Kabanata 24

2131 Words
KABANATA 24 "Ilang taon ka na ring hinihintay ng silid mo. It's just so overwhelming to know that you're finally here to use it," sambit nito na nagpabalik ng tanaw ko sa kanyang mukha. He was being cheesy again but there was something in his voice that sounded so melancholic. Tumalikod siya at may hinugot na susi mula sa kanyang bulsa. Nakalock ang silid? Malinis kaya ang loob? Balak pa yata nitong pahigain ako sa isang maalikabok na kama. Hmmm, better a dusty bed inside a house of people who actually wanted me there than in that king-sized bed of a mansion where people constantly and openly prayed I'd be gone. Ipinasok niya iyong susi sa knob at isang click ang narinig ko bago nito binuksan ang pinto. Bahagya niya pa akong sinulyapan at nginitian ng tipid bago tumabi para padaanin ako. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok, nasagap agad ng ilong ko iyong pamilyar na amoy ng isang taong hinding hindi ko makakalimutan. I ran inside the room on impulse at agad na hinanap ang pinanggagalingan noong amoy. Bago ko pa iyon matagpuan, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan ng silid. All my paintings from the orphanage was there! Nakabalandra rin sa mga dingding iyong mga larawan namin noon. As I scanned the room full of our memories, something very familiar caught my eyes. My breath hitched when I saw his leather jacket hanging near the closets. It was the same old jacket he would wear every time he came to visit. Lumapit ako roon at pinagmasdan itong mabuti. Anong ginagawa nito dito? I thought they've burned all his things? Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan iyong inaabot. Pero bago pa man iyon mahawakan, kinain ng takot ang natitira nitong tapang. Hinagilap na lang nito ang pendant ng aking kwentas at doon humawak. Hindi ko kaya. Hind ko pa kaya. Mabilis kong nilingon ang gawi ni Gene para magtanong. Parang alam na nito ang gusto kong mangyari dahil nasa tabi ko na ito ngayon at inaabot iyong jacket. Muli kong nasagap iyong amoy nang dumaan iyong jacket sa aking mukha. "He left this here before he went to the US to get you. Nakalimutan niya sigurong kuhanin dahil sa sobrang excitement na makakasama ka na niya." Hindi ako nakaimik. May parte sa puso na gustong magpatuloy siya sa pagkwento. Pero mayroon ding parte na ayaw makinig at gustong tumigil na lang muna siya. But you wanted to ask him about the jacket, right? Tapos ngayong nagkukwento siya, ayaw mong marinig? Akala ko ba tanggap mo na? Tapos na iyon. Dapat tanggap mo na. Dapat hindi ka na nasasaktan. "He—" Natigilan si Gene nang makita ang ekspresyon ng aking mukha. I was showing him a smile that compelled him to stop. Sandaling napakunot ang noo nito sa aking ipinakita pero lumambot din naman. Tanggap ko na nga pero ayoko pa ring marinig. He didn't want me to dwell on the sad things after all. So bakit ko pa itu-turture ang sarili ko kung masasaktan lang ako habang pinapakinggan ang mga kwento tungkol sa kanya, hindi ba? "Do you want me to take this away? Pati na rin iyong mga paintings?" Muli akong napasulyap sa kabuuan ng silid. Punung-puno ito ng mga bagay na magpapaalala sa akin noong mga panahong dapat sana ay masaya ako but then I chose to be indifferent. Punung-puno ito ng mga bagay na magpapaalala sa akin ng aking pagkakamali na habang buhay kong pagsisisihan. Kaya ko bang manatili sa silid na ito with these things lying around? "No. Let them be." "Ha?" Muli ko siyang binalingan. Pinagsikapan kong mapanatili ang ngiti sa aking mukha bago nagsalitang muli. "It's fine, Gene. I'm fine." I saw how pain went across his face bago mabilis na inayos ang sarili na para bang hindi ko iyon nakita. "Alright! Kung iyan ang kagustuhan mo, we'll leave them the way they are. Pero kung gusto mong baguhin ang hitsura ng silid mo, feel free to do so. Alam ko namang you have your own choice of arrangement kaya hindi ko na pinakialaman ang silid na ito." He paused as he scanned the entirety of the room. Nandoon na naman iyong kalungkutan sa kanyang mga