Kabanata 26

2187 Words
KABANATA 26 "Walang nagsasabing madali ang buhay. In fact, napakahirap mabuhay. We are surrounded by people who were born completely different from us. Iba't iba ang ating mga pananaw, mga paniniwala at mga ipinaglalaban sa buhay. Living guarantees us a lifetime loaded of struggles, disappointments, betrayals, sadness, frustrations, anger and all those sorts that will surely make us want to just quit breathing." "But let's not forget that only by living can we also find the hope to have a better fate and the chance to be happy. Whether you like to admit it or not, we are nothing but just some speck of dust in the universe looking for that tiny thing we call happiness. Eto lang ang gusto kong ipangako mo sa akin. Promise me that in every situation that comes your way, choose to be happy. Please. Find happiness even in the darkest hour of your life." "I want you to smile. I want you to laugh. I want you to see that life can offer you better things than what you have to put up till now. I want you to be happy, princess, because if you are, then I am." I stared at the unfinished painting on my ceiling. Kakamulat ko lang ng mata pagkatapos maalala ang mga sinabi ni Rekka sa akin noon. Ramdam ko ang pagtakas ng isang butil ng luha sa gilid ng aking mata. Kaagad akong naupo mula sa pagkakahiga at mabilis na pinunasan iyon. It's been so long since I've dreamt of him. In my dreams, I could see those black orbs again looking straight at me. He had that sad smile on his lips as he clearly delivered those lines. I knew he was true and that his heart was sincere but I chose not to listen. I chose not to believe. And I broke him. Pikit-mata akong humugot nang isang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Matapos noon ay muli kong inilibot ang paningin sa aking silid. Kitang-kita ko na ngayon ang arrangement nito. Kulay puti rin ito gaya noong nasa main house. Nagsisilbing palamuti iyong mga nakasabit na iba't ibang hugis na mga frames ng mga larawang kuha niya. Nakahilira naman sa isang banda iyong mga canvasses ng mga paintings ko. May isang lamesang nakalagay malapit sa bintanang pinagtalunan ko kagabi. Napansin kong may mga maliliit na picture frames na nakapatong doon. Curious, I stood up and went to check them out. They were pictures of me in the same angle but printed in different colors. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Bakit kailangan pa niyang i-printa sa iba't ibang kulay ang isang shot ng larawan ko? Dadampot na sana ako ng isa nang biglang may kumatok sa pinto. Napalingon naman ako sa direksyon nito. "Good morning, my precious, beautiful daughter!" Nakatanaw lang ako sa nakangising mukha ni Gene matapos nitong buksan ang pinto nang walang pahintulot. Ramdam ko na ang papakunot ng aking noo nang maalala ko ang aking panaginip. "I want you to smile." And so I did. "Good morning!" Dahan-dahang nanlaki ang mga mata nito sa ipinakita kong kagalakan. Bago pa siya makapagsalita ay lumapit na ako at inunahan ko na siya. "What's for breakfast? Gising na ba iyong mga kambal?" Sabi ko bago siya nilagpasan para makalabas na. "Uh..." Nagkakamot na siya ng kanyang batok nang muli ko siyang nilingon. Bakas ang pagdadalawang isip sa mukha nito. "Nasa baba na si Milo at hinihintay ka. Tumawag si Kyo." Tumaas ang kilay ko sa narinig. Is he starting his evil plans this early in the morning? "Sabi nito sa manggahan na daw kayo mag-agahan para diretso na sa shooting range pagkatapos." Uh-huh... Naghalukipkip ako sa sinabi nito. Ano naman kaya ang binabalak ng isang iyon? "I can come with you if you like para mapagsabihan ko si Kyo na ayusin ang pakikitungo—" I raised my hand to stop him from finishing his sentence. "There's no need for that, Gene. Kyo and I are fine." "But he—" "Sa umpisa lang iyon kasi hindi pa naman namin masyado kilala ang isa't isa. Hopefully, these lessons could make us have a better understanding of one another," muli kong pagputol rito sabay ngiti. Mataman niya akong pinagmasdan na tila hindi kumbinsido. Ilang sandali ay nagbuga ito ng isang hininga. "Alright, I will trust that you and Kyo will get along." "Right!" I cheerfully answered. "And you and him won't be having a shooting