Kakaibang kaba ang dinulot ng mga huling salitang iyon ni Ashley para sa akin. Bigla na lang niyang isinabit ang leeg niya sa lubid na isinabit niya sa kisame ng kwarto niya. Nang alisin niya ang upuan kung saan siya nakatayo ay naghiyawan ang ibang estudyante rito. Ni hindi ko magawang ilayo o patayin ang phone ko sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang dahil sa gulat na nagawa niyang tapusin ang sarili niyang buhay. Umaasa ako na may biglang papasok sa loob ng kwarto niya para maagapan siya ngunit hindi iyon nangyari. Ilang minuto pa ang lumipas at lumaylay na ang dila niya at hindi na rin nanlaban pa ang katawan niya, senyales na wala na siyang buhay. Doon ko lang nabitawan ang phone ko at para bang nanghina ang mga tuhod ko. Mabilis akong inalalayan ni Byron kaya napakapit ako sa bras

