Biglang nag-announce ang dean ng college department na postponed muna ang klase namin ngayong araw dahil magkakaroon ng memorial prayer para kay Ashley dahil estudyante siya dito sa campus namin. Hindi na sana ako papasok pa dahil wala namang klase pero hindi kami pwedeng umabsent. Kailangan naming um-attend lahat, lalo na ang mga kaklase ni Ashley ay dapat kumpleto, at mas lalo naman na kailangan na nandoon ako dahil naging kaibigan ako ng namayapang si Ashley. Dumeretso kami sa gymnasium ng campus dahil doon gaganapin ang memorial prayer. May mga upuan na doon na nakahanda habang sa gitna naman ng stage ay may nakalagay na lamesa at mga kandila saka bulaklak. May pari na rin na naghihintay sa stage saka ilang madre at naroon na rin ang lahat ng professors namin kasama na si dean. Nang