duel in the farm in case option one didn't work out?" "Righ—what?" Halos masamid ako sa sarili kong laway pagkarinig noon. Nginitian lang ako ni Gene bago ginulo-gulo ang buhok ko. "Mabuti pang maligo ka na at maghanda. Kanina pa naghihintay si Milo sa ibaba." Ngumuso ako sa ginawa nito habang inaayos ang magulo ko ng buhok. "Tulog pa ang mga kambal. We'll probably be visiting you later pagkagising nila," anito sabay kindat. Isang malapad na ngiti naman ang iginawad ko rito bago patakbong bumalik sa loob ng silid para makapaghanda na. Mabilis lang ang biyahe patungo sa mango farm. Alas otso pa lang ng umaga pero pansin ko na ang unti-unting pagdagsa ng mga tao rito. Nalaman ko mula kay Milo na popular pala talaga ang farm lalo na sa mga turista. Malapit lang rin dito iyong sikat na cold spring na isa sa mga pangunahing tourist spots ng Asteria kaya lang mga alas dies pa ito nagbubukas. At dahil alas nuebe ang opening ng farm, dito muna tumatambay ang mga taong pupunta sa spring para magpalipas ng oras. Nagulat ako nang nilagpasan lang namin iyong snack bar at mga cottages ng farm. Nadaanan na din namin iyong maliit na puno ng mangga na nasa burol, hindi pa rin humihinto si Milo. "Kuya?" "Ano po iyon, Lady Aya?" Sagot nito habang nakadungaw sa rear view mirror ng sasakyan. "Hindi ba kakain pa kami sa mango farm? May restaurant pa ba pagkatapos nito?" Tanong ko sa driver habang itinuturo iyong kalalagpas lang naming back gate ng farm. "Pasensiya na po, Lady Aya. Tumawag kasi kanina si Master Kyo habang naghahanda kayo. Ang sabi ay dumiretso na lang daw tayo sa dojo at dito na lang daw kayo mag-agahan." Naghalukipkip ako sa sinabi nito. Gusto pa yata akong gutumin ni Kyo. Mukhang wala yatang nakapagsabi sa kanyang hindi dapat ginugutom ang mga babae. "Don't worry, Lady Aya. Malapit na rin naman tayo. Nasa dulo lang ng farm iyong dojo ng pamilya nina Master Kyousuke," pagpapaliwanag pa nito. Nagkibit na lang ako bago ibinaling ang paningin sa tanawin sa labas. Wala rin naman akong mamagawa. Kailangan kong sundin kung anong gusto ng isang iyon dahil siya ang inatasan na magturo sa akin. Matapos ang ilang minuto ay tumambad na rin sa aking paningin ang isang napakalapad na gusali. Dinesenyo ito katulad ng mga dojos sa Japan na pinalaki at pinalapad nga lang. Katulad ng nasa main estate, napapaligiran din ito ng mga namumukadkad na puno ng sakura. Nang makababa na ako ay nagpaalam na kaagad si Milo dahil ipinapatawag daw siya sa main house. Sandali ko pang pinagmasdan ang paalis na van bago hinarap ang malaking pintuan. "I want you to smile...." Huminga ako ng malalim as I let those words sink in my thoughts. "Alright, Rekka. I'm smiling. I AM smiling." I pepped talk myself as I started stretching my arms and waist for a warm up. "Here we go," I said as I pressed the doorbell. Dumaan ang ilang minuto pero wala pa ring nagbubukas. Suminghap muna ako ng hangin bago ko muling pinindot ang button. "Nandiyan na..." Umayos ako sa aking pagkakatayo nang marinig ko ang pagtanggal ng lock mula sa loob. Pinadulas ang isang pinto patungo sa isang banda at tumambad sa akin ang iritadong mukha ni Kira. Itinaas ko ang isa kong kamay at pinakitaan ko siya ng isang malapad na ngiti. "Hi!" Kaagad naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at ngumiti rin. "Hey! Ang aga mo yata?" "Late na nga eh. Nainip yata si Kyo kaya pinadiretso niya na lang ako rito." Kamot-batok kong sagot dito. Kumurap-kurap lang siya habang nakatingin sa akin na tila hindi niya alam kung anong pinagsasabi ko. "Hindi niya ba ipinaalam sa iyo ang schedule ng mga lessons mo?" Ako naman ang biglang nalito. "Ang sabi niya tinawagan ka niya para—" Natigilan siya nang may biglang natanto. Bumuntong siya ng hininga bago muling nagsalita. "Your gun lessons with Kyo will be every Monday and Wednesday morning. We'll have your kendo lessons every Tuesday and Thursday afternoon. And then you'll have your boxing lessons with Hans every Friday." Nakangiti lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Kira pero ramdam ko ang pagbulusok ng aking galit papunta sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. "Today is Tuesday, Ayana." No s**t, Sherlock! Naisahan ako ng isang iyon. Damn it! I even skipped breakfast for this. Kung anumang irita ang nararamdaman ko ay sinarili ko na lang. Pinanatili ko ang aking ngiti sa mukha at hindi ko iyon ipinakita sa kausap kong ngayon ay nagkakamot ng ulo. I've noticed that he's wearing the attire for kendo. Maybe he's already doing his morning drills. Hindi naman siguro masama kung sasabayan ko na lang siya, right? Magsasalita na sana ako nang mapansin ang chest guard sa kanyang dibdib at iyong isang glove sa kanang kamay nito. Kyuudou? "You're practicing archery?" Bulalas ko. Saglit na napatingin si Kira sa glove ng kanyang kamay bago muli akong binalingan. "Uh, yeah. Kaya hindi kita napagbuksan kaagad kasi nasa dulo iyong dojo ng kyuudou." Nakangiti ito pero wala akong nararamdamang tuwa mula rito. Saglit akong bumaling sa kanyang likuran. May nakita akong mga katulong na dumadaan-daan at may mga bitbit na mga pagkain. Pagkatapos noon ay ibinalik ko sa nakangiti nitong mukha ang aking paningin. Hindi man lang ba ako papapasukin nito? Parang kanina pa yata kaming nakatayo dito sa labas. "Uh—" Magsasabi sana ako nang bigla siyang magsalita. "Pasensiya na, Ayana. Hindi kita maa-accommodate ngayong umaga. May sasalihan kasi akong kyuudou tournament at kailangan kong maghanda para rito." "Hindi, okay lang. Maghihintay na lang ako sa sala o waiting area sa loob hanggang hapon," nakangiti ko pa ring tugon. "Uh... ano kasi..." May pag-aalinlangan nitong sambit at hindi makatingin ng diretso sa akin. "Pinapalinis ko pa kasi ang buong dojo..." Pero parang makintab naman ang sahig. Wala man lang ngang hulog na talutot ng sakura sa lupa ng buong bakuran. "Biglaan kasi ang naging desisyon ng mga matatanda..." Pero parang hindi naman abala ang mga tao rito. May nakita pa nga akong katulong na kadadaan lang at may dalang tray ng snacks. "Nakakahiya naman kung paghihintayin kita tapos walang aalima sa iyo..." Pero ayos lang na hindi ako imbitahan sa loob at dito lang kausapin sa labas? Gusto ko mang sabihin ang lahat ng mga iyon ay pinili ko na lang na manatiling nakangiti. Hindi niya kailangang malamang naapektuhan ako sa mga sinabi niya. It doesn't take a cow to understand that he doesn't want me here. "Tamang-tama! Papasyalin ko na lang iyong spring na malapit dito. Hindi pa ako nakakapunta roon. Kaya doon na lang muna ako hanggang sa takda nating oras." "H-ha? P-pa—" "Daijoubu. Itinuro na kanina ni Milo sa akin iyong daan patungo doon galing dito," pagsisinungaling ko na hindi pa rin tinatanggal ang ngiti. "P-pero—" I cut him from what he was about to say by slightly bowing my head as a cue for my departure before turning the other way. "Mag-ingat ka roon, okay?" Napakuyom ako ng aking kamao nang marinig ang sinabi nito. Mahirap ba talagang alukin ako sa loob at doon na lang paghintayin? Mas maigi ba talagang hayaan lang ako sa isang lugar na hindi ko naman kabisado? Bwesit. Inayos ko muna lang muna ang mukha ko bago ko siya muling hinarap. Nasa labas na ako ng gate ngayon at may kalayuan na sa kanyang kinatatayuan pero kita ko pa rin mula rito ang ayos niya. Just a I expected, nakamedyas lang ito. Siguro nga ay nasa kalagitnaan siya ng pag-eensayo at nadisturbo ko ang konsentrasyon niya. "Siyanga pala. Pupunta dito si Gene mamaya kasama iyong mga kambal..." Pagkabigkas ko pa lang sa pangalan ng kanilang Beta ay kaagad na nanlaki ang mga mata nito. I held my smirk from showing on my face at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Pakisabi na lang sa kanyang nasa spring ako nagpapalipas ng oras. Doon na rin ako hahanap ng makakain. Hindi pa kasi ako nakakapag-almusal kasi nga maagang tumawag si Kyo para papuntahin ako rito tapos bukas pa pala iyong lessons namin? Haha... Palabiro talaga. Hahaha..." At saka ako tumalikod para simulan ang paglalakad pabalik sa farm. Parang narinig ko siyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na ito binalikan pa. Hindi rin siya makakahabol kaagad sa akin dahil sa suot niyang medyas. Doon ko lang inilabas ang kanina ko pang pinipigilang ngisi. Did he really think I'd let him go unscathed? Oh Kira, if I burn, you burn, too. Huwag kang mag-alala, isusunod ko ang walang hiya mong kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD