TRICIA POV Madali talagang mag init ang ulo ko lalo na kapag tumitingin sa ibang babae si Drake. Aminado naman ako na mayroon talaga siyang hitsurang lalaki kaya di rin maiiwasan na mayroong maakit sa kanya. Kaya lang, ang usapan naming dalawa, kahit na anong mangyari ay wag niyang lilingunin ang ibang babae kasi ako nga, kahit maka kita naman ako ng lalaki na type ko pero nagagawa kong wag silang tingnan kasi committed na ako sa kanya. "Tricia please, sorry na, ituloy na natin yung jogging. Ang presko kaya dito sa labas, ayaw mo ba akong makasama habang nandito ako?" "Ewan ko sayo!" sabi ko pa sa kanya, sa tindi ng tampo ko kay Drake, talagang umuwi na lang ako sa loob ng aming bahay at nag kulong sa kwarto. Pilit siyang kumakatok subalit tiniis ko na wag siyang pag buksan ng pintua

