ang telepono nito.
"Yes, Ma'am. Andito na po siya. We will be there in five minutes po," narinig kong sinabi ni Grace sa kausap sa kabilang linya. "Okay po, Ma'am!" dagdag pa niya at ibinaba na ang telepono.
"Saang Department ba ako pinalalagay ni Mr. Hernandez?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"Sa Purchasing Department po, Ma'am. Halina po kayo at naghihintay na po si Ma'am Trinidad," sagot niya sa akin.
Muntik na akong matumba nang marinig ang sagot ni Grace.
"W-what? P-Purchasing Department?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sa dinami-daming department sa kompaniya bakit doon pa?" tanong ko naman sa aking sarili.
"Yes, Ma'am. Halina po kayo."
Mabigat ang aking mga hakbang na sumunod kay Grace patungong elevator. Pagdating sa seventh floor ay nakita ko kaagad ang malaking letra na nakasulat ang Purchasing Department. Huminga muna ako nang malalim saka pasimple kong tiningnan ang sarili sa salaming dingding. Pilit kong pinasasaya ang aking mukha.
"Good morning, Ma'am Trinidad. Andito na po si Miss Anne Marie na bago niyo pong staff dito," sabi ni Grace sa isang may edad ng babae.
"What? Staff? This is insane!" sabi ko sa sarili ngunit todo pigil pa rin na bumusangot.
"Good morning, Miss Hernandez. I'm glad that Mr. Hernandez entrusted you to our Department. Welcome," nakangiting bati sa akin ng may edad na babae na siyang Head ng Purchasing Department.
"Good morning, Ma'am! It's an honor to be here in your department," wika ko na labas sa aking ilong ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
Iginala ko ang aking paningin sa malawak na opisinang iyon. Maraming staff ang abala sa pagtatrabaho. Merong nakaharap sa computer ang iba naman ay may kausap sa telepono. Nakita ko si Karen na kumakaway sa akin habang todo ang ngiti. Isang simpleng ngiti naman ang ibinigay ko sa kaniya.
"Everyone, can I have your attention please?" sabi ni Miss Trinidad sa mga staff nito. "I would like to introduce to you our newest member here in our Department - Miss Anne Marie Hernandez."
"Welcome, Miss Anne!" bati sa akin ng mga naroon saka nagpalakpakan pa ang mga ito.
"Thank you!" matipid kong tugon.
Saglit na nag-uusap sina Miss Trinidad at Grace saka nagpaalam na sa akin ito.
"Good luck, Miss Anne," sabi pa ni Grace sa akin at nginitian ko na lamang siya.
"Karen, Juvy and Lester, can you come here?" tawag ni Miss Trinidad sa tatlong pangalan na kaagad namang nagsilapitan.
"Yes, Ma'am!" sabay-sabay na bigkas ng tatlo.
"Since nag-resign na si Carlos, si Miss Anne na ang hahawak sa account ng Villar Steel. Make sure na maituro niyo sa kaniya ang lahat about sa supplier natin. Remember na ang kompaniyang iyon ang main supplier natin kaya pagbutihin niyo ang trabaho. Make sure na nami-meet nila ang standards natin. Is it clear?" tanong ni Miss Trinidad sa tatlo.
"Yes, Ma'am!" tugon ng mga ito.
"Mabuti naman at ako ang boss ng tatlong ito," sabi ko sa sarili.
"Miss Anne, you can join them. Pag-aralan mo munang mabuti ang tungkol sa kompaniyang hawak niyo. If you have any questions, don't hesitate to ask me," sabi sa akin ni Miss Trinidad.
"Thank you po, Ma'am! I'll do my best po and I'll make the President's proud," nakangiti kong tugon sa kaniya.
Nagtungo na ako sa cubicle ng aming team kasama ang tatlo.
"Miss Anne, dito po kayo umupo. Mas komportable itong upuan kesa sa amin," sabi sa akin ni Karen.