mata. "Wala kaming ibang pinapapasok dito. Kami lang dalawa ni Mimi para linisin ang silid. Wala rin kaming binago sa arrangement ng mga bagay." Tumango lang ako bilang pagsagot. Ano naman ang sasabihin ko tungkol sa ipinaalam niya? Ibinalik na nito iyong jacket sa pinanggalingan nito. Panandalian niyang hinaplos iyon bago inilipat ang paningin sa akin. Sandali ring naiwan ang mga mata ko roon bago ko tiningala ang mukha ni Gene. May pag-aalala rito pero kaagad din namang nawala at napalitan ng isang pilit na ngiti. "So, are you going to be okay in here?" Tumango naman ako as I scanned the room once more. Do I even have a choice? Ayokong isipin nilang hindi pa rin ako okay hanggang ngayon. I don't want to make them worry because of me. I just have to grow up and move on. "Alright, then. I guess I should leave you para makatulog ka na. You still have to be early tomorrow kasi magsisimula na ang mga lessons mo sa main house." Napataas ang kilay ko sa kanyang ibinalita. No one told me about this. It's still summer. Akala ko ba isasabay sa pasukan ang pagsisimula ng mga lessons ko? I still have those special courses I secretly took that I need to finish. "The elders have directed that you attend some lessons this summer." "Lessons? Ibig sabihin marami?" Hindi ko natiis na itanong. I was beginning to worry about those courses I have to do. I don't want to disappoint those universities that gave me the opportunity to take advance lessons with them. Baka akalain nilang hindi ako seryoso when I sent them my applications. "Hindi naman masyado. Just some self-defense and stuff." His voice was somewhat nervous. I eyed him suspiciously at napalunok naman siya under my gaze. Naghalukipkip ako. "Why would they want me to learn self-defense ? Halos itaboy na nga nila ako when they saw my sword skills." "I—" Natigilan siya at tila naghahanap ng isasagot. Napakamot na lang ito sa kanyang batok matapos ang ilang sandali. "I honestly don't know, Aya. Iyan lang ang sinabi nila sa akin. Hindi ko na rin naitanong kasi sabik na sabik na akong ibalita sa iyo ang tungkol sa pagtulog mo rito during weeknights." Ipinilig ko ang aking ulo sa kabilang banda as I stared at his face once more. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin. I don't know what it is but I intend to find out. "O, siya, matulog ka na. You still have an early day tomorrow. Susunduin ka ni Milo at ihahatid sa shooting range," anito bago tinungo ang pinto. "Shooting range?" Napalingon siyang muli sa akin. They're going to teach me how to shoot? I'm still twelve. Am I allowed? "Yes, Aya. Kyo's going to teach you how to use a gun—" Hindi ko na nasundan pa ang ibang sinabi ni Gene. Biglang nadapa ang pandinig ko doon sa nabanggit niyang pangalan. "Kyo?!" Bulalas ko bigla. Napakunot ang noo ni Gene sa aking reaksyon. "Yes, Aya. Like I said, Kyo will teach you about guns. Kira will teach you more about kendo. And Hans will teach you how to box." Napaawang lang ang aking bibig sa kanyang mga sinabi. Are they serious? The next generations of the branch line are going to teach me self-defense? Naalala ko bigla iyong pagkakasuklam sa mukha ni Kyo. Kaya ba ganoon na lang ang galit niya kasi pinilit siya ng mga matatanda to do something for the cursed one? "Matulog ka na, Aya. Gigisingin kita bukas kapag dumating na si Milo, okay?" Napatingin ako sa kanyang bultong papalabas na ng silid. Bigla na naman akong ginapangan ng takot. Takot na baka hindi na niya ako balikan pa. "Wait—" Hindi ko napigilang sabi. Agad namang napalingon si Gene at nakataas ang kilay. Hindi ako nakaimik. I want to say something pero wala naman akong maisip kung anong dapat sabihin. Ilang sandali pa ay isang mapanuyang ngiti ang bumusilak sa mukha nito. Napangiwi ako. Somehow, I got a feeling I know where the direction of this conversation is going. "Oh, are you scared sleeping on your own my princess? Do you want Daddy to sleep with you to keep the monsters away? I could always tell your Mommy—" Hindi ko na siya pinatapos at basta-basta na lang itinulak