TROY POV Nag matigas ako at di talaga ako sumama sa parents ko sa sinasabi nilang babaeng gusto nilang i reto sa akin. I am still deeply in love with Tricia at di ko pa rin talaga kayang tanggapin na wala na siya ngayon sa piling ko... na nakay Drake na siya... Gusto ko sanang pumunta kasama nila tito Henry sa sinasabi nilang bahay ni Drake kaya lang ay baka lalo lang magalit si Tricia at madamay pa ang parents niya sa pag aaway namin. Alam ko naman na naunang dumating si Drake sa buhay ni Tricia pero naniniwala ako na hindi siya mabuting tao. Nakakapag taka lang din isipin kung paano, ang isang tambay na kagaya niya ay bigla na lang yumaman ng ganito? Kahit na ilang beses ko pang isipin, talagang sinasabi ng isipan ko na sa iligal na paraan niya itong nakuhang lahat. Kung ganun, nasa pa

