Mabilis akong kumilos para maghanda na papasok sa campus. Sa kakatawa ko ay nakaidlip akong muli at ngayon ay nagmamadali na ako sa pagpasok. Kung hindi pa ako tinawagan ni Joshua sa messenger ay hindi ako magigising. Nang maisuot ko ang uniform ko at konting ayos na lang sa mukha ang ginawa ko saka ako lumabas ng kwarto. "What time ka ba kasi nagising at nalate ka na ngayon?" tanong sa akin ni Joshua. I wore my airpods dahil naka-on call pa rin kami kahit na noong naliligo ako kanina. Na-miss raw niya agad akong kausap dahil hindi ko man lang naisip kanina na mag-chat sa kaniya ng good morning. Masyado kasi akong busy sa pagpo-post kanina kaya naman nawala na siya sa isip ko. Hindi ko naman rin nakita kung naka-online na ba siya dahil hindi ko binuksan ang messenger ko. Isa pa, marami ak