papalabas ng silid at mabilis na isinara ang pinto. "So mean!" Narinig kong angal nito mula sa kabila. "If you need anything, we're just across you, okay? Sleep well, my princess." Nang marinig ko na ang mga yabag nitong papalayo, tsaka pa lang ako umikot para muling masilayan ang silid. Madaling nahagilap ng aking paningin iyong mga pamilyar na mga kulay. Lumapit ako kung saan nakasandal ang bawat frames ng mga ipininta ko noon at isa-isa ko silang tinignan. As I scan through them, binibisita ako ng mga alaala ng mga naramdaman ko habang pinipinta ko sila. Galit. Pagkayamot. Awa. Takot. Lungkot. Pagkamuhi. Hindi ko akalaing itinago niya pala itong lahat dito. And I thought the orphanage got rid of them because they were too dark for a child. I remembered how the nuns would eye me worriedly for my paintings. Hindi nila ako makausap nang maayos dahil hindi naman ako nagbibigay ng kahit na anong sagot. It's like I was there but I wasn't. Inilipat ko ang aking paningin doon sa mga larawan. I saw the photos of the places he's been through, the people he's meet through his travels. He loved taking pictures. Kahit saan, kahit kailan siya kapitan ng inspirasyon, he'd get his camera and start taking pictures. But I have always been his favorite subject. Always. Napadako ang mata ko sa isang larawan kung saan bahagya akong nakaharap, a paintbrush on one hand and a canvass in front. Walang bakas ng ngiti sa mukha at wala ring buhay ang mga mata. "Smile, Princess!" I recalled him saying as he took this shot. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko sa naalala. Ramdam ko rin ang mabilis na pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Damn it! Hindi ako dapat umiyak! Agad akong umalis doon at wala sa sariling tinungo ang pintuan. I was about to open the door nang maalala kong nasa bahay nga pala ako ni Gene. Anong sasabihin ko kapag nakita niya akong nasa labas ng silid at ganito ang hitsura? I shouldn't trouble him anymore. Paatras na ako nang bigla kong matisud ang isang paa ng corner table sa may pintuan. Napahawak ako sa dingding para muling mahanap ang aking balanse. Aksidente kong napindot ang switch ng mga ilaw at agad na namatay ang mga ito. Akala ko'y panandalian akong mabubulag ng kadiliman pero hindi naman. The room was filled with translucent lights coming from somewhere. Luminga-linga ako para hanapin ang pinanggagalingan nito nang mahagip ko ang kisame. It was some sort of a painted puzzle. Ginamitan ito ng phosphorescent powder to make the pictures glow in the dark. Ilang sandali ko pa itong tinitigan habang iniisip kung ano ang kabuuan ng disenyo nang may napansin akong pamilyar na pattern. "Isn't that the--" Napasinghap ako nang napagtanto kung ano ang nakaguhit sa kisame -- a painting of a night sky full of falling stars! Kahit noong wala na si Louise watching the stars have always been my favorite. I would quietly climbed up the roof just to see them. I would try looking for the falling ones so I could make wishes on them. It was supposed to be a secret... my secret. So how did he-- "Your king will make all your wishes come true, princess. I promise you that." Parang mapuputol ang hininga ko sa naalala. Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Parang tambol na dumadagondong ang takbo ng puso ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng nakaguhit. Nang makita ko ang paborito kong konstelasyon ay agad na nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadya ng mahulog. Hindi ko na kinaya at agad na tinakbo ang pinakamalapit na bintana. I just have to get away from here! Fast or my tears will fall and I won't be able to stop them! I don't want to cry! I don't need these damn tears! Hinagilap ko ang lock nito at walang pagdadalawang isip na tumalon. "Pucha!" Hindi pa ako nakakatayo mula sa aking pagkakabagsak sa lupa, may isang malakas na kamay na ang humatak sa akin patayo gamit ang aking kwelyo. "Taranta—" Naputol ang sasabihin nito nang makita ang aking mukha, "Ian?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD