Kabanata 23

1661 Words
KABANATA 23 The drive to Gene's house was lively. He was animatedly telling stories about the twin's naughtiness. Tawa lang kami ng tawa ni Mimi habang pinapanood siyang gayahin iyong mga expressions ng kanyang mga anak. Kanina ko lang nalaman na maaga palang ipinahatid ang kambal pauwi dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Panay din daw ang hanap nila sa akin matapos akong dalhin nila sa library. Na-guilty naman ako kasi naalala ko kung gaano sila natuwa coming to the party in their cute kimonos before I came out and ruined it all for them. I bit the inside of my lips para pigilan ang sarili kong malungkot sa harap nila at pinanatili ang ngiti sa aking mukha. Tama ng iyong pinag-alala ko sila kanina. I don't need them worrying more just because I feel guilty. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ni Gene. He was still doing his impressions on the twins. Si Mimi naman ay sinasaway na iyong asawa niya kahit tawang-tawa pa rin. As for Kyo's threat, ipagsasabukas ko na lang iyon. There's no use worrying for things na hindi pa naman nangyayari. Right now, I just want to enjoy this kind of moment with Gene's family. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama kami sa iisang bubong. Hindi ko man sinasabi sa kanya, but I've waited years for this. At ngayong nandito na ako, I'll spend every night having fun and just being happy with them. Eto naman talaga ang gusto mong mangyari, hindi ba Rekka? Mabilis lang ang naging byahe namin dahil sa mga pinaggagawa ni Gene. Nasa labas pa ang kambal at binabantayan ng mga yaya nila nang makarating kami sa harapan ng bahay nila. Pansin kong nakapambahay na ang mga ito, mga bagong ligo at tila handa ng matulog. Pagkakita sa sasakyan, kaagad naman silang nagsilapitan. Hindi pa man nabubuksan ay dinig na namin ang tawag noong dalawa. "Alright, alright..." Natatawang sabi ng papa nila bago binuksan iyong pinto. "Chichi!" "Haha!" Halos magkasabay nilang tawag. "Have you been good?" Agad na tanong ng mama nila at nagsitanguhan ang dalawa. They were all smiles nang biglang dumako ang paningin ni Rei sa akin. Natigilan ito at namilog ang mga mata. "Hi," nahihiya kong usal na bahagyang nakataas ang isang kamay para kawayan sila. "Neechan?" Mahinang usal ni Gun nang mapansin ako. "Neechan!" Magiliw namang sigaw ni Rei nang matauhan. Umakyat pa ito at mabilis na yumakap sa aking baywang. "Neechan's here! Neechan's here!" May kung anong kumurot sa puso ko nang sabihin niya iyon. "Look who's here to see his princess?" Iniling ko ang aking ulo pagkaalala noon at napatingin muli sa nakaakap na bulto ng bata. I was never like this with Rekka. I never showed any affection, or any emotion for that matter, towards him. If I've done this, ganito rin kaya ang mararamdaman niya? Matutuwa rin kaya siya to the point he'd be crying buckets dahil nilambing ko siya? If I did this, would he prefer to stay? Bigla na lang sumikip ang dibdib ko sa naisip. Stupid, Aya, why did you have to think about that!? Wala ng magagawa ang mga what if's mo. They're all in the past now. Move on. I was in the middle of castigating myself nang maramdaman ang isang hila mula sa ibaba. Napadungaw ako roon and saw Rei's excited face. "Neechan, come on! Let's get inside the house already! Let's play tag and Gun's gonna be the it!" Anito sabay hila uli sa akin. "Alright..." Natatawa kong sabi habang nagpapatianod sa paghila nito. As I came down, I saw Gene carrying Gun in one of his arms while Mimi's on his side animatedly talking to their son. It seemed like they were waiting for us to come out of the van. Agad namang tumakbo si Rei patungo sa mga magulang nito. Bumaba naman si Gun at sinalubong iyong kambal niya. "Neechan said she's gonna play tag with us!" Nasasabik na balita nito kanyang kambal. "Really?!" Masayang sambit ni Gun dito. Pagkalapit ko sa kanila, nahagip agad ng paningin ko ang bulung-bulungan ng mga yaya sa isang tabi habang nakatingin sa akin. Bahagya pa itong nagulat nang makitang nakatingin ako sa kanila. "Milo, pakihatid na lang sina Melanie sa mga bahay nila," ani Mimi bago ako nilapitan, "Tara na sa loob?" Nakangiti nitong anyaya. Ngumiti rin akong tumango sa kanya. Nauna na siyang naglakad at bumalik sa tabi ng asawa. Muli kong sinulyapan iyong dalawang yaya at nakitang nakatingin pa rin sa akin ang mga ito bago pumasok sa loob ng sasakyan. Napansin naman ni Milo ang pagtitig ko sa dalawa pero binalewala lang nito. He slightly bowed his head to me bago pumasok sa loob ng sasakyan. Tumalikod na ako at itinuon na lang ang paningin sa kabuuan ng tahanan nina Gene. Maliit nga lang talaga ito kung ikukumpara sa mga bahay ng ibang mga Cross. Napatingin ako sa mga bahay na nakapaligid sa kanila. I don't think they have any idea na kapitbahay nila ang Beta ng mga Cross. Kasi kung alam lang nila, dinudumog na sana ngayon ang maliit na bahay na ito ng mga taong nangangarap na maging kaibigan ang katulad namin for their personal "Aya," napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita kong nakaabang na sina Gene sa pintuan. Naka-extend ang kamay nito at may malapad na ngiti sa mukha. "Halika ka na, my beautiful daughter." Gusto ko sanang sumimangot sa huli nitong sabi pero parang walang puwang sa puso ko ang ibang emosyon ngayon bukod sa kagalakan. Inabot ko na lang ang kamay niya at nagpatianod ng hilahin niya ako papasok. The moment I stepped in, mayroon agad na nagsiputukan. The next thing I know, inuulanan na ako ng mga makukulay na papel. "Welcome home!" Sabay-sabay na bati nina Mimi at ng mga kambal. Hindi maalis-alis ang aking ngiti habang pinasasalamatan sila. Hindi ko mailarawan ang kasiyahang nadarama ngayon. How long has it been since someone welcomed me into their home? The last time was when Louise and I visited her old friend back in an old town of North Carolina. "Get out! You're not welcome here. Not ever! Get out and don't come back!" Bigla akong ginapangan ng lamig nang maalala iyong huling sinabi sa akin noong kaibigan ni Louise nang muli namin itong binisita matapos mabalitaang namatay ang kanyang apong kalaro ko noong unang pagbisita namin. "Neechan?" Nahimasmasan lang ako nang marinig ang boses ni Rei. Matapos ang konting salu-salong inihanda ni Mimi, pumanhik kami ng mga kambal sa silid ng mga ito at nilaro iyong bagong larong gawa ng Tito Kira nila. Napangiwi ako nang makita ang malalaking letra sa screen na nagpapahiwatig na natalo ako sa laro. Nagtatalunan na sila ngayon at tuwang-tuwa na natalo rin nila ako. Nakipagkulitan pa ako sa kanila hanggang sa biglang bumukas iyong pinto at iniluwa noon ang kanilang ina. "Alright you guys, time to sleep now," anito at kaagad naman nag-almahan iyong dalawa. "Your neechan is tired already. Next time naman, okay?" sabi pa nito sabay patay sa pinaglaruan namin. "Can neechan sleep with us? Pwease? Pwease??" Sabay akap ni Rei sa aking braso. Napalabi ako nang marinig iyon at sinulyapan ang ngayong nakahalukipkip na bulto ni Mimi. Ang totoo, gusto ko rin silang makatabi kaya lang baka hindi sila matulog kapag nandito ako. Baka buong magdamag na lang kaming magkukulitan. Saglit na napatingin sa akin si Mimi bago sinagot ang anak. "Oh? And I thought you said you're a big boy now? Do big boys sleep with their neechan?" "Eeeeehhh? But... but..." Mas humigpit pa ang pagkakaakap nito sa akin. "Rei..." Ani Mimi na may pagbabanta sa tono nito. Hinarap ko si Rei bago pa ito mapagsabihan at marahang hinaplos ang buhok. "Neechan will just check her room tonight since this is my first night here. And then next time, I'll sleep here with you, alright?" I assured him. He was still showing resistance at hindi rin nakatulong na nakisabay pa sa pag-angal nito ang kanyang kambal. Ilang sandali pa ng pangungumbinse namin, natahimik rin sila nang pumasok na sa loob ang kanilang ama. He persuaded them to sleep or they won't be playing with me anymore. Mabilis na nagsitunguhan sa kani-kanilang mga anak ang kambal ng marinig ang banta ng kanilang ama. They said their good nights at isa-isa naman silang hinalikan sa noo ng kanilang mga magulang. May konting inggit akong naramdaman nang maalala ko iyong mga panahong may gumagawa rin sa akin niyan. Nginitian ko na lang sila at nag-good night na rin bago lumabas ng silid. Matapos noon ay sinamahan na ako ni Gene patungo sa kwarto ko. There are three rooms in this house: a master's bedroom, the twin's room and the one they've prepared for me. Nasa dulo lang ito ng hallway, just across the couple's room at katabi ng silid ng kambal. Puna ko ang iba't ibang kulay ng mga pinto ng silid. Iyong sa master's ay dark blue. Iyong sa kambal naman ay royal blue. At iyong magiging silid ko'y dark red. Papalapit pa lang kami sa pinto ng aking silid ay napansin ko na ang nakasabit na sign dito. Bigla na lang akong ginapangan ng kaba when I saw the carved words in the wood in clear, cursive letters: My Princess. May mga guhit pa ito ng dalawang stick figures na iba-iba ang ginagawa. Napabaling ako sa gawi ni Gene para itanong sana ang tungkol rito. He was smiling as he moved past me para marahang haplusin ang mga naka-carved na letra. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi maiwasang mapuna ang panandaliang pagdaan ng isang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. Napatingin akong muli sa nakasabit na kahoy. May kung ano sa hangin ang nagsasabing kilala ko ang may gawa nito pero ayoko lang pangunahan. Posible pero ayokong pangalanan. Nanginginig ang mga kamay kong napahawak sa pendant ng aking kwentas as I stared at the sign once more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD