"Where are you going?" tanong sa akin ni Joshua sa kabilang linya. He's currently watching me fixing my hair and face right now. Nang maayos ko ang buhok ko ay nilingon ko ang phone ko. "I'll be visiting my cousin in the hospital.” Isa lang naman iyong palusot dahil ang totoo ay may schedule ako ngayon sa hospital para magpa-check up. Alas-diyes na ng umaga at alas-onse ang schedule ko. Hindi ako sa isang kilalang hospital nagpa-schedule. Naghanap ako ng medyo malapit na hospital na tago lamang ang lugar at masasabi kong hindi ako makikilala kapag may nakakita sa akin. Umiiwas rin kasi ako ngayon sa mga employees ng company namin since mainit pa rin ang pangalan ko sa kanila. Baka mas lalo akong maging usap-usapan kapag nalaman nila na nag-punta ako sa psychiatric hospital. "Did you ha

