PALAKAD-LAKAD si Fiona sa sala ng condo nito. Ilang oras na lang ay ikakasal na ito. Hindi ito mapalagay na nagtatalo ang isipan at puso kung anong gagawin. Kung puso lang niya ang paiiralin niya ay hindi siya sisipot sa kasal at kakapalan na lamang ang mukha na lumapit sa pamilya ni Jayden para humingi ng tulong. Nangunguna ang mga kumpanya nila Jayden sa bansa. Kaya tiyak niyang magagawang sagipin ng pamilya nito ang papalubog nilang kumpanya. Pero kung isipan naman nito ang paiiralin at gawin ang tama? Kailangan niyang tumupad sa usapan ng pamilya nila. Ang magpakasal siya sa matandang sasagip sa kumpanya nila. "Uhm, Annie?" pagtawag nito sa assistant ng mapapangasawa. Kaagad namang lumapit ang dalaga na may matamis na ngiti sa mga labi. "Yes, Ma'am?" "Pinuntahan mo ba ako dito k

