KABANATA 25
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala iyong humatak sa akin.
"R-Reign?"
Mabilis naman niya akong binitawan. Agad siyang tumingala sa aking pinagtalunan bago ibinalik ang paningin sa akin.
"Bakit ba ang hilig-hilig mong tumalon? Iyan ba ang trip mong entrance tuwing magkikita tayo?" Sabi pa nitong nagkakamot ng ulo.
Hindi naman ako makaimik dahil hindi ko inaasahang makikita siya ngayon. He was still wearing that leather jacket he wore nang iwan niya ako sa puno ng sakura kanina.
Muli siyang tumingala sa nakabukas na bintana.
"Dito ka ba nakatira?" Narinig kong tanong nito pero hindi ko pa rin makuhang sumagot.
Kumunot na lang ang noo nito nang makitang nakatulala pa rin ako. Humalukipkip ito as he was eyeing my clothes suspiciously.
"Balik na naman ba tayo sa bakla-baklaan mo?"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at mabilis kong sinilip ang suot ko. I was wearing a dark fuchsia pyjama. And though it didn't have any designs that would give away my real gender, the color itself was suspicious enough.
"I'm not gay." Usal ko sa matigas na ingles.
"And so he talks!" Sarkastiko nitong sabi habang umaaktong may audience at pumapalakpak pa.
"Anong ginagawa mo rito?" I asked to divert his attention.
But I was still curious. Does he live near here? I wondered as I looked around the area. Sa harap namin ay isang madilim na bahay. Parang wala na yatang tumitira given the state of their backyard.
"Napadaan lang. Hindi ko naman akalaing pati rito'y babagsakan mo ako."
Napanguso ako sa sagot nito. Nariyan na naman iyong ngiti niyang nang-aasar.
"Eh, ikaw? Bakit tumalon ka na naman? May curfew ka ba kaya diyan ka dumaan? At ano bang gagawin mo rito sa labas? Huwag mong sasabihing may kikitain kang babae dahil masasapak kita?! Kay bata-bata mo pa para sa mga babae-babae! Mag-aral ka muna!"
Sumimangot ako sa sinabi niya. Bakit ba automatic na babae ang sasabihin nito sa tuwing nag-iisip ng dahilan ko?
"Gusto ko lang magpahangin. Tulog na kasi iyong mga tao sa loob at nakakahiyang magising sila dahil lalabas ako kaya naisip kong diyan na lang dumaan." Pagdadahilan ko na lang.
"Magpahangin?" Muli itong tumingala bago ako tinignan, "May aircon ka naman, o! Mainit pa rin? Sira ba? Gusto mo ayusin ko?"
Akma na sana nitong aakyatin iyong kwarto ko gamit iyong mga pipes pero kaagad ko siyang pinigilan.
"Hindi naman sira. Gusto ko lang ng sariwang hangin kaya—"
"Kung sariwang hangin lang iyong hanap mo, buksan mo lang iyong bintana, sapat na iyon. Kailangan pa talagang tumalon mula roon para makalanghap ng sariwang hangin? Ano iyon, I believe I can fly lang ang trip mo?"
Sasagot na sana ako nang bigla niyang itaas ang kanyang daliri, stopping me.
"Lulusot ka pa, e. Akala ko ba napagkasunduan na natin kanina na sasabihin mo sa akin kung may bumabagabag sa iyo? Hindi ba't magkaibigan na tayo?" Usal nito habang nakapamaywang.
Nothing could get past this king, huh? Napayuko ako at tinitigan na lang iyong mga nilalamig kong paa bago ako dahan-dahang tumango rito. Ilang sandali rin bago ito muling nagsalita.
"Anong problema?" Masuyo nitong tanong.
Agad akong napatingala sa kanyang direksyon. Seryoso ang kanyang mukha at naghihintay sa aking sasabihin.
"I— um..." Hindi ko alam kung paano sasabihin o kung sasabihin ko nga ba. I've never talked to anyone about him. Hindi ko alam kung may lakas ba ako para ikwento sa kanya ang tungkol dito.
His emeralds were compelling me to open up to him. But if I do, hindi ko mapipigilan ang damdamin ko't bubuhos ang mga luhang isinumpa kong hindi na lalabas mula noong araw na iyon. Kapag nangyari iyon, iisipin nitong haring ito na mahina ako. He'll see through my lies and find out that I'm not really a boy like he thought I was. Hindi pwede.
Muli akong yumuko para maiwasan ang kanyang mga mata. Hindi niya pwedeng malaman na babae ako. We just became friends. I can't lose him too.
Nilunok ko iyong bara sa lalamunan ko para makapagsalita nang maayos pero hindi ko pa rin maiwasan ang panginginig ng boses ko.
"T-there's something in there na... na... ayaw ko ng makita. But I don't know how to get rid of it either."
Bahagya kong sinilip ang kanyang mukha. Nakakunot pa rin ang noo nito na tila hindi naniniwala sa aking isinagot.
Please don't see through my lies. Please don't ask me anymore. Please.
"Ipis ba iyan?"
"H-ha?" Namilog ang mga mata ko sa konklusyon nito.
"Lumipad ba kaya naisipan mo na lang na tumalon agad sa bintana? Hindi kita masisisi kung ganoon. Nakakatakot kaya ang lumilipad na ipis. Halos atakihin nga sa asthma si Nonoy noong dumapo sa ulo niya iyong naligaw na ipis doon sa headquarters."
Napaawang na lamang ang bibig ko sa kwento nito. Nakita ko siyang muling sinilip iyong bintana ng kwarto ko.
"Mukhang nakalabas na iyong ipis. Kanina pa bukas iyong bintana mo, eh."
Paanong sa ipis humantong ang usapan namin? Napabuntong hininga na lamang ako. Minsan hindi ko talaga alam kung malalim bang mag-isip itong haring ito o kasing babaw lang ng mga utak ng ipis.
Lumapit na ako sa dingding at pumatong sa isang plantbox para simulan iyong pag-akyat. Wala akong mapapala kung mananatili ako rito. Sasakit lang ulo ko sa pakikinig ng kwentong ipis. Pagod na rin ako. Tatakpan ko na lang ng mga kumot iyong mga paintings at larawan para hindi ko na sila makita pa.
Bago ko pa maapakan iyong pipe, hinawakan nito ang aking braso. Napatingin muna ako roon bago ko siya tinignan. Kaagad din naman niya itong binawi at itinago sa bulsa.
"Uh..."
Pansin ko agad ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. This is the first time since I've known him that I see uncertainty in his eyes. They have always been firm and strong.
"Wala. Gusto ko lang sabihin na mag-ingat ka sa pag-akyat at saka matulog ka na agad para mabilis kang lumaki."
Itinaas niya ang isa niyang kamay bago tumalikod. Pumunta ito sa may gutter at naupo roon. Nakaharap siya ngayon doon sa madilim na bahay. Napatingin ako sa dakong iyon bago ko siya muling tinignan. He was sighing every five seconds.
Was there something about that house na napapabuntong hininga siya ng ganyan?
Bumaba ako sa pinagpatungan ko at nilapitan siya. Nakadungaw pa rin siya sa bahay at bakas sa mga mata nito ang pangungulila.
"Was that your house before?" Tanong ko as I was sitting down beside him.
Medyo napapitlag siya nang makitang nandito pa rin ako. But then his expression softened bago ibinalik ang paningin doon sa bahay. Umiling ito sa katanungan ko.
"Katulad noong ipis mo, iyang bahay na iyan ang isang bagay sa buhay ko na ayaw kong makita pero hindi ko rin naman kayang kalimutan."
Parang huminto ang daloy ng hangin sa aking katawan nang sabihin niya iyon. Pansin ko ang pag-hugot niya nang isang malalim na hininga.
"May nakatira diyan dati who mean the world to me. Ipinangako niya sa akin noon na hinding-hindi niya ako iiwanan. Pero nagising na lang ako isang araw, bigla na lang siyang umalis nang hindi nagpapaalam."
Naninikip na naman ang aking dibdib sa sinabi niya. Why does his story sound so familiar? Was it only me who thought na ako lang ang bukod tanging nakaranas ng ganoong sitwasyon? Pinagdadaraanan din pala ito ng ibang tao?
"Now, all those sweet memories haunt me everytime I see this house. Nasasaktan ako kapag naaalala ko ang mga iyon. Naisip ko kung saan ako nagkamali at bakit iniwan pa rin niya ako sa huli. Baka kako kung nalaman ko, I could have done something para mapigilan ang pag-alis niya."
Wala sa sarili kong hinagilap iyong pendant ng aking kwentas at kumapit doon.
"Then why are you still here looking at that house if it only brings you pain?" I couldn't help asking. It was more for me than for him.
Muli siyang humugot ng isang malalim na hininga bago ako hinarap. Pansin ko ang mumunting tubig sa gilid ng kanyang mga mata. Nakangiti siya pero kita kong pilit iyon.
"Because as much as it pains me, this house also reminds me that once in my life I've met someone who truly made me happy."
Nakabalik na ako sa aking silid matapos niyang magpaalam sa akin. Hindi na kami nag-usap pa matapos noon at tahimik lang naming tinitigan iyong bahay. Wala rin naman akong sasabihin. I was too preoccupied thinking about his words and the meaning behind them. That's the reason why even as I'm lying on this bed looking at the incomplete painting above me, iyon pa rin ang nasa isip ko.
How could someone be happy while being in pain? Hindi ba't mas madali kung tatalikdan na lang ang lahat ng magpapaalala sa atin ng mga bagay na hindi na babalik pa? Mga bagay na masaya noon pero masakit ng isipin ngayon?
Napatingin ako kung saan nakasabit iyong leather jacket. Nagtatalo ang isipan ko kung lalapitan ko ba ito o hindi. Sa huli ay bumangon ako at unti-unti iyong pinuntahan.
Dinig na dinig ko ang bawat pintig ng puso ko habang nilalapitan ko ito. Samu't saring alaala noong mga panahong suot-suot niya ito ang bumabaha sa aking isipan. Hindi ko mapigilan ang paninikip ng aking dibdib sa bawat imaheng dumadaan sa alaala ko.
Biglang nanghina ang mga tuhod ko ng nasa harapan na ako nito. Gusto ko sana itong hawakan pero hindi ko alam kung kakayanin ko.
With my eyes closed, I slowly extended my shaking hands towards it. Napasinghap na lamang ako nang maramdaman ang tekstura nito at agad na napaatras ang aking kamay.
I gathered my courage as I filled my lungs with air. Matapos noon ay muli ko na naman itong inabot. Nang muli ko itong maramdaman sa dulo ng aking mga daliri, hindi ko na binawi pa ang aking kamay. Kahit na nanginginig, hinayaan ko lang itong manatili roon at masanay sa dama nito.
Nilakasan ko pa ang loob ko at dahan-dahang iginala ang aking mga daliri sa iba't ibang parte ng jacket. Habang ginagawa iyon ay dahan-dahan ko ring iminumulat ang aking mga mata. As soon as I saw it, strings of memories flashed before me.
A jet black hair that was pushed back and made him look bad-ass. A tall, lean frame with his jacket idly hanging on his broad shoulders. A white, crumpled, plain shirt that was roughly tucked inside his ripped, faded jeans. Some classic chucks that were not properly worn on his feet. Those pair of compelling dark eyes full of vitality as he looked straight at you. That sunny smile on his lips and a warmth-filled baritone that went with it.
Nakatulog ako noong gabing iyon habang yakap-yakap ang jacket niya. Amoy ko pa rin ang kanyang pabango galing rito. Naalala ko ang makulit nitong mukha at hindi ko napigilang mangiti.
"Good night, my princess."
Good night... Rekka.