Inilapag ko ang aking bag sa gilid ng magiging mesa ko at umupo ako sa sinasabi nitong komportableng upuan. In fairness, hindi na masama. Kahit papaano ay hindi na sasakit ang likod ko.
"Tama nga ang sinabi sa amin ni Karen na parang artista raw po kayo. Sa totoo lang, daig niyo pa ang mga artista," tila kinikilig na sabi sa akin ni Juvy.
Natawa naman ako sa sinabi at reaksiyon niya. Dahil sa magaan ang pakiramdam ko sa kanilang tatlo ay bahagya kong nakalimutan na ayaw ko sa Purchasing Department.
"'Wag nga kayong ganiyan. Isa lang naman akong simpleng empleyado rito kaya Anne na lang ang itawag niyo sa akin. Halos magkaedad lang naman tayo siguro."
"Hindi lang kayo maganda Mi--, este Anne. Ang bait niyo pa," pabulong na sabi sa akin ni Karen.
"Well, maybe we can start working now. Who can brief me about our account?" tanong ko sa tatlo.
"Ako na Anne," buluntaryo ni Karen at naupo na ito sa aking tabi habang ang dalawa ay naging abala na uli sa harapan ng computer.
Ibinigay sa akin ni Karen ang isang libro na may nakasulat na Villar Steel Manufacturing Corporation. Binuksan ko iyon at nakita ko ang ang profile ng buong kompaniya na siyang main supplier namin.
"So sa kanila nanggagaling ang lahat ng bakal at iba pang supplies na ginagamit sa construction?" tanong ko kay Karen habang nakatingin sa librong hawak.
"Yes! Halos seventy percent ng supplies na kailangan sa kompaniya niyo ay sa kanila nanggagaling."
"Nakakaya niyo na apat lang kayo na humahawak sa account na ito?" kuryos kong tanong kay Karen.
"Actually, hindi lang naman tayong apat ang may hawak sa kanila. More on contracts, deals, monitoring, product inventory at saka we're making sure na maganda ang relationship natin sa kanila. Kapag may mga product launching din pumupunta tayo. Kumabaga, sa ating apat lang dumadaan ang lahat tungkol sa Villar Steel bago ipasa kay Ma'am Trinidad," paliwanag niya sa akin.
Dahil sa business course naman ang tinapos ko sa States ay madali lang sa akin ang trabaho. Ang kailangan ko lang sa ngayon ay ma-familiarize ko ang sarili sa kompaniyang hawak namin.
"Kilala mo na ba ang CEO ng Villar Steel?" pabulong na tanong sa akin ni Karen.
"Hindi eh. Why?"
"Bagay kayo ni Sir Renzo. Grabe, ang guwapo niya! Tall, dark ang handsome tapos balita ko wala pa siyang girlfriend. Kaya nga kapag may meeting at nakikita namin siya rito sa kompaniya ay para kaming maiihi sa mga panty namin," kinikilig na kuwento niya sa akin.
Natawa naman ako sa reaksiyon niya. Na-curious tuloy akong makita ang sinasabi niyang si Renzo Villar.
"Ang alam ko nandito siya ngayon sa building. Baka kausap ng Daddy niyo."
"Search ko na lang kaya?" tanong ko kay Karen na sinang-ayunan naman niya.
Itinype ko ang pangalan ni Renzo Villar sa computer at biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ang kaniyang larawan. Para siyang moreno version ni Chris Evans na siyang Hollywood crush ko. Naalala ko pa nga na sumugod ako mag-isa sa isang hotel kung saan ito naka-check-in noon.
"Tama ako 'di ba? Sobrang guwapo niya?"
"Oo."
Para akong wala sa sariling katinuan na sumagot sa tanong ni Karen habang nakatingin pa rin ako sa larawan ni Renzo Villar.
"Umayos ka nga Anne Marie. Kung umasta ka ay para kang bata. Picture lang 'yan may pakabog-kabog ka pa ng dibdib. Mas maraming guwapo sa America," sabi sa aki ng isang bahagi ng aking utak.
"I want to meet him!" sabi ko naman sa aking sarili